Late akong pumasok dahil late akong nagising. Nakatulog pala ako pagka-uwi ko at nagising ng hatinggabi tapos natulog ng alas quatro.
"Ms. Benitez, you're late," sermon ng adviser namin.
"Sorry, ma'am."
Nakayuko akong umupo. Lumapit sa akin si Vivien at bumulong. "What happened? You're not usually this late."
"Wala. Na-late lang ako ng gising."
Wala pa naman sa kalahati ang lecture. Nagpaturo lang ako sa seatmate ko na si Kael para sa hindi ko naabutan.
"Alright, class. Make sure to read page 231 to 233 of your book. We'll have a recitation tomorrow. Goodbye," paalam ng teacher.
Inayos ko na ang mga gamit ko. Tatayo na sana ako pero nasa harap ko na pala ang dalawa. "Bakit?" inosente kong tanong.
"Bakit ka late? Sobrang aga mo kayang pumasok," tanong ni Priam.
"Na-late lang ako ng gising. 'Yon lang 'yon."
Halata talaga sa mukha ni Priam na hindi siya naniniwala.
Umupo sila pareho sa tabi ko kaya napagitnaan nila akong dalawa.
"Ano'ng progress mo kay Rohan?" tanong naman ni Vivien.
"Progress?"
Oo nga pala. Hindi ko siya chinat kagabi. Masakit pa rin ang damdamin ko.
"Yeah, girl. Nakita ko siya kasama niya 'yong bruha niyang kaklase kanina."
Si Fei. Official na kaya sila?
Ginulo ko ang buhok ko. Sabi ko i-u-uncrush ko na siya. Tutal nanalo naman na si Fei.
Pumasok ang susunod naming teacher sa MAPEH.
Nakangiting umupo si Sir teacher's seat.
"Class, nakausap ko na si Ma'am Leah niyo, we will have a cheerdance competition next month. Sinasabi ko ito sa inyo nang ganito kaaga para makapag-practice kayo agad. Makakalaban niyo ang ibang section. Whoever wins the competition will get to perform on this year's Intramurals."
Masaya ang mga kaklase ko sa in-anunsyo ni Sir. Competitive kasi ang karamihan sa amin at mahilig talaga silang sumayaw.
"Ms. Jasmine, lead your classmates."
"Sige po, Sir."
Ibig sabihin ba nito, makakalaban namin si crushiecakes?
***
Ibinaba ko ang bag ko sa bench gano'n din si Vivien. Mag-di-discuss kami para sa report namin.
"So, nagawa mo na ba 'yong objectives?" tanong niya habang nagtitipa sa laptop niya.
"Oo. Naaral ko na rin 'yong glossary of terms. Madali na lang 'yon," sagot ko.
Pinag-aralan ko pa ang mga i-re-report namin habang si Vivien ay tinatapos ang PowerPoint sa tabi ko.
"Ms. Delingua?"
Sabay kaming napatingin sa likod dahil sa boses na tumawag kay Vivien. Laking gulat ko nang makita si Rohan at si Xanthe.
Nginitian ako ni Rohan pero nag-iwas ako ng tingin. Bakit hindi na ako nakakaramdam ng kilig?
"Yes?" Tumayo si Vivien at lumapit sa dalawang lalaki sa likod namin. Bumalik din naman siya agad sa tabi ko.
"Clara, maiwan muna kita. Pinapatawag kasi kaming dalawa ni Voltaire sa faculty ni Ma'am Emerald," sabi niya habang inaayos ang mga gamit niya.
"Sige, babalik na lang din ako sa room maya-maya."
Ibinilin din niya sa akin ang report bago tuluyang makaalis.
Alone time na naman.
"Clara?"
Napatigil ako sa ginagawa ko nang magsalita si ex-crushiecakes. Ramdam ko ang paglapit niya sa akin at umupo siya sa tabi ko.
"You're not responding to my messages. I assumed. . . something's wrong?"
"A-Ah, nabusy kasi ako. Andami naming gagawin," pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay hindi lang ako nag-ce-cellphone nitong mga nakaraang araw.
"Is that so?"
Hindi na siya nagtanong pa at nanatili siyang tahimik, gano'n din ako.
Nilamon kami ng nakakabinging katahimikan. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong pag-aaral sa report namin, unbothered sa presensya niya.
"When will you be available?" tanong niya.
"Ha? Full ang schedule ko. Magpa-practice na rin kami sa cheerdance."
Talaga ba, Clarence? Kailan ka pa naging organized sa mga gagawin mo?
"Oh, yeah. The cheerdance."
Tumayo na siya kaya napatingin ako sa kaniya.
"I'll get going. See you around."
Pagkaalis niya, wala man lang akong naramdaman. Wala na 'yong thrill.
***
"Mabilis lang palang mag-uncrush," bulong ko sa sarili pagkaupo ko sa upuan ko sa kwarto.
Naisipan ko na mag-phone sandali bago gumawa ng assignment.
Hindi sinasadyang na-open ko ang Messenger. Bumungad sa akin ang messages ni Rohan.
Rohan Aurelio
Rohan: hey
Rohan: you there?
Rohan: why aren't you replying?
Rohan: is there something bothering you? or someone?
Rohan: clara
Rohan unsent a message.
Na-curious ako kung ano 'yong in-unsent niya. At saka paano ko siya ma-re-replyan, e puro siya spokening dollars! Hindi ba niya alam na nasa Pilipinas kami?!?! Respeto naman sa hindi marunong mag-English! Nasasaktan ang damdamin ko!
Nag-ba-backread ako sa convo namin. Na-realize ko na ang cringe ko palang nilalang kapag nagkaka-crush. Hindi sinasadyang napindot ko ang call button! Pota!
Mabuti na lang at mabilis ang kamay ko at napatay ko 'yon agad. Sing-bilis ng speed of light!
Binaba ko na ang phone at akmang tatayo na nang bigla 'yong tumunog!
Hala!
Namatay din agad. Kinuha ko 'yon at binuksan.
You missed a call from Rohan Aurelio.
Tangina?!?!
YOU ARE READING
Crush Diaries
Teen FictionOA. Delulu. Assuming. Ilan lang naman 'yan sa mga characteristics ng mga may crush. Aminin mo, ganiyan ka rin! Hindi kumpleto ang high school life mo kung hindi mo naranasan o nararanasan ang ma-broken hearted dahil may ibang gusto si crush, magse...