Chapter 13

6 0 0
                                        

Malapit lang ang bahay namin sa school kaya nilalakad ko lang. Palabas na kasi ako ng kanto namin nang makita siya—nagpa-park ng motor niya.

Napatingin din siya sa ‘kin pero wala kaming naging batian o nginitian.

Nakaramdam ako ng mas pagbilis ng tibok ng puso lalo na nang maalala ang ginawa niya.

Gusto ko sana na batiin siya pero nahihiya akong gumawa ng move. Gusto ko rin na magka-sabay na lang kami pero wala akong lakas para sabihin ‘yon kaya nilagpasan ko na siya—nag-aayos pa naman din siya ng lock ng motor niya.

Gano‘n din ang nangyari no‘ng sumunod at no‘ng mga sumunod pa.

Napapatanong ako kung, coincidence lang ba na halos nangyayari ‘yon araw-araw. Pero katulad no‘ng unang beses mangyari ‘yon, hindi kami nagbatian o nagngitian pero sa school, magka-sundo kami.

Para kaming ewan na parang stranger sa labas pero sa loob, maingay.

Katulad ngayon, nakasabay ko mga kaklase ko no‘ng elementary. Nagkukwentuha kami at nagtatawanan at nakita ko na naman siya na kakatapos lang mag-park ng motor.

Nagkatinginan kami pero umiwas ako at dumikit kay SanSan, gusto ko lang s‘yang pag-selosin—hindi ko rin naman alam kung bakit iniisip ko ‘yon.

Sobra na kasi akong nag-aassume. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin niya sa mga kilos niya.

Halos kasabay namin siya at nasa likod niya kami. Napapansin ko rin na bumabaling siya sa kabila na alam kong kami ang pinapakiramdaman. Ang bagal din n‘yang maglakad.

“Sino ‘yong kasama mo kanina?”

Agad na tanong niya pagkaupo namin. Nilingon ko siya at hindi agad nakapagsalita.

“Uhm... k-kaklase ko no‘ng elementary.”

Iniwas ko rin ang tingin at halos walang boses nang isagot ‘yon.

“Close kayo?”

Mahinang umawang ang labi ko pero hindi lumabas ang boses ko sa pagtatanong na ‘huh?’

Hindi ko siya nasagot lalo na nang umayos siya ng upo at tumingin sa harap habang nasa baba (chin) ang kamay.

Wala na rin akong naiintindihan sa mga lesson, parang nakakaantok at nakakainip.

Paulit-ulit lang naman ang nangyayari. Gigising, papasok, uuwi, kakain, matutulog, papasok ulit at nakita ko na naman siya.

Sa t‘wing nakikita siya ng ganitong umaga, laging tsumatsamba na nagpa-park na siya.

Halos sabay kaming naglakad pero malayo ang pagitan namin, mabagal at pareho kaming napapatingin sa isa‘t-isa na nag-iiwasan din.

At dumaan ako sa kabila kaya naging pagitan namin ang jeep na naka-park sa gitna, sabay pa rin ang bawat hakbang namin at nagkatinginan na naman kami sa pammaagitan ng bintana ng jeep, hindi kami nag-iwasan hanggang malagpasan ang jeep.

Nagkatinginan kami dahil sa humiwalay ako ng daan, alam kong ‘yon ang dahilan.

Kung tutuusin, gusto ko naman s‘yang sabayan at dumaan kung saan siya dumaan, hindi ko lang alam sa sarili ko kung bakit humiwalay ako.

Dahil siguro, babae ako.

Hindi rin kami gaanong nag-kwentuhan sa room. Minsan din, napapatanong ako kung anong nararamdaman niya na awkward kami kapag nasa labas pero sa room, nagkukulitan kami.

“Guys, ‘di ba may performance tayo sa P.E? Need nating sumayaw—laban-laban bawat section.”

Announce ng President namin. Naghiyawan sila at tumigil nang bawalan sila ni Fate.

Hello Mr. Seatmate (Short Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon