Chapter 18.
"Hahaha. Nakakatawa naman", sabi ni Jordan sa joke ni Faye na hindi ko naman naintindihan.
"Hindi naman nakakatawa. Ang korni"
"HA? Anong sinabi mo??! wala ka kasing sense of humor", reklamo naman ni Faye sa opnyon kong totoo naman. Waring tutusukin nya sana akong tinidor nya at pinandilatan ko din sya.
"Ui. Easy lang. Hahaha. Nakakatuwa naman kayong dalawa pero wag dito sa harap ng hapagkainan", malumanay na suway ni Jordan sa amin.
Kumakain kasi kami ng breakfast at si Jordan ang nagluto kaya tong isa naman dito panay ang papuri, eh typical lang naman na breakfast obvious na hindi nagluluto. Sa sofabed pala natulog si Jordan, buti naman.
"Tapos na ako", tumayo na ako sabay dala nung pinagkainan ko papunta sa may lababo. At mukhang naeenjoy naman nila yung company ng isa't-isa. Kung si Jordan nalang kaya ang tumira dito tutal gusto naman nila ang isa't-isa.
Teka, bakit ba ako nagkakaganito? Ang weird ko na naman. Baka naman may potion yung pagkain na niluto ni Jordan. Waaaa~ Ano ba tong naiisip ko, napaparanoid na siguro ako. Kailangan ko na ata mgpadoctor. Makaalis na nga.
______
"Oh, Will buti naman at napadaan ka dito sa tambayan mukhang nakakafinish line ka na ata kay Faye ah", sabi ni June habang naglalaro ng baraha mag-isa.
"Oo nga, libre ka naman", dagdag naman ni Keith habang umiinom ng softdrinks.
"Tss. May Jordan na yun", biglang may nagsalita galing sa pinto, si Rap.
"Ui tol, long time no see", sinalubong ko si Rap, barkada ko na sya simula bata palang, bestfriend ko din to kaso biglang nawawala-wala sya this past few days kasi may pinopormahan ata.
"Haha. oh ano na? Anong gusto nyo? Libre ko", yaya naman nya.
"Alam na", sabay naman ni June at Keith. Nako. Obvious na kung anong gusto nila.
____
<Faye's POV>
"Sure kang okay ka lang?", tanong sa akin ni Jordan habang papalapit na kami sa bahay nya. Sumama na ako sa kanya kasi wala naman din ako magawa. Kumbaga parang hinatid ko pa sya pero okay lang talaga kasi masarap namang kasama si Jordan, nakakatawa yung mga jokes nya na hindi ko alam na nageexist pala kaya nakakatawa. Pansin ko parang nagbabago na sya, mula sa tahimik at pasimple lang kung tumawa na naging makulit at wagas kung tumawa kaya napapasama nalang ako sa kakatawa.
"Haha. Oo naman. At ayoko na ding tumagal kasama ka, ang sakit sakit na ng tyan ko, naubusan na din ako ng luha. Haha", nakarating na kami sa may gate.
"Cge. Tawagan mo nalang ako kung nakarating ka na sa bahay nyo ha. Ingat ka", bigla nya akong hinalikan sa noo na kinagulat ko. Nagblush ba ako? Hindi naman siguro, mainit kasi kaya ganun.
"Bye", dahan-dahan na akong umaalis ng hindi tumitingin sa kanya.
Bakit parang ang tahimik ng paligid kahit may dumadaan na sasakyan sa kalsada, pwede na bang mamute ang sasakyan ngayon? Hightech ah. Ang weird lang. Psh.
Malapit na ako sa may huling kanto papunta sa ng biglang umulan ng malakas, kaya dali-dali akong tumakbo dun sa may waiting shed, nako butas-butas pala yung kisame kaya natutuluan ako. Wala pa man din akong dala maliban sa phone ko. Tawagan ko kaya si Jordan para sunduin ako? Eh, NO! Ayaw ko ng maabala sya. Kung si Will kaya? Baka nasa bahay na yun. Cge sya nalang tutal no choice din naman ako.
Dinial ko yung number nya, nagring pero bigla ko ding pinatay bukod sa tanong ko kung bakit nagring yung number nya e wala naman syang phone. Grr. Pero wag mo na ako magalit sa kanya, kasi hindi naman nya ako pinapahirapan sa slavechuchu na yan bukod sa paglilinis dun sa lumang theatre.
BINABASA MO ANG
Love Miracle <3
Teen FictionThis story tells you that anything is possible and each chances has its own moment. No matter what is your reason behind your character, meron at meron pa ring pagkakataon na mababago ito. Everything changes. Sinasabi nga nila ng paulit-ulit, EXPECT...