Chapter 14

6 0 0
                                        

Regular class na ulit at ang sabi ng teacher namin sa ESP, uuwi na raw kapag natapos ang lecture pero iilan na lang kaming nandito.

“Qu Xin, punta ka muna do‘n.” Si Yona, kasama niya si Rachel.

“Huh?”

“Basta do‘n ka muna.”

Turo niya sa pinaka-harap, hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko na lang. Hindi na rin ako bumalik sa upuan ko dahil gusto ko nang matapos agad at makauwi.

Pero tumayo ako habang nagsusulat, nasa kalagitnaan na rin ako nang maisip na umupo na sa upuan ko pero hindi ako natuloy nang makitang iba ang bag na nando‘n.

Violet ang bag ko at ‘yon ang nauuso pero itim ang nando‘n.

Hanap ako ng hanap hanggang sa makita ko—malayo sa upuan ko at ang bag na nasa upuan ko ay kay Gerald.

Pareho kami ng bag—kulay lang ang iba.

Pero ang pinagtatakahan ko kung bakit nagkapalit ang mga bag namin—do‘n ko lang sin naalala sina Yona.

Sila ba gumawa?

“Qu Xin,” tawag sa ‘kin ni Gerald nang makapasok ng room, lumabas kasi ako sandali.

“Samahan mo ako kay Ma‘am Jen mamaya.”

“Bakit?”

“Nasa upuan mo ang bag ko—kinuha ko lang at akala niya uuwi na ako. Gusto rin niya akong kausapin.”

“Bakit ako? Hindi ko naman alam, nakita ko rin ang bag ko sa ibang upuan.”

“Hindi ko rin alam. Just help me.”

Mahinahon at magaan ang tono at tinig niya nang sabihin ‘yon. Tumango ako at ngumiti.

“Qu Xin,” nilingon ko si Tricia. “Samahan mag c.r.”

“Ikaw na lang, kakausapin kami ni Ma‘am Gen.”

“Bakit?”

“ ‘pinagpalit ‘yong bag namin ni Gerald tapos akala ni ma‘am tatakas siya.”

“Kilan? Bakit? Sino?”

“Ewan,”

“Wala pa naman, samahan mo na ako, hindi ko na kaya.”

“Sige.”

Kahit may pag-aalangan, pumayag ako. Natapos siya at malapit na kami sa room nang makitang nando‘n na si ma‘am kausap siya.

Nakatalikod ang gawi ni ma‘am sa ‘kin at si Gerald nakaharap sa ‘kin. Napatingin siya sa ‘kin at mahinang tinaas ang kamay na sinasabing ‘okay na.

Pero habang pakikipag-usap siya, iba ang dating niya. Ang pagkaka-upo niya, ang position ng mga kamay niya.

Nagkaroon din ng impact sa ‘kin ‘yon.

Hinintay ko silang matapos at nilapitan siya, tumayo rin siya at lumapit sa ‘kin.

“Anong sabi?”

“Naipaliwanag ko na.”

“Nagpasama sa ‘kin si Tricia.”

“Okay lang.”

Maya maya pa ngumisi siya. “O baka tumakas ka lang?”

“Hindo a, bakit ako tatakas?”

“Talaga?”

“Oo nga.”

“Sige na, p‘wede ka nang umuwi.”

“Wala s‘yang sinabi.”

Hello Mr. Seatmate (Short Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon