Epilogue

19 0 0
                                        

Present

Napangiti ako nang alalahanin ang nakaraan.

2025

But still him, hindi ko nagawang kalimutan siya. Walang segundong hindi siya iniisip at gustong-gustong makita.

Pero sinabi ko sa mga kaibigan ko na, kung mangyari man 'yon, itatangi ko na may nararamdaman pa rin ako sa kan'ya.

Dahil nakakapagod at nakakasawa na.

I'm still with my coffee. Ayaw ko na rin' umalis sa shop na 'to.

Maganda ang hangin, makulimlim at maginhawa sa pakiramdam. Ngumiti ako at hindi na inubos ang kape tsaka ako lumabas ng 7-Eleven na tamang bumuhos ang malakas na ulan.

Wala akong payong.

Akala ko hindi uulan. Hindi naman kasi ibig sabihin na makulimlim ay uulan na.

Nakatayo lang ako at nakasilong. Ngayon ko lang din napansin na pagabi na.

Malamig.

Brown fitted sleeveless dress above the knee ang suot ko at white rubber shoes. Nakalugay lang ang buhok ko na hanggang beywang na pina-wave ko.

Isa mga gusto kong mangyari ay, maayos ako kapag magkita ulit kami sa unang pagkakataon.

Naka-cross arms lang din ako at mahinang sumipa-sipa hanggang sa mapabaling ako sa gilid ko na nagpa-tigil sa 'kin.

Tama lang din na nakatingin siya sa 'kin. Nakasuot siya ng black slacks at white polo long sleeve. Nakaramdam ako ng paninibago, pagka-miss at kaba. Matagal kaming nakatingin sa isa't-isa nang umiwas ako na parang wala lang.

Bakit? Paano?

Hindi ko 'to inaasahan.

Ilang taon na rin-ang hinihintay ko.

Seven years.

Magka-edad lang kami pero matanda siya ng dalawang buwan sa 'kin. Pareho na rin kaming twenty two.

Ang tanda na rin pala namin.

"Uuwi ka na?"

Hindi pa ako sigurado kung sino ang kinakausap niya pero ramdam ko ang mga mata niya kaya nilingon ko siya at ngumiti.

Umisang tango lang ako at binalik din ang tingin sa harap.

"P'wede kitang ihatid."

"Huh?"

Ngumiti siya-na nagbigay ala-ala sa 'kin.

"Saan ka umuuwi? Ihahatid na kita."

"H-hin-"

Lumapit siya sa 'kin at binuksan ang payong na ngayon ko lang napansin na may dala pala siya.

"Lead the way,"

"Uhm... hindi naman malayo ang inuuwian ko. Kaya ko naman."

Tsaka ako umatras pagilid.

"Mahilig ka talagang lumayo."

Nilingon ko ulit siya. "Hindi ba mali na lumapit ka sa ibang babae at mag-offer?"

"Gusto ko lang mawala ang iniisip mo."

"Hindi ko maintindihan."

Ngumiti siya hanggang sa magkaroon ng mahinang tunog.

"Hindi ba may gusto kang malaman?"

"H-huh?"

"May nakapagsabi sa 'kin, hindi ko rin alam kung paano ka ime-message, and good thing na nakita ka."

Hello Mr. Seatmate (Short Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon