Mas naging dikit kami—hindi naman sobra pero ang nagiging komportable ko sa kan‘ya, maganda sa pakiramdan.
Masaya na may lalaking katulad niya kahit mahilig mang-asar at mamikon.
“Marunong kang mag-massage?” Sandali ko s‘yang nalingunan dahil bumulong siya.
Nasa bibig niya ang kamay n‘yang naka-sarado para hindi mahalata na bumubulong siya dahil may teacher na nagtuturo.
“Bakit?”
“Papa-hilot lang ako, masakit kasi ang kamay ko.”
“Marunong, kapag minsan din sa ‘kin nagpapahilot mga tita ko.”
Hindi ko alam kung bakit sinabi ko pa ‘yon, hindi ‘yon sa nagmamayabang pero parang kahit sa simpleng massage lang, mapa-impress ko siya—kahit na walang ka-impress-impress do‘n.
“Totoo?" Plain na saad niya, tumango lang ako tsaka niya nilagay ang kamay niya sa arm rest ko. “Massage mo na.” Nakangiting saad niya.
Ngumiti ako at ginawa ang sinabi niya. Nang mahawakan ang kamay niya, kaba ang naramdaman ko dahil ito pa lang ang unang beses na makahawak ng kamay ng lalaki, maliban do‘n, crush ko siya.
Tama, inaamin ko na na may nararamdaman na ako sa kan‘ya.
Hinilot ko ang kamay niya ng marahan, kahit naman kasi nasa pinaka-likod kami ay madali pa rin kaming makita dahil hindi naman kami naka-pwesto sa sulok.
“Masakit ba ako mag-hilot?”
“Hindi man,”
‘yong iba kasi, sinasabi nila na may pwersa daw kamay ko kahit malambot naman. Baka sinasabi niya lang ‘yon para hindi ako na-offend.
Hindi ko alam na natapos na pala ang discussion pero hinihilot ko pa rin ang kamay niya.
“Ayiieeee, magka-holding hands sila.” Dahil do‘n, binitawan ko ang kamay niya.
Na dapat hindi ko ginawa.
Dahil naging defensive ako at parang naipakita ko na affected ako.
“Hayaan mo sila, ‘wag mo silang pansinin.” Kinuha niya ang kamay ko at pinatong sa kamay niya.
Wala akong choice kundi gawin ang gusto niya.
Pero ako rin ang nahihirapan dahil, ayaw pa niya akong pahintuin.
“ ‘yong isa pa,” naka-awang ang mga labi ko sa sinabi niya.
Tumawa na lang siya bigla pero hindi ako. “Dali na, masakit din.” Ayon, ginawa ko rin naman.
Dahil gusto ko rin.
Ilang sandali pa nang siya na ang nagsabing okay na.
“ O ayan, tapos na.”
“Salamat!” Masiglang saad niya na nginitian ko lang.
Naging tuloy-tuloy ang pagiging dikit namin at pagpapahilot niya maging ang pang-aasar niya na sinasabayan ko rin pero may iba na nakakainis na pero siya, tumatawa lang.
Naka-arrange ang mga upuan namin ng pa-square dahil general class. Katabi ko si Loisa—siya ‘yong natanungan ko sa TVL na ICtT at nagkukuwentuhan kami hanggang sa...
“May crush ka sa mga kaklase natin?”
Nilingon ko siya at hindi ako nakapag-react agad. At parang nakuha na niya ang ibig sabihin no‘n dahil ngumiti siya ng nakakaloko.
“Meron ‘no?”
Ngumiti lang din ako tsaka niya ako sinundot sa tagiliran.
“Sino? Sabihin mo sa ‘kin hindi ko naman ipagsasabi.”
BINABASA MO ANG
Hello Mr. Seatmate (Short Story)
RomantikIn every school, there are students we never expect to meet, in different moments and for different reasons. Quxin Torres was the girl who only wanted to stay in the corner, but her quiet life gained color when she met a guy who was incredibly playf...
