“Wala na si Francis at Kristine.”
Tumigil ako sa pagsusulat at nilingon si Loisa.
Nakaupo ako sa tabi niya dahil vacant naman, sinusulat ko kasi ang lecture namin na hindi ko natapos at hiniram ang notes niya.
“H-huh?”
“Nakita ko lang sila na nag-uusap pero wala akong narinig, pero halata naman kung ano ang pinag-uusapan nila. Hindi nga sila nag-uusap kanina pa e. Basta narinig ko lang sa kanila, ayaw daw ni Francis.”
Huh? Ano ‘yon?
Para silang naglalaro, tatlong araw lang naging sila. Wala rin nga akong narinig na ligaw. Nag-aminan lang tapos sila na agad.
“Okay,” ‘yon lang ang sinabi ko at bumalik sa pagsusulat.
Pero nalingon ko ulit siya dahil nakangiti siya nang nang-aasar.
“Bakit?” Naiinis na tanong ko.
“May chance ka na ulit kay Francis.”
“Wala, sa pag-lapit niya pa lang kay Kristine, halata mo na kung ano ang gusto niya sa babae.”
“ ‘wag ka nga magsalita nang gan‘yan.”
“ ‘yon kasi ‘yon.”
“Paano kung ini-stop niya dahil ayaw n‘yang ma-hurt ka?”
Maha-hurt pa rin naman ako kahit na hindi siya pumasok sa relationship—syempre, hindi ako ang tipo e.
“Ayan na siya.” Mahinang bulong niya.
Umaga pa naman at dumiretso talaga ako sa tabi ni Loisa. Hindi ko rin pinansin ang sinabi niya hanggang sa nakaramdam ako ng presensiya.
“Anong sinusulat mo?”
Alam kong siya ‘yon, presensya pa lang alam ko na. Sandali akong tumigil sa pagsusulat dahil pinapakiramdaman ko siya.
Parang wala lang ba ang sa kan‘ya ‘yon?
“Lecture,” tipid na sagot ko nang hindi siya tinitingnan.
“Anong lecture?” Tsaka siya umupo sa tabi ko, kung saan si Lisander nakaupo.
Hindi ko na siya sinagot pero mahina n‘yang inangat ang dulo ng notebook.
“Dito ka umupo?”
Inangat ko ang tingin sa kan‘ya. Gusto ko sana s‘yang sagutin nang pabalang pero hindi ko nagawa dahil ramdam ko na naman ang heartbeat ko. Diretso kasi ang tingin niya sa ‘kin. Hindi siya nakangiti, mukha s‘yang pagod na ewan.
“Wala pa namang teacher.”
“Gusto mong katabi si Lisander?”
“H-huh?”
Umiling siya. “Wala, balik ka mamaya a? Kapag may teacher na.” Tipid s‘yang ngumiti at tumayo.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita, nakikipag-kwentuhan na siya sa mga kaibigan niya sa labas.
“Uy, pinapabalik ka sa tabi niya.” Nilingon ko si Loisa dahil sa pang-aasar niya.
“Babalik naman talaga ako, ayaw kong mapagalitan.”
“Sus, aminin mo na, sumaya ka rin nang malamang ini-stop niya ang sa kanila ni Kristine.” Tsaka niya ako siniko-siko.
“Hindi ‘no,”
Bakit naman ako matutuwa?
“Ayiiieee, ‘wag ka na mag-deny, defensive ka naman.”
Napatawa ako dahil sa ginagawa niya pero binigyan niya ng meaning ang pagtawa ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Seatmate (Short Story)
RomanceIn every school, there are students we never expect to meet, in different moments and for different reasons. Quxin Torres was the girl who only wanted to stay in the corner, but her quiet life gained color when she met a guy who was incredibly playf...
