Chapter 12

6 0 0
                                        

Thursday na at gano‘n pa rin. Napapatanong ako kung kailan niya ako papansinin. Hindi niya ako kinulit sa make up, hindi niya ako kinilayan.

Kinabukasan, pinagalitan ako ni mama kaya maluha-luha akong pumasok.

“Umiiyak ka?” Salubong ng kaklase kong babae pero nilagpasan ko lang siya.

Nando‘n na rin si Gerald pero hindi ko siya tiningnan at umupo sa upuan sa tabi ni Loisa—pero wala pang naka-upo sa line nila.

Hindi tumitigil ang luha ko at sumide ako dahil gusto kong makita niya akong umiiyak, hindi ko talaga iniba ang ayos ko hanggang sa dumami na kami.

Para akong nawalan ng pag-asa.

Nasa labas kaming magka-kaibigan, tumambay kami sa puno ng mangga na tapat lang ng room namin kung saan banda ang statue ni Dr. Jose Rizal.

Naglalaro sila at nagtatawanan pero naka-upo lang ako sa medyo mataas na bato.

“Tingnan niyo si Qu Xin umiiyak.” Saad ni Rose habang tumatawa.

Tumingin din sila sa ‘kin pero hindi ko sila pinansin hanggang sa lapitan nila ako.

“Napano ka ba?” Si Loisa.

“Hindi kasi siya pinapansin ni Gerald.” Si Rose.

“Gusto mo tawagin namin?” Si Tricia.

“Tigilan niyo na ‘yan.” Si Arah, tsaka niya ako tinabihan. “Ano bang nangyari?” Tanong niya.

“Wala.”

Hindi na sila nagtanong pa at nagkayayaan silang bumili ng pagkain—wala rin kasi kaming teacher.

“Hindi ka sasama?” Si Rose.

“Bibili kami,” dagdag pa niya.

Umiling ako. “Oh ayaw raw niya, tayo na lang. Hayaan mo tatawagin naman si Francis.”

Tawa naman ng tawa si Kristine at naiwan kaming dalawa.

“Bakit ka ba umiiyak?” Tanong niya.

Umiling ako. “Bahala ka d‘yan.”

Maya-maya pa, lumabas si Gerald at umupo rin sa inuupuan ko pero medyo malayo ang distansya namin, kasama niya isang kaibigan niya pero hindi ko na inintindi kung sino.

“Umiyak ka?”

Dahan-dahan ko s‘yang nalingon. Hindi rin ako sumagot kasi...

Nakakapanibago.

Isang linggo rin kasi ‘yon.

“Bakit? Pinagalitan ka?” Dagdag pa niya pero hindi ako sumagot at binalik ang tingin sa harap.

Tumayo ako at pumasok sa loob pero sandali pa nang pumasok na rin siya. Nagkatinginan ulit kami pero umiwas ako at kahit nakatalikod ako, ramdam kong nakatingin pa rin siya at para masiguro ‘yon, lumingon ako at umiwas agad kasi oo nga, nakatingin pa rin siya sa ‘kin.

Hindi ko alam, pero pakiramdam ko may gusto s‘yang sabihin. Para rin s‘yang nag-aalala.

Baka nag-aassume lang din ako.

“Anong nangyari sa inyo? Hindi ba binigyan ko kayo ng sitting arrangement?”

‘yan agad ang salubong ng adviser namin.

Hindi kami nakaligtas—nahuki kami.

“Ayaw niyo ba ang mga katabi ni‘yo?”

Walang nagsalita sa ‘min. “Binigyan ko kayo ng sitting arrangement dahil maingay kayo. Hindi ba ‘yon ang naging usapan?”

Hello Mr. Seatmate (Short Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon