Fourth year high school at lagi akong dumadaan sa building nila para lang makita siya.
May isang beses na, nagkatinginan kami nang matagal at siya rin ang umiwas.
Hindi na rin ako nag-aassume. Hindi na rin talaga kami nagkaroon ng conversation hanggang sa dumating ang pandemic na mas nagpalungkot sa ‘kin.
From: Gerald
- Gusto mo ba ako?
Napa-ayos ako ng upo sa message na natanggap sa kan‘ya.
Huh?
Pangalan ko ang nakalagay pero parang ayaw kong paniwalaan.
Bakit siya nagtanong nang gano‘n?
M
e:
Oo, Hindi, Siguro, Ewan.
‘yan ang sinend ko sa kan‘ya.
Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
From: Gerald
- Hindi kita maintindihan, gan‘yan ka kausap.
Hanggang do‘n lang—pero may naging ibang conversation pa kami na patungkol sa mga modules. Masaya ako na kahit modules lang ay nakakausap siya at may isang beses na nagka-video call kami.
Pinatagal ko pa ‘yon dahil nag-ayos ako—pero module lang din ang usapan namin.
Hindi na rin naulit pa.
Senior high na kami at oo, gusto ko pa rin siya. Walang oras at araw na hindi siya iniisip, hinihiling ko pa na sana mapanaginipan siya, makita ulit.
At lagi rin akong nasa convo namin—na dinlete ko at pinagsisihan. Maraming beses kong pinupuntahan ang chat namin dahil ilang beses akong natetemp na i-call siya.
Hanggang sa may naisip akong katangahan, nagpanggap akong pinsan ko na lalaki at nag-chat sa kan‘ya na kunwari, nakita niya kami ng maraming beses at nagka-asaran at gustong mai-clarify kung ano ang mga ‘yon so I asked as my cousin...
Me:
- Do you like her?
From: Francis
- No, I don‘t have any feelings for her.
Pinatay ko ang phone at tumayo para kumuha ng pagkain. Nakaramdam kasi ako ng gutom, nawala rin sa isip ko na oras na pala. Kumain ako ng kumain at nag-games pagkatapos.
Marami rin akong nag-develop sa loob ng pandemic. Ang mga k-pop na wala sa isip ko ay hinangaan ko—EXO ang unang nakilala ko at sobra akong hanga sa galing nila na parang walang makakagaya sa kanila.
I always listen to their songs, kinabisaso ko ang bio nila ang lahat ng mga kanta nila—mapa Mandarin man o Korean.
Maging ang mga former member ay sinali ko pa rin.
BINABASA MO ANG
Hello Mr. Seatmate (Short Story)
RomanceIn every school, there are students we never expect to meet, in different moments and for different reasons. Quxin Torres was the girl who only wanted to stay in the corner, but her quiet life gained color when she met a guy who was incredibly playf...
