Chapter 1

12 0 7
                                    

"CLARENCE YVES BENITEZ, BUMANGON KA NA D'YAN!"

Napabangon agad ako dahil sa sigaw ni Mama na akala mo ay megaphone. Wala talagang kwenta ang alarm clock kung 'yong alarm mo ay hindi mo na kailangan pang i-set.

Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa oras ko sa phone. Five o'clock pa lang. Seryoso ba si Mama?

Hihiga na sana ulit ako nang sumigaw na naman siya ng, "Jusko, Clara, tanghali na! Aabutan ka ng traffic!"

Tama naman siya doon sa huli, pero 'yong tanghali na?! Nagbago na ba ang definition ng tanghali?! Bakit hindi ako na-inform?!

Wala na akong choice kundi ang bumangon at maligo.

Matapos maligo ay nag-open ako ng messenger habang hinihintay na matapos ang niluluto ni Mama.

rohan'sbaby😘: 'sup, mga ngedab🤪

priamcutie: cenoh kah?

viviniya: asim ah, @Clarence

rohan'sbaby😘 replied to priamcutie: ako ang future niya😜🤩🥰

rohan'sbaby😘 replied to viviniya: pakyu, @Vivien

Nag-chat pa kami pero ang laman ng convo namin ay puro katangahan lang.

Nang mag-out 'yong dalawa ay Instagram naman ang in-open ko.

Hindi naman laging online si Rohan doon pero nakikita ko pa rin ang pictures niya dahil laging nag-u-update ang tropa niyang si Darren.

Shet, ang pogi!

Ni-like ko ang latest post ni Darren. Kagabi pa 'yon pero
dahil maaga akong nakatulog, hindi ko agad nakita.

Nasa isang bilyaran sila. Sign na yata 'to para aralin ang billiards.

Nilapag ni Mama ang almusal ko at lunchbox. "Kumain ka na."

"Salamat po."

In-off ko na ang cellphone ko at naghanda na para papasok.

***

Pagpasok na pagpasok ko sa room ay boses ni Kael na kumakanta ng APT. ang bumungad sa akin.

"DON'T YOU WANT ME LIKE
I WANT YOU, BABY?
DON'T YOU NEED ME LIKE
I NEED NOW?

SLEEP TOMORROW
BUT TONIGHT GO
CRAZY
ALL YOU GOTTA DO
IS JUST MEET ME AT THE

APATEU APATEU
APATEU APATEU. ."

Kunwari raw ay siya si Bruno Mars, ginawa pang mic 'yong walis tambo.

Umupo na ako sa pwesto ko sa harap.

"Clara!" sigaw ni Priam. Kahit kailan talaga, super ang OA nito.

"'Sup, ngedab?" matamlay na bati ko naman.

Umupo silang dalawa ni Vivien sa magkabilang upuan na katabi ko.

"Ang lungkot mo yata ngayon?" panimula ni Vivien ng usapan.

"Baka hindi nakita si Rohan," sagot ni Priam nang naka-ngisi.

Inirapan ko ang bruha.

"Bahala nga kayo d'yan."

Tumayo ako at lumabas ng classroom, maaga pa naman.

Totoo naman talaga 'yong sinabi ni Priam. Ang lungkot ng buhay ko. #MissKoNaSiya

Crush DiariesWhere stories live. Discover now