Chapter 6. i'm stocked.

31 2 1
                                    

"Ano bang iniiyak- iyak mo jan? Bakit ka ba nandun? Anong ginagawa mo dun? Bakit may nagsusuntukan dun? Ha? Sagutin mo nga ako", tanong ng tanong tong ipis na to sa gilid ko habang nagswasway. Kinukulit ako ng kinukulit. Hindi ba nya nakikita na nasa state of emode ako? Imbis na patahanin nya ako, HINDI. at hindi ako makatingin sa kanya dahil patuloy sa pagtulo ung luha at uhog ko. Nakakainis lang din ang awkward ng sitwasyon namin ngayon. Dahil ang pinakakinaiinisan mong tao ay nandito ngayon at kulit ng kulit sa akin. Feeling close lang talaga.

Nakaupo kami ngayon sa may swing sa isang madilim na park.

Hindi ko na matake ang nangyayari kaya tumayo na ako at nagsimulang maglakad. At pansin kong sumusunod din sya sa akin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"OY! Saan ka pupunta? Oy", pahabol nya sa akin. Hindi rin sya tumigil sa pagsunod sa akin, patuloy pa rin ang pagtanong nya at pangungulit sa akin. Ilang sandali nalang ay tumahimik din sya, huminto ako. Nandun pala sya sa likod ko kaya nabangga ko sya. Pagharap ko sa kanya nakita kong nakakabit ung mga earphones nya sa dalawang tenga nya. Nagulat sya kaya tinanggal nya ung earphones nya dun sa tenga pero agad akong tumalikod sa kanya. Hayts. Nakakawalang gana talaga tong kasama. Bakit kasi ako napadpad dito kasama sya.

Meow..

Bigla akong nagulat dahil sa pusang dumaan sa harapan ko kaya napasandal tuloy ako sa kanya at kung hindi naman sana sya lampa hindi kami naoutbalance. 

OO. TAMA. Natumba kaming dalawa. at ang AWKWARD ha! >.<

Yung feeling na nakapatong ka dun sa pinakaiinisan mong tao sa mundo? 

Yung feeling na nagkauntugan pa kayong dalawa at kakarealize mong matigas pala ang ulo ko. Ang sakit ha >.<

Yung feeling na ..............

Yung feeling na ............

Waaaah. i can't take this anymore kaya agad-agad akong tumayo at nagpagpag ng sarili.

"Yuuuuuuuuuuuuuuuuccccck! Oy. Kadiri kang ipis ka!!", sigaw ko sakanya at sa sobrang inis ko tinapakan ko ung paa nya ng pagkalakas-lakas.

"Arrraaaaaay! Araaaay! OUCH.", namimilipit sya sa sakit dahil sa ginawa ko sakanya.

"Uy. Sira ulo ka talaga no! Bat mo ginawa un?  Ouch!", reklamo nya sa akin habang sinusubukan nyang tumayo pero natutumba sya. Hahaha. Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa itsura nya. Hindi mo maipinta ung mukha nya. Pero OA much ha. Hindi naman masyadong masakit ung pagkakaapak ko sa kanya.

"HAHAHAHAHA.HAHAHAHA.HAHAHA", tumawa na ako ng malakas habang may kasamang paghikbi.

"Baliw ka talaga no? Tulungan mo na kaya ako dito", inaabot nya ung kamay nya sakin para tulungan sya. Dahan-dahan ko namang inabot ung kamay ko. Pero wait a minute kala nyo ganun lang un. Mga 1 inch nalang ang pagitan binawi ko na agad ung kamay ko sabay binehlatan ko sya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo.

"ABA! Uy. Karate kid! Speaker! Palaka!. Bumalik ka dito", sigaw nya sa akin. Pero dedma lang ako sa kanya drama lang naman ung ipis na un eh. at saang lupalop ng mundo naman nya nahanap ung mga tawag nya sa akin. Mas lalong nadadagdagan ang inis ko saknya.

Habang naglalakad ako papalayo naiisip ko na naman ung nangyari kanina.

Bakit sya nandito?

Bakit sya bumalik?

Balewala nalang ba talaga sa kanya ung mararamdaman ko pag nakita ko sya?

Wala na lang ba talag sa kanya lahat ng nangyari?

Bakit ka bumalik ........

.....Marco?

Habang nagiisip, naalala ko si Jordan. Saan na kaya yun? Sinadya pa man din nya akong puntahan sana pero un napaaway pa tuloy. Bugbog sarado din un kanina. Matawagan nga.

Calling Jordan...

"Faye? Sorry kanina ha-", sagot nya agad sa akin pagkasagot palang nya sa phone.

"Ah wala un br-"

Poink

OUCH! >.<

The hell. May bumato ba naman sa kin at natamaan ako sa ulo ha. Eh sino pa ba edi ung ipis na un na pipilay-pilay sa paglalakad habang nakangiwing naiinis na ewan habang papalapit sa akin. Agad kong tinignan ung phone ko pero naend na ung call. Humarap ako dun at lumapit sa ipis na un at binigyan ko sya ng tadyak sa birdie nya na naging dahilan ng pagungol at pagtambling tambling nya sa damuhan.

Well. iniwan ko sya dun!

**

Tatawagan? Hindi? Tatawagan? Hindi?

Palakad-lakad ako sa kwarto ko habang kinakagat ko ung mga kuko ko. Nag-iisip ako kung sino ang tatawagan ko -_______________________-

Gusto ko maging seryoso pero waley naman akong maisip na gawin. Ayokong tawagan si Ace  kasi busy un sa pagiging alalay ng boyfriend nyang si Jake sa pagmomodel nya. Isa kasing model si Jake sa isang kilalang modelling agency. Ayoko namang tawagan si Jordan baka tulog pa un at nagpapagaling.

Ganun ba ako kasuplada? at wala akong maisip na tawagan man lang na kaibigan. Haay.

"FAYE!", sigaw ni kuya mula sa baba.

"PO?????", sigaw ko naman pabalik sa kanya.

"Bumaba ka nga dito. Dalian mo"

Bumaba na ako at laking gulat ko ng makita ko ung ipis na un na may benda sa paa, plaster sa ulo. Tumalikod ako at waring papasok na sana ako sa kwarto. Hindi ko alam kung ano na naman ang iniisip nito.

"FAYE! Halika ka nga dito", tawag na naman sa akin ni kuya pero hindi ako tumingin sa kanya.

"Kuya ano namang ginagawa ng ipis na yan dito sa bahay? Pfft.", sagot ko habang nakatalikod at nakasandal sa may doorframe at nakacrossed arms.

"He will be going to stay with you for a month"

WHAAAAAAAAAT???????????!!!!!!!!!!!!!!, sabay naming sigaw ni ipis.

"Kuya, BAKIT? ANO NAMAN? ...... HA? NO WAY!!, pagrereklamo ko kay kuya. This is very unreasonable.

"Mas lalo naman ako no. Kuya Neon naman akala ko ba iinom lang tayo. Ano to?!", pagrereklamo din ni ipis sa kanya.

Harsh ba na ayaw ko syang tawagin sa pangalan nya? Well, tinaga ko na sa bato kasi na hindi ko sya tatawagin sa pangalan nya dahil..... dahil.... dahil...... Hindi ko din talaga alam. Basta. Un na un..

"Guys, listen ok? We'll be having a medical mission in Visayas. Magstay kami dun for 1 month and walang magstay dito sa bahay para samahan ang praning kong kapatid", sabay gulo pa ng buhok.

"Kuya nandyan naman si Ace db si..... Jordan. Madami namang iba bukod dyan sa ipis na yan"

"Nakausap ko na din si Ace pero hindi daw sya available kasi he's staying daw sa bf nya and he even agreed na mas ok pag si Will ang kasama mo, tutal magkababata naman kayo. And hindi ako komportable kay Jordan u know naman ean Faye kaya umayos ka"

"Ok. I know right. Ahmmm Hindi nga kami close nyan eh", sagot ko kay kuya na talagang may halong inis na.

GUESS WHAT! Well you don't have to guess kasi obvious naman na ayaw ko talaga at hindi ko matake na makasama sya sa iisang bubong. Isang oras na nga lang sabog na ung sikmura ko, isang buwan pa kaya.Hayst.

"And by the way, nakausap ko na si Tita Marie, payag naman sya na dito ka muna Will. Kaya guys i hope you get along with each other. Pustahan tayo besprens na kayo pagbalik ko", natatawa pang sabi ni kuya papalabas ng pinto.

"Teka. Kuya aalis ka na ba? AGAD? Hindi mo man lang ba papakinggan yung side ko. Grabe ha. Aish. Babae ako kuya remember?"

"Babae ka nga ba?", singit naman nitong ipis na tatawa-tawa pa.

wew. Umiinit na ako ah bukod sa mainit ang panahon ngayon at sa sitwasyon. Dinampot ko ung tsinelas ko at binato ko dun sa ipis na nakaupo sa sala.

"Bye Guys", paalam ng mabait kong kuya sabay labas ng bahay. Sinamantala ba naman ang nangyari. Haaaaayst.

Wala na akong magagawa.

I'm stocked. 

With that irritable cockroach..

-_____________________________-

Love Miracle &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon