Chapter 15

1 1 0
                                    

As the day went by, our house felt lonelier and lonelier. Noong Saturday ay pinayagan ako ni Kuya Liam na tumulog sa bahay nina Sian ng mga ilang araw bago ang recognition namin.

"Ysabelle, anak! Glad you came!" Tita Felize greeted me the second I entered their house.

I smiled and walked to her. "Tita Felize! Good morning po!" bati ko sabay yakap.

She hugged back, her warmth and vanilla scent enveloping me. "I miss you so much, Ysabelle."

"I miss you too, Tita." sabi ko at kumalas sa yakap.

"Ako di mo miss?" tanong ni Sian.

Natatawang napailing na si Tita Felize at bumalik sa pagluluto. Sa guest room nila ako tutulog kahit na sanay naman kami ni Sian na magkatabi matulog dahil simula pagkabata ay ganun na kami.

"Hindi ka nga dyan matutulog, lizzy." pagpupumilit ni Sian kaya napa upo sa kama.

"Kung hindi dito saan? Nandito kaya mga damit ko." sabi ko.

Umiling siya dahilan para lalo akong maguluhan. Marahan niya akong hinila patayo at hinila ako sa hallway ng bahay nila. He even covered my eyes lasi surprise daw.

"Ano nga yon, Sian? Sabihin mo na nga kasi!" kabadong saad ko dahil isang beses na nangyari 'to nung bata kami, tinulak niya ako sa pool.

"Kapag sinabi ko edi hindi na surprise. Kaya nga surprise diba?" dahilan niya.

Napaisip ako sa sinabi ni Sian. Tumahimik na lang ako pero ilang sandali lang, tumigil kami sa paglalakad. He removed the cover of my eyes and I was greeted at the door. I looked at him confusingly but he just smiled as he slowly opened the door.

"Surprise, Lizzy." he said with a smile plastered on his face.

It was a bedroom room designed with flowers and vines hanging on some parts of the wall. May vanity table, desk, shelf na puno ng books at walk in closet. I looked at him.

"That's yours, do what you want." sabi niya at marahan akong hinila papasok. "Ako nag-isip ng design niyan. Do you like it?" tanong niya.

Naluluha akong tumingin sa kanya. He looked shocked when he saw tears on my face. "Hala! Bakit ka umiiyak? Hindi ba maganda? Gusto mo ayusin ko ulit?" kinakabang tanong niya.

Natawa naman ako at hindi napigilang yakapin siya. "Sian... Thank you. Thank you sa lahat." umiiyak na sabi ko.

"Always welcome..." He said and hugged me back.

In his hug, I felt safe. I feel like I have someone who will help me with everything. Pero bawal. May Iris siya, kaibigan lang ako.

I cut the hug and wiped my tears. He roamed me around the room. Everything was so beautiful. Simple lang din gaya ng kwarto ko sa bahay na si Avó and nag design.

"Simula ngayon, dito ka na matutulog." dinala niya ako sa walk in closet na maraming damit. Nagtaka ako kung bakit ang dami, hindi naman ganon kadalas ang pagtulog ko dito ngayong taon. "Si Mommy Felize at Lola Meli namili niyan para sayo this year lang. Hindi nila mapadala sa inyo kasi alam nilang ang Ate mo ang gagamit kaya dito na lang nila nilagay." dagdag pa niya.

Pagkatapos ay sinundo naman namin si Anastacia. She had a room full of toys too. I can't help but to feel so much thankful to them. They are treating me so nicely.

Nasa balcony ako ngayon kasama si Tita Felize. She said she wants to talk to me. Nagkamustahan lang kami at nagkwentuhan. To be honest, I was closer to Tita Felize more than my Mama. She was like a mother figure to me. Kulang na nga lang tawagin ko na din siyang Mommy.

Field of EmotionsWhere stories live. Discover now