Chapter 4

14 0 0
                                        

Eyebrow

“Ito ‘yong gamit mo sa shop ni‘yo?”

Kinuha niya sa ‘kin ‘yong paper bag na hawak ko nang makalapit sa p‘westo namin. Tumango ako at hinayaan s‘yang paki-alaman ‘yon.

“Ano ‘yan?”

Nagulat ako nang kunin niya sa kamay ko ang bag na red na nilagyanan ko ng mga make-up dahil ito ang gagawin namin ngayon para sa unang araw namin sa shop.

Ang gastos din ng TVL dahil maraming kailangang bilhin at hula ko na na nakakapagod at nakakatamad ang beauty care.

Dahil nga pag-aayos sa sarili, salon, spa, manicure, haircut at hair color.

Pero ang sabi, sa ngayon massage, manicure at make-up muna raw ang gagawin dahil sa fourth year daw gagawin ang salon style.

“Make up?” Nilingon niya ako. “Magme-make up kayo?” Dagdag pa niya.

Tumango ako at ngumiti. “Try ko sa ‘yo.”

“Ha?”

Gulat ko s‘yang tiningnan, ngumiti siya at pinatong ‘yon sa arm chair.

“Marunong ako kahit lalaki ako.”

Hindi ko siya naawat nang kunin niya ang pang-kilay sa bag tsaka niya ako marahang tinulak pa-upo sa upuan ko pero kasabay rin no‘n ang pag-upo niya sa upuan sa tabi ko.

“Marunong ako ‘wag kang mag-aalala.”

Mukhang nahalata niya na kinakabahan ako, pero nawala naman ‘yon nang sabihin niya ‘yon.

Nilapit niya ang mukha niya at sinimulan na n‘yang gawin ang gusto niya.

“ ‘wag makapal a? Magsisimula pa lang kasi kami baka pagalitan ako.”

Napatawa siya at naramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa mukha ko na hindi ko alam kung bakit may iba akong naramdaman do‘n, pati ang pagtawa niya na nanatili pa rin sa tenga ko.

“Ayos lang ‘yan, may mga naka make-up na rin na pupunta do‘n.” Do‘n lang ako parang nagising.

Pero tama naman siya.

Hindi kasi ako pala-ayos, hindi ako nagme-make up.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin sa kan‘ya at nakita ko kung gaano siya ka-focus sa pag-kikilay sa ‘kin.

Agad din akong nag-baba ng tingin dahil tumagal ang titig ko sa kan‘ya.

Tama, titig, dahil para kong kinabisado ang kabuoan ng mukha niya.

Hindi ko talaga alam kung ilang taon na siya, basta nasabi kong fourteen dahil binase ko na lang na baka ka-edad ko lang din siya.

Pero mag-fifiteen na ako sa August.

“ ‘yan, tapos na.”

Nai-angat ko ulit ang tingin sa kan‘ya, nakangiti siya habang nakangiting nakatingin sa kilay ko habang nilalagay niya ang takip ng pang-kilay.

“Bagay sa ‘yo,”

Mahina lang ang pagkakasabi no‘n na siguro hindi niya ipaparig sa ‘kin pero narinig ko pa rin. Hindi naman ako nagsalita dahil hindi ko kayang sabayan o itanong na parang gusto kong linawin niya ang sinabi niya.

Siya rin naman ang nag-ayos ng mga gamit ko at binigay sa ‘kin. Ngiti lang ang binigay ko at bigla hindi ako naging komportable pero aaminin kong gusto ko ang ginawa niya.

“Papasok ka na?”

Nilingon ko siya nang itanong ‘yon, nag-aayos na kasi kami ng gamit papunta sa mga shops namin.

Tumango ako at ngumiti. “Goodluck.” Ngumiti lang ulit ako.

Ako ‘yong tipo ng tao na mahina rin makipag-communicate. Hindi sa hindi ko kaya o alam kung paano, dahil lang sa nahihiya ako at kinakabahan na baka magkaroon ng ibig sabihin at dahil na rin sa rejection.

“May mga kasama ka sa mga kaklase natin?”

“Si Sarah at May-Ann.”

“Hm,” tango niya. “Nasa labas sila, hinihintay ka yata.”

Tumingin ako sa bintana at naghihintay sa ‘kin, binalik ko ang tingin kay Francis at ngumiti, ngumiti rin siya tsaka ako tumalikod para puntahan na sila.

At hindi ko alam kung bakit parang nabitin ako sa pag-uusap namin na hindi ko naman naramdaman sa mga nakalipas na araw.

Binalewala ko rin dahil ayaw kong mapunta sa kung saan o sa kung ano man ito.

Pag dating namin sa room, nag-attendance kami at inayos base sa section namin at alphabetical.

“Hanap na kayo ng partner ni‘yo, sa kilay muna tayo magsisimula, gayahin ni‘yo ang direction na nasa board.”

Announce ni ma‘am. Nagsi-kilos na kami pero iniisip namin kung sino pa ang isa, dahil tatlo lang kami.

“Sige kayo na lang mag-partner, maghahanap na lang ako.” Saad ni May-Ann.

Natuwa ako sa sinabi niya, alam kong kailangan niya rin ‘yon pero siya na ang nagpa-ubaya.

“May partner ka na?” Rinig naming tanong niya sa babaeng may mahabang straight na buhok at maputi.

Umiling siya at mukha rin s‘yang mahiyain. “Tayo na lang, wala pa kasi akong partner, okay lang?”

Tumango lang ulit siya at magkakatabi kaming apat. “Anong pangalan mo?”

Approachable si May-Ann at hindi mahiyain, masaya akong naging kaibigan siya.

“Aphrodite.”

“Oh, naka-kilay na pala ito e,” napatingin silang lahat sa ‘kin. “Bakit kahapon hindi? Excited ka gano‘n?”

Nahihiya ako dahil hindi ako sanay na tinitingnan nang lahat dahil natatakot sa p‘wedeng sabihin nila. Napatawa rin ang buong klase, napatawa rin naman ako pero naging hilaw.

Nawala rin naman ‘yon nang sabihin ni ma‘am na magsimula na. Binigyan niya kami ng index card para i-record ang mga ginagawa namin.

“Sinong mauuna?” Tanong ni Arah, “Ikaw na lang kaya? Naka-kilay ka na rin naman, dagdagan ko na lang para kunwari.”

“ ‘wag, gusto mong pagalitan tayo?”

“Sayang kasi, burahin ba natin?”

Napa-dalawang isip ako do‘n. Hindi ko nakasagot dahil parang nanghihinayang ako.

“Sige, ako na lang muna unahin mo.” Pumayag ako at sinimulan s‘yang kilayan.

Makapal ang kilay niya kaya medyo mahirap din‘ ayusan. Matagal din‘ natapos dahil first time at kinakabahan na baka magkamali o baka masaktan ko siya.

Puro na lang ako kinakabahan, hindi ko tuloy alam kung may patutunguhan ba ako.

“Tapos na?”

Tumango ako at tumayo siya, ako naman ang umupo para kilayan niya.

“Sino bang nag-kilay sa ‘yo? Mama mo?”

“Hindi, si Gerald.”

“Awiiee,”

Inangat ko ang tingin kay May-Ann na s‘yang nagkikilay kay Aphrodite. Magkatabi ang p‘westo namin.

“Crush niya ‘yon, kaklase namin.” Pagku-k‘wento niya kay Aphrodite na ngumiti lang.

Tumigil na rin naman siya kaka-asar. “Ano? Dagdagan ko na lang?”

“Sige,”

“Asus, gusto rin.”

Hinayaan ko na lang.

Basta hindi ko siya crush.

Hello Mr. Seatmate (Short Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon