Chapter 3

7 1 0
                                    

Strikto si Papa kaya hindi ko alam kung ano ba'ng pumasok sa isip niya at sinabi niya iyon kagabi.

"Sige, 'nak. Payag na akong mag-buypren ka."

Iba talaga si Papa.

Pa-talon-talon akong pumasok sa classroom namin.

"Wow. Parang kahapon lang parang pasan-pasan mo na ang mundo, ah," biro ni Priam.

Hindi ako sumagot at tinapik lang ang balikat niya saka umupo sa pwesto ko. Lumapit naman sa akin si Vivien.

"Did something good happened? Nag-confess ka ba kay Rohan?"

"Hindi. Akala ko lang magagalit si Papa kapag nalaman niyang pumapag-ibig na ako, e," proud kong saad.

"He didn't?"

"Oo."

Bigla namang sumulpot si Priam. "Aba, aba. Hindi niyo ako sinasali sa usapan, ah. Anong cheesemiss?"

"Hindi nagalit si Papa nang malaman niyang may crush ako. Hindi ko alam kung bakit."

"Unfair, ah. No'ng pinakilala mo kami ni Vivien kay Tito, daig pa niya ang mga pulis kung kumwestiyon, tapos papayag siya sa hindi niya kilala?!"

"Hindi ko nga alam kung bakit, 'di ba? Isa pa, alam naman ng buong bayan na anak si Rohan ni Mayor. Malamang kilala siya ni Papa."

"Makes sense to me," tugon ni Vivien.

"Uh, uh. Not to me."

Bigla namang may nagsalita sa may pintuan.

"Excuse me, is it okay if I could borrow some Mathematics book from any of you? We need it to study for our quiz later," tanong ni crushiecakes.

Eto na naman tayo. Tino-torture na ako! Shet! Ang pogi! Ang tangkad! WAAAAAAAA!

Wait, wait. Hinga ng malalim. Inhale, exhale, inhale, exha—

"Clara, Math book daw. Wala kaming dala," pag-aagaw ni Hanna sa atensyon ko.

"Si Clarence, meron!" sigaw ni Kael.

Agad namang nalipat sa akin ang tingin ni Rohan.

Hala, hala. Kalma! Relax, relax.

Nahuhulog na ako! Kailan mo ba ako sasaluhin?!

"Clara!" sigaw ni Vivien na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

Kinukuha ko na ang libro sa bag ko nang bumulong si Priam. "Muntik ka nang makatunaw." Saka siya tumawa ng mahina.

Inirapan ko ang bruhilda saka pinuntahan si Rohan.

Cool ka lang. Kunwari hindi mo siya kilala.

Inilahad ko ang kamay ko para ibigay sa kaniya ang libro.

Inabot naman niya ito agad. "Thanks. I'll return it later."

Kahit hindi na!

"S-Sige," tanging nasabi ko lang.

Pinagmasdan ko siyang naglakad palayo habang hawak-hawak ang libro ko. Hindi ko na 'yan ibabalik sa library. NYAHAHAHAHAHA!

***

how to act whenever your crush is around

"And search."

Nag-search ako sa Google kung paano umakto kapag malapit lang si crushiecakes, pero wala akong nakuhang matinong sagot. Sinubukan ko sa Facebook pero wala pa rin. Wala rin sa Instagram, Twitter at YouTube.

Crush DiariesWhere stories live. Discover now