Chapter 8

5 0 0
                                        

Nagsusulat kami ng lecture kahit na wala ang teacher namin. Nag-iwan lang ng gawain para hindi kami magpakalat-kalat.

Pero naging maingay pa rin dahil sa kalokohan ng kaklase naming si Wong.

‘yon ang tawag namin sa kan‘ya.

Hindi ko alam kung Chinese ba siya o Korean. Ang features niya ay Korean pero ang datingan niya—lalo na sa pananamit ay Chinese.

“Ano ba naman Rose? Lagi mo na lang akong inaaway, may galit ka ba sa ‘kin?” Pang-aasar niya sa kaibigan namin.

Na siyang tinatabihan ko ngayon.

Nagkaroon ng hiyawan dahil do‘n. Hindi ko rin narinig kung anong dahilan, ang alam ko lang binawalan siya ni Rose kasi nga maingay siya at ‘yon ang sinagot niya.

“Hindi ka manahimik, para kang baliw.”

Matangkad si Wong, slim, maputi, natural na brown ang hair. Matangos ilong niya, chinky eyes at pouty lips.

In short, gwapo siya.

“Ito naman, kinakausap na nga kita tapos ganyan ka pa.”

Pati ako nakitawa na rin, humiyaw na naman sila.

Hindi tuloy ako makasulat ng maayos.

Nakaupo na ako sa harap at katabi si Arah.

“Isa pa ‘no.” Aaminin kong may pagka-pikon si Rose.

Matangkad siya at chubby, hanggang balikat ang buhok at brown ang balat. Hindi siya kagandahan pero mabait siya.

“Bakit? Pinapahinto mo na ako? Ayaw mo ba akong kausap?”

Aayyyiieeee.

Hiyawan nilang lahat na sinasabayan namin ng tawa.

“Isa pa, babato ko sa ‘yo ‘tong notebook.”

“Sige lang, batuhin mo lang, babatuhin naman kita ng pagmamahal.”

Aaayyyiiiieeee. HAHAHHAA.

“Ayaw mo talagang tumigil?!”

“Pinapatulan mo rin kasi Rose, gusto mo rin e.”

Panibagong asaran na naman.

“Manahimik ka nga Rackson!”

“Oo nga, ‘wag ka ngang nakikisali sa ‘min ni Rose.” Si Wong.

Napuno ng ingay at tawanan ang room, pero nahinto rin nang hindi na siya sagutin ng kaibigan namin.

“Arah,” tawag ko sa kan‘ya.

“Ano?” Lingon niya sa ‘kin.

“Magkano ‘yong PTA?”

“500.”

“Hanggang kailan daw ‘yon?”

“Next week.”

Friday ngayon.

“Bakit?” Tanong niya.

“Gusto ko na kasing bayaran, meron akong dala.”

“Magbabayad ka na?”

“Oo, ayaw ko kasing maipon, ‘di ba marami pa tayong babayaran n‘yan? Binigyan na kasi ako.”

Alam kong five hundred, tinanong ko lang dahil may babayaran pa kami at gustong siguraduhing yung PTA muna ang babayaran.

“Ikaw, bayad ka na.”

“Samahan mo ako?”

“Tara,” sinara namin ang notebook ko at tumayo.

Nasa pinto na kami nang huminto. “Bakit?” Pagtataka niya.

Hello Mr. Seatmate (Short Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon