Chapter 4

7 1 2
                                    

Nagda-dalawang-isip ako kung mag-fi-first move ba 'ko kay crushiecakes. Pero naalala ko na nag-quiz pala sila kahapon sa Math kaya 'yon na lang ang gagamitin kong pang-first move. #Mautak

Rohan Aurelio

You: hi, kamusta ang quiz niyo kanina sa math?

Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Muntik ko na ngang maibato nang mag-reply siya.

Rohan: good. thanks again for lending me your book. i got a perfect score.

Hindi ko na napigilan ang mapasigaw dahil sa unexpected na reply niya.

Lupa! Kaiinin mo na ako!

Naka-ilang hinga ng malalim pa ako bago nag-reply.

You: mabuti nman kung ganon glad 2 help🤩

Rohan: i appreciate it. btw, would you mind telling me the name of your friend?

Napataas ang kilay ko nang mabasa 'yon.

You: sinong friend?

Rohan: the one with the short hair

Nagda-dalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba.

You: si vivien. delingua ang apelyido niya

Rohan: thanks

Hindi na ako nag-reply pagkatapos.

Parang tinusok ng libo-libong karayom ang atay ko. Bakit naman siya nagtatanong ng tungkol kay Vivien?

'Wag mong sabihing kay Vivien siya interesado?!

***

Masyado na akong na-te-tense sa mga nangyayari. Una si Fei, ngayon naman si Vivien!

WAAAAAAAAAA! ANO NA'NG GAGAWIN KO?!?!

Hindi ko naman pinagseselosan si Vivien. Naniniwala naman ako sa kasabihang "never assume unless stated."

"Bakz, ayos ka lang?" tanong ni Priam.

Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakadukdok sa mesa.

Nang makita ko ang mukha ni Vivien ay naalala ko ang huling convo naman ni Rohan kagabi.

"Vien, kinausap ka ba ng shota ko?" tanong ko.

"Girl, wala kang shota."

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Si Aurelio ang tinutukoy niya," sabat naman ni Priam na nag-me-make up.

"Hindi. Bakit?"

Dumukdok akong muli sa mesa.

Argh!

"Lumabas na raw tayo," anunsyo ng class president namin.

May suot kaming t-shirt ng Barkada Kontra Droga dahil ngayon ay magkakaroon kami ng programang "A Fight Against Dangerous Drugs."

Naglibot kami sa buong campus para magbigay ng leaflets at candies.

Kahit na wala ako sa mood ay pinilit ko pa ring ngumiti.

Nang makapasok kami sa room nila crushiecakes, bigla akong kinabahan. Nahihiya pa rin ako sa kaniya.

Nagpahuli akong pumasok dahil ni-rehearse ko pa ang smiley face ko para hindi awkward.

Inhale, exhale.

Pumasok na ako sa loob at nagbigay ng candies sa kanino mang madadaanan ko. S'yempre binigay ko kay Fei 'yong pinaka-hindi masarap.

Muntik akong matisod dahil sa paa ng kung sino man. Buti na lang at nasalo ako ni crushiecakes. NI CRUSHIECAKES?!?!

Tumayo ako agad at nagpa-cool kunwari. Nginisihan pa ako no'ng mga bruha.

"Are you okay?" tanong niya.

Napalunok ako ng ilang beses. "Okay lang! Okay na okay!"

Tinalikuran ko siya at sumunod na sa mga kasama ko. Baka kung ano pa'ng eksena ang magawa ko rito.

"Wait," pagtawag niya.

Tumigil akong maglakad pero hindi siya hinarap.

"Where's my candy?"

HANUDAW?!?! WAAAAAAAA! MAUUNA PA YATA AKO SA UNDAS!

Isang hinga ng malalim.

"Oh." Inabot ko sa kaniya 'yong candy. 'Yong pinakamasarap na candy na natikman ko.

Patakbo akong lumabas ng room nila pagka-abot ko no'n. Hindi ko na hinintay ang kung ano mang sasabihin pa niya.

Hinihintay pala ako ng dalawa pero hindi ko sila hinintuan.

Dumiretso ako sa c.r. ng mga babae. Mabuti na lang at walang tao.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!"

Tumili ako nang tumili. Tinodo ko na dahil wala namang nakarinig sa akin.

Bumukas ang pinto ng c.r. at pumasok sina Vivien at Priam na tawa nang tawa.

"Anyare sa 'yo, bakz?" tanong ni Priam na tumatawa pa rin.

Hindi ko siya sinagot dahil alam naman na niya kung ano ba'ng nangyari sa 'kin. Nang-aasar lang talaga siya.

Hinihingal akong napa-upo sa upuan ko sa classroom. Wala pa 'yong mga kaklase ko. Naglilibot pa rin sila.

***

Sumalampak ako sa kama. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at namamanhid pa ang kaliwang paa.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko sa bedside table. Kahit na pagod ay inabot ko pa rin 'yon.

Napatayo ako mula sa pagkakahiga nang mabasa ang message.

Rohan: good evening

Muntik na akong mag-si-sigaw pero naalala ko na may bisita pala si Mama sa labas.

You: good evening din

Hinintay ko ng ilang segundo ang reply niya.

Rohan: thanks for the candies :)

You: you're welcome

Hindi siya nag-reply kahit na-seen naman niya ang message ko.

Bigla namang may pumasok na kung ano sa utak ko na alam kong pagsisisihan ko matapos.

You: pwedeng magtanong?

Rohan: sure what is it?

Kinagat ko ang ibabang labi bago mag-type.

You: mapagaaralan ba sa drug education kung gaano ako naaadik sayo?

Binato ko ang phone sa unan nang mag-send 'yon. Hindi naman mababasag ang screen dahil malambot ang unan.

Naligo muna ako at hinayaan na lang muna ang cellphone ko doon.

Matapos maligo ay binalikan ko ang phone.

Kinakabahan akong in-open 'yon.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ma-o-offend.  Nag-send ba naman siya ng link ng mental hospital!

'Haha' react lang ang ni-reply ko. Dahil sa inis ay binato ko ulit 'yon. Hindi man lang siya tinamaan ng banat ko! Nasa'n ang hustisya?!


Crush DiariesWhere stories live. Discover now