Chapter 20.

12 2 0
                                    

Chapter 20.

"WHAAAAAAAAAAAAAAT??? Nandoon sya sa lumang theatre?? at nagtatrabaho sya dun??", grabe. Kung umuusok lang talaga ang ilong at tenga, naging sauna na tong bahay namin. Galit ako. OO. SOBRA. Eh pano ba naman nalaman kong nasa lumang theatre daw si Will, at guess what nagtatrabaho daw sya dun, diba may sakit sya? kagagaling lang nya sa ospital tapos kung makapagtrabaho sya parang wala syang sakit. Pano kung nabinat sya, edi kargo ko na naman sya, aalagahan ko na naman sya. Aatakihin na ata ako sa galit >_< Mababaw ba? Oo, mababaw, pero hindi ko din alam kung bakit ganito agad ang reaksyon ko ng malaman ko kay Jordan kung nasan si Will. Speaking of Jordan, nandito sya sa bahay at pinapakain si Fishie. Wala kaming pasok at ewan ko kung anong dahilan. Si Ace at Jake hindi ko din macontact. Saan naman kaya nagpunta yung mga yun.

"HAHA. Relax ka nga lang, Faye. Tignan mo oh natatakot na sayo si Fishie . . . . Helo Fishie, labas ka na dyan, wag mong pansinin yung isa dito na nagmumukha ng toro", hindi nya ako tinitignan, nilalaro lang nya si Fishie.

"Ihatid mo ako dun ngayon din", utos ko sa kanya na syang nagpatingin sa kanya sa akin.

"Ok. I'm ready", sabay labas na ng bahay. teka, parang alam na nyang mangyayari to ah. Pero mamaya ko nalang sya papansinin basta ang alam ko kailangan kong puntahan yung ipis na yun.

Nakarating na kami dun ng sobrang bilis, wala na din akong pakialam kung gaano kabilis magpatakbo ng motor si Jordan.

 Madaming tao dito sa lumang theatre ah, mukhang busy lahat ng tao, halos wala nga akong makausap dahil sa may kanya-kanya silang ginagawa. Pero sabi ko nga wala akong panahon para sa ibang tao, dali-dali akong  pumasok at hinanap si Will,

at ayun, nakita ko sya sa may gitna ng hall at tila may minamanduhan syang tao dun sa may stage. Dali-dali akong lumapit sa kanya.

Hinarap ko sya.

"OY. IPIS! BAKIT MO AKO INIWAN DUN SA OSPITAL? MAGALING KA NA  BA? PAANO KUNG NABINAT KA? ALAM MO BANG SOBRA AKONG NAG-AALA SAYO. MUKHA NA AKONG TANGA. ALAM MO BA YUN", teary eyes na ako, at hindi ko na masyadong makita yung mukha nya pero halatang gulat na gulat sya sa mga sinabi ko, ako din naman gulat din sa sinabi ko, pero wala na akong pakialam.

"Faye, . " yun lang ang nasabi nya.

"Hala ka sir Mike. Pinagtrabaho mo pa si Will, yan tuloy", narinig kong may nagsalita dun sa likod ko. Nagpunas ako at pinuntahan si sir Mike. Sinubukan kong maging mahinahon.

"Sir, mawalang galang lang po bakit nyo po pinagtatrabaho si Will, kagagaling lang po nya sa ospital, paano po kung nabinat sya at lumala yung sakit nya", alam kong sinusubukan kong maging mahinahon.

"Eh, Faye, sya ang nagpumilit magtrabaho kasi sya ang in-charge dito e para sa big event ng school natin", malumanay na sabi ni sir Mike.

"Kahit na sir. Iuuwi ko na po sya", lumapit na ako kay Will sabay higit sa kamay nya.

"Teka, Faye  . . .", napatigil ako ng tumigil sya sa paglalakad.

Dun ko lang napansin na ang tahimik ng paligid at nakatingin lahat ng tao sa amin o sa akin lang. Parang ngayon ko lang narerealize yung mga ginawa ko. Haaaaaaaaaaaay. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Hindi na naman ako nag-iisip.

Nilingon ko si Will na may pagtataka sa mukha nya, binitiwan ko sya sabay takbo palabas.

"Faye . .", narinig kong tawag ni Jordan pero hindi ko sya pinansin, tumakbo lang ako ng tumakbo hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.

_____

<Will's POV>

"OY. IPIS! BAKIT MO AKO INIWAN DUN SA OSPITAL? MAGALING KA NA  BA? PAANO KUNG NABINAT KA? ALAM MO BANG SOBRA AKONG NAG-AALA SAYO. MUKHA NA AKONG TANGA. ALAM MO BA YUN", gulat na gulat ako sa sinabi ni Faye sa akin. Ni wala ngang boses na gustong lumabas sa bibig ko, hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya, lalo na at naiiyak na sya. Gusto ko syang hawakan at yakapin pero hindi ako makagalaw. Madaming tanong ang tumatakbo sa isip ko pero isa lang gusto kong masagot ngayon, .

Love Miracle &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon