2018
Unang araw ng klase at nahihiya akong humakbang na parang hindi kami pare-parehong naninibago.
Flag ceremony at hindi kami maayos dahil hindi kami naasikaso ng maayos. Magulo ang pila sa covered court at ang hirap hanapin ng pila kaya pumunta na lang ako sa gilid ng court na bakanteng lote pero sa gitna no‘n nakatayo ang ulo ng statwa ni Dr. Jose Rizal.
Lumingon ako sa likod ko para sana maghanap ng kakilala pero hindi ko pa gano‘n na nalilibot ang tingin ko nang ibalik ko ang tingin sa harap.
Nailang ako bigla.
Pansin ko kasi na magkakakilala ang halos lahat at may mga kasama. Wala man lang akong kasabay, ang dati kong kaibigan hindi ko kasama.
Bakit gano‘n? Porket ba hindi na mag-kaklase ang mag-kaibigan hindi na magsasama?
Pero may mga nakikita ako na matibay ang pagka-kaibigan.
Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko, nilingon ko siya at aalisin sana ang kamay ko pero parang hindi ka makakawala.
“Ikaw pa lang?” Hindi ako sumagot, hindi ko kasi maintindihan kung ano ang tinutukoy niya.
Alam ko pala, may pagtataka lang dahil sa bigla-bigla na lang s‘yang magtatanong nang gano‘n.
Parang naintindihan niya dahil tumawa siya tsaka niya sin-way-sway ang kamay namin na hawak niya.
“Sorry HAHAHA, ako nga pala si Tricia, kaklase ni Arah, hindi ba kaibigan mo siya?”
“H-huh?”
Mababa lang ang boses ko at halos walang boses ang maririnig.
“Kaklasse ko siya no‘ng grade eight, ‘di ba section gratitude ka?”
“A-ahh, oo.”
“Katabi n‘yo ang room namin.” Ngumiti na lang ako na parang ngiwi.
Aaminin kong hindi ako gano‘n na approachable dahil sa pagiging mahiyain ko na rin at takot sa rejection.
Friendly ako pero nawala ‘yon dahil sa pinaparamdam nila.
“Ikaw si Qu Xin ‘di ba?” Tumango ako.
Natapos ang flag ceremony at pinapila kami ng maayos sa labas ng room namin. Do‘n ko lang din napansin na ang mga studyante pala na nasa likod ko ay mga kaklase ko.
Maingay sila at puro asaran, kaya kahit ayaw kong tumawa, napapatawa ako pero palihim lang dahil hindi pa naman kami magka-kakilala.
Ilang beses din kaming napagalitan ng isang teacher dahil maingay sila hanggang sa kami na lang ang naiwan dahil bago raw ang teacher namin at nasa kan‘ya ang susi.
Matagal,
Nakakangawit at dahil na rin sa pagiging mahiyain at ilang na natural na kapag bagong pasukan, tahimik lang ako.
Minsan kapag nagkataon, ayaw kong lumilingon dahil sa isipin na baka nilalait nila ako.
Pero lumingon pa ri ako dahil sa ingay nila—at nagkataon na may nakatinginan ako sa pila ng mga lalaki, nasa bandang likod siya at nakikipaglaro sa babaeng maiksi ang buhok.
Nailang ako dahil hindi ako sanay sa gano‘n pero bago ako umiwas, binalik na rin niya ang tingin sa babae.
‘yong lalaking ‘yon ang maingay.
“Siya na ba?”
“Siya na yata.”
Bulungan nila kaya tiningnan ko ang pinag-bubungan nila.
BINABASA MO ANG
Hello Mr. Seatmate (Short Story)
RomantikIn every school, there are students we never expect to meet, in different moments and for different reasons. Quxin Torres was the girl who only wanted to stay in the corner, but her quiet life gained color when she met a guy who was incredibly playf...
