Chapter 7

9 0 0
                                        

Dumating ang araw na nakaramdam ako ng pagkapikon dahil sobra na siya sa pang-aasar niya. Hindi na ako natutuwa kaya naisip kong umupo na lang sa upuan na katabi ni Loisa, tutal bakante naman.

Sa second line to the last sila at sa bintana. Pero akala ko, magiging okay na, hindi rin pala.

“Do‘n ka ‘diba?” Si Lisander. Nakaupo siya sa tabi ko, bali napapagitnaan nila ako ni Loisa. “Bakit nandito ka?”

Hindi ko siya sinagot pero hindi siya tumigil kaka-kalabit sa ‘kin at paulit-ulit na sabihing. ‘bakit raw ako nandito.

“Bumalik ka nga do‘n.” Humarap ako kay Loisa at nakipag-daldalan, pero hindi tumigil ‘yong lalaking ‘yon.

Medyo napikon ako kaya pabalang akong humarap a kan‘ya.

“Balik ka do‘n.”

“Bakit? Nandito si Loisa e.”

“Dito ka ba? Hindi naman a.”

“Paki mo?”

May malala pa pala kay Francis.

Naging tuloy-tuloy ‘yon at minsan si Gerald na mismo ang nagsasabi na punta na raw ako kay Loisa. Ayaw ko mang gawin pero hindi ko naman alam anong sasabihin para hindi niya ako paalisin, na hindi ko gustong umupo sa tabi ni Loisa—i mean oo, pero gusto ko s‘yang kasama.

“O do‘n ka na,” ‘yon ang lagi n‘yang sinasabi na sinusunod ko rin.

At nang makaupo na sa tabi ni Loisa, si Lisander naman ang nang-asar. Sinabayan ko ang kalokohan niya pero kusa akong napatingin kay Gerald na nakatingin na rin pala sa ‘min, hindi ko mabasa ang iniisip niya at ayaw kong mag-asume pero parang nagse-selos siya.

Tuloy pa rin naman ang pagsisimba namin at lagi kaming nagngingitian sa t‘wing magkakatinginan.

“Kilayan kita,” saad niya nang makarating.

Hindi pa ako nakakapagsalita nang hilahin niya ang make up bag sa ‘kin.

Ganito ang madalas n‘yang gawin. Na minsan nauuwi sa kulitan at asaran.

“Alam mo bakit gusto kitang kilayan?”

Hindi ko siya pinansin. “Alam mo?” Pagpipilit niya pa.

“Bakit?” Hindi ko siya gustong pansinin. Pero naiinis ako kasi tinatapik-tapik niya ang balikat ko.

Pero tumatawa siya na parang baliw, naiinis ko s‘yang tiningnan pero tawa lang siya ng tawa.

“Kasi wala kang kilay.”

May kilay ako, manipis lang.

Gusto ko sanang isagot ‘yon sa kan‘ya pero hindi ko ginawa. Nang sabihin ‘yon, tumawa ulit siya.

Baliw ba siya?

Kinuha ko sa kan‘ya ang pang-kilay at gamit ko para sana umalis pero hinawakan niya ako sa kamay para pigilan.

“Ito naman, binibiro lang e.”

Hindi ako natutuwa.

Inisnaban ko siya na kinatawa niya. “Hindi na, hindi na kita aasarin.”

Hinayaan ko na s‘yang ituloy ang ginagawa niya. Hindi na nga siya gumawa ng kalokohan at seryoso na siya sa gusto n‘yang gawin. Naramdaman ko na lang na huminto siya at ngumiti.

“ ‘yan, okay na.” Siya na rin ang nagligpit ng pinaggamitan.

“Saan ka uupo?” Tanong niya nang makatayo ako.

Hello Mr. Seatmate (Short Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon