Hindi ako pumasok nung sumunod na araw dahil nagyaya si Rose na mag-swimming, pinilit ko pa si mama ko, nagalit siya pero pinilit ko ang gusto ko.
Aaminin kong naging pasaway ako at nakonsensya, hindi ko alam pero pumasok sa isip ko ‘yong mga araw na kahit malakas ang ulan at kahit may lagnat ako pumapasok pa rin ako.
Dahil ayaw ko ng absent.
“Lagot ka kay Gerald,” halos sabay-sabay na pang-aasar ng mga kaklase ko pag pasok.
“Huh?”
“Galing dito kapatid mo kahapon, hinahanap ka, ang sabi niya hindi ka raw pumasok kasi nag-swimming kayo ni Rose. Pinabantay ka pala sa kapatid mo para siguraduhin.”
Hindi ako pinayagan ni mama, pero nagsuot ako ng uniform para kunwari.
“Tapos sabi ni Gerald sa kapatid, mo lagot ka raw ngayon.”
Hindi ko na sila pinansin at tumuloy na ako. Ako si, Rose at si Loisa ang kasama sa swimming. Tumabi ako sa kanila at si Tricia ang nag-kwento.
“Hinahanap ka ni Geraldkahapon e, sabi pa nga niya sa kapatid mo, ‘nasa‘n ang ate mo? Bakit hindi siya pumasok? Sabihin mo sa kan‘ya lagot siya sa ‘kin bukas, papaluin ko siya.’ ”
Hindi ko naitago ang ngiti kaya sinimulan nila akong asarin hanggang sa makaupo ako at dumating siya. Sa pinto pa lang, malaki na ang ngiti niya—ngiting nnag-aasar at natutuwa.
“Kamusta? Anong sabi ni mama mo? Pinalo ka?”
Napapatawa lang ako sa pagtatanong niya, hindi naman kasi tunog concerned—asar, ‘yong parang natutuwa siyang may napapagalitan.
“Wala.”
Sagot ko na lang kasi ayaw n‘yang tumigil. “ ‘yan, absent pa.”
Baliw.
“Sabihin mo sa mama mo ako na lang papalo sa ‘yo.”
Do‘n ako napatawa pero hindi nakatingin sa kan‘ya pero siya oo, ramdam kong nakatingin siya sa ‘kin nang mapatawa ako sa sinabi niya na sinabayan din niya.
Wala na ba s‘yang magawa?
Dumating ang Filipino Teacher namin at pinanood ang Noli Me Tangere, sa totoo lang nakakaantok at nakakatamad panoorin pero kailangan dahil may activity.
Medyo guminhawa rin sa pakiramdam nang lumipat si Gerald sa harap pero aaminin kong malungkot din dahil ayaw ko nang humiwalay sa kan‘ya—gusto kong nasa tabi ko lang siya lagi.
“Uupo ka na naman do‘n?” Tanong niya nang makitang tumayo ako dala ang bag.
Alam na agad niya.
Matagal din kaming nakatingin sa isa‘-isa bago siya tanguan. Sandali pa kaming nakatingin sa isa‘t-isa nang umiwas ako at pumunta na sa tabi ni Loisa.
Oo gusto kong katabi siya lagi, pero gusto kong maging komportable din minsan at mas makapag-isip.
“Ba? Bumalik ka?” Si Lisander. “Ang tagal mo na rin‘ hindi umuupo dito.”
Minsan napapatanong ako kung bakit lagi na lang s‘yang gano‘n.
Siguro dahil ayaw niya ng katabi dahil gusto n‘yang kahit isang upuan lang ang bakante, makaramdaman siya ng ginhawa o space sa kung ano man ang gusto niya.
Pa-minsan-minsan ko rin nararamdaman na nakatingin si Gerald at iiwas hanggang sa matapos ang subject namin kaya tumayo na ako para bumalik sa p‘westo ko dahil adviser na namin ang sunod.
BINABASA MO ANG
Hello Mr. Seatmate (Short Story)
RomanceIn every school, there are students we never expect to meet, in different moments and for different reasons. Quxin Torres was the girl who only wanted to stay in the corner, but her quiet life gained color when she met a guy who was incredibly playf...
