Chapter 5

2 1 2
                                    

"Gan'yan talaga siguro kapag in love, nasisiraan ng bait," komento ni Priam.

Binato ko sa kaniya ang unan ko.

"Feeling ko talaga gusto rin ako ni Rohan. Meant to be talaga kami," saad ko at nahiga.

Tumawa si Priam at malalim ang naging buntong-hininga ni Vivien.

"'Di mo sure. Malay mo alam niya na gusto mo siya tapos pinagti-tripan ka lang pala. Sino'ng masasaktan do'n?" tanong niya.

Pinapa-overthink ako ng dalawang 'to. Pero may sense naman ang sinasabi nila. Hindi ko pa masyadong kilala si Rohan.

Ilang beses ko ring tinanong si Vivien kung kinausap ba s'ya ni crushiecakes. Hindi naman daw. Nagtataka pa rin ako kung bakit siya tinanong sa akin ni Rohan.

"Sige, uwi na kami. May gagawin pa ako," paalam ni Vivien saka tumayo at lumabas. Sumunod sa kaniya si Priam.

Naiwan ako sa kwarto. 'Yong dalawang 'yon talaga. Kaya ko nga sila pinapunta rito para hindi ako ma-bored.

Nakadapa akong gumagawa ng assignment sa Math. Imbes na solution ang pumasok sa utak ko ay nakaisip na naman ako ng ibabanat kay crush. *evil laugh*

Rohan Aurelio

You: hi

You: gusto ko lang itanong na

You: para saan pa ang math kung ikaw naman ang gusto kong makamit?

Nakangiti 'kong ibinaba ang cellphone ko at bumalik sa pag-so-solve. Hindi nagtagal ay tumunog ito.

Rohan: that's so random

Rohan: but i'll take it

Hinampas-hampas ko ang unan, ang paa ko sa kama at ang unan sa pader! ISA ITONG MALAKING TORTURE!

SEND OXYGEN!

***

"Bakit ba ayaw mong lumabas?" naiinis na tanong ni Vivien nang yayain nila akong dalawa na mag-canteen. Pinipilit nila ako na lumabas ng classroom pero ayaw ko talaga.

"May kahihiyan ka bang nagawa?"

"Marami. Alin ba ang gusto mong i-kwento ko?"

Ayaw kong lumabas dahil nahihiya ako na harapin si crushiecakes. Kung ano-ano kasing pinagse-send ko kaya feeling ko ay alam na niyang gusto ko siya.

"Fine. Bibilhan ka na lang namin. Ano ba'ng gusto mo?" tanong ni Vivien.

"Gusto ko siya," sagot ko naman.

Napakamot na lang silang dalawa sa mga ulo nila saka lumabas.

"Hi, Clara," bati ni Junel pagkalapit niya sa akin.

Nginitian ko na lang siya. "Hello."

Umupo siya sa tabi ko. "Gusto ko lang malaman mo na hindi na kita gusto. May bago na akong crush."

Parang kinikiliti siya sa sobrang likot niya.

"Hindi mo naman ako kailangang sabihan. 'Yon din naman ang gusto kong mangyari." Mahina ang pagkakasabi ko sa huli kaya sigurado naman akong hindi niya iyon narinig.

"Itatanong ko lang sana kung ano'ng magandang i-regalo kay Priam." Malawak ang ngiti ni Junel.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ayos din 'tong si Jun, ah. Tirador ang magka-kaibigan.

"Mahilig siya sa plushies," sagot ko naman.

"Talaga?! Sige, sige. Salamat!"

Agad naman siyang lumabas ng classroom nang hindi hinihintay ang sunod kong sasabihin.

Naiwan akong mag-isa. Literal na mag-isa.

Bigla ko na namang naalala 'yong kagabi.

Pakiramdam ko hinuhusgahan na ako ni Rohan. Baka isipin no'n na weirdo ako.

Dumukdok na lang ako sa mesa. Ang tagal no'ng dalawa. Baka naabutan nila 'yong mahabang pila sa canteeen.

"Hi," bati ng kung sino at naramdaman kong umupo siya sa malapit. Baka kaklase lang 'to.

Hindi ko inangat ang ulo ko para tingnan siya. Hinayaan ko lang dahil wala ako sa mood.

"What's the matter with you?" tanong niya.

Pamilyar ang boses niya, ah.

Unti-unti kong inangat ang aking ulo.

Pakshet!

"A-Anong ginagawa mo rito?" nagpa-panic na tanong ko. Dalawa lang kami rito.

"Relax, I won't do anything. I've noticed that something's off with you. So, I decided to check on you. Are you okay?"

Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Alangan namang sabihin ko na iniisip ko siya, 'di ba?

Tumayo ako at umiwas ng tingin. "Okay lang ako. Labas lang ako sandali."

Tumakbo ako papunta sa c.r.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kamatis.

Konting-konti na lang talaga, e. Mapagha-halataan na ako! Kailangan, cool tayo!

Pinag-darasal ko na sana wala na siya sa classroom namin.

Phew.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang ilan sa mga kaklase ko ang nadatnan ko. Wala pa rin 'yong dalawa.

Argh. Napahiya ako kanina kay crushiecakes! Ang tanga-tanga ko naman! Bakit kasi ako kumilos nang hindi nag-iisip?!

Nag-re-reflect lang ako ng ginawa ko kanina nang biglang dumating sina Priam at Vivien. Mabuti naman. Nagre-reklamo na ang mga bulate ko sa t'yan!

"Here's your order, mademoiselle." Ibinaba ni Priam ang fries sa mesa ko saka kumuha silang dalawa ng upuan para tabihan ako.

"So, I believe something interesting happened." May mapang-asar na ngiti si Vivien nang sabihin niya 'yon.

"W-Wala kaya," pag-deny ko naman.

"Talaga lang, ha?"

"Oo nga!"

Wala naman talaga. Except doon sa iniwan ko si crushiecakes instead na samahan siya rito para may moment kaming dalawa.

Clarence, the dumbest lady on the planet.

***

Mabilis na natapos ang klase.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko, napansin ko ang isang yellow sticky note na nasa edge ng mesa ko.

May nakasulat doon na:

'thanks for making me smile yesterday :)'

Crush DiariesWhere stories live. Discover now