"Ikaw lamang ang aking iniibig. Isa kang tala sa kalawakan. Binibigyan mo ng liwanag ang buhay ko," spoken poetry daw ulit ni Junel para kay Priam.
Nakatayo siya sa harap ni Priam at may pa-action pa!
"Uh. . . thanks?" nagtatakang tugon ni Priam.
Inabot ni Junel ang paper bag kay Priam at kumindat sa akin.
Nang tanggapin ni Priam ang paper bag, na halatang nagaalinlangan pa siya ay agad namang lumabas ng room namin si Junel. Lumapit siya sa pwesto namin ni Vivien at umupo sa tabi ko.
"Yiii! Ikaw ha!" asar ko sa kaniya. Inirapan niya naman ako. "Mabuti talaga tinantanan na ako ni Junel."
"Mabuti nga. Baka si Vivien ang susunod," may pangaasar sa boses ni Priam.
"Will you stop? The flower still bothers me."
'Yong bulaklak nga pala kahapon. Ayaw ko talagang i-assume na galing 'yon kay Rohan pero may parte sa akin na nag-aalala. Maganda ang bestfriend ko. Matalino pa. Imposible naman talagang hindi siya magugustuhan ng mga tao. Pero ang sabi kasi ni Rohan, type niya raw ay funny girls.
"Is there something bothering you, Clara?" tanong ni Vivien. Nakatitig pala silang dalawa sa akin. Nakabukas na rin 'yong paper bag ni Priam at may laman 'yong plushies.
"Wala," tanging naging sagot ko.
"Sure?" pagkumpirma pa ni Priam na tinanguan ko lang kahit obvious na hindi sila naniniwala.
"Alis muna ako," paalam ko saka tumayo.
Naglakad-lakad muna ako. Hindi ko nga alam kung saan ba ako pupunta, e.
Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa building ng mga senior high. Umupo muna ako sa bench sa tapat ng isang room.
Ang hirap naman magka-crush lalo na kapag alam mo na wala kang pag-asa.
Nagmuni-muni pa ako sandali.
Na-bore ako bigla kaya lumayas na ako doon.
Babalik na sana ako sa room nang makita ko si crushiecakes. Nasa isang gilid sila. Nakatalikod sa akin si crushiecakes at kaharap niya 'yong bruhang Fei na 'yon.
Lalapit na sana ako ngunit natigilan ako dahil nagsalita si Rohan ng,
"I like you."
Tama ba 'yong narinig ko?
Re-yal ba?
Baka nagbibiro lang siya?
Joke joke lang niya 'yan.
May kasunod pa 'yan, sigurado ako. Wala. Wala nang kasunod ang sinabi niya.
Nanatili akong nakatayo. Hindi pa rin nila nararamdaman ang presensya ko. O sadyang hindi lang nila pinapansin?
Parang may tumutusok sa dibdib ko. Saka ko lang naramdaman na tumutulo na pala ang luha ko kaya tinalikuran ko sila at umalis nang hindi gumagawa ng ingay.
Pumunta ako sa library. Sa pinaka-dulong bahagi ako puwesto.
Doon ko nilabas ang lahat ng luhang naguunahan tumulo. Buti na lang talaga at may dala akong panyo.
Huhu. Bakit ka ba umiiyak, Clara? Crush lang naman, 'di ba? Noong una pa lang alam mo na na wala kang pag-asa. Na hindi ka rin niya magugustuhan. Kahit 0.000000000000001%, hindi ka niya type!
Nga naman. ANG HIRAP MAGKA-CRUSH!
Pinunasan ko na ang mukha kong basa ng luha at saka umalis.
Sinigurado ko muna na maayos ako bago pumasok sa classroom para wala silang mapansin.
"Hi," bati ko kay Priam saka umupo sa tabi niya.
"Hey, sa'n ka galing?" tanong niya naman.
"D'yan lang sa tabi-tabi. Si Vivien nga pala? Nasa'n siya?"
"Inutusan ni Mrs. Graciella."
Nagtataka akong tumingin kay Priam nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin.
"Pri, alam ko namang cute ako. Ingat ka. Baka mabaliko ka. Isa pa, hindi ako pumapatol sa ngidab," sarkastiko kong saad.
Hindi siya umimik. Hindi niya inaalis ang pagka-titig niya sa akin. "Pri naman. Natatakot na ako sa 'yo."
"Ayos ka lang, Clarence?"
Pakshet.
"Oo naman! Ayos na ayos lang ang eabab na 'to! Bakit mo naman natanong?"
Naningkit ang mga mata niya. "Wala naman."
Finally! Inilayo niya sa akin ang tingin niya at nagpatuloy sa pagce-cellphone niya.
Muntik na.
***
"Clara, para kang binagsakan ng langit at lupa. Ano'ng nangyari?" tanong ni Mama nang mag-mano ako sa kaniya.
"Wala, Ma. Akyat na ako."
Niyaya niya pa akong mag-hapunan pero tumanggi ako.
Tinapon ko ang bag ko sa silya. Humiga agad ako sa kama at tinitigan ang kisame.
HUHUHU. May ibang gusto ang crush ko! Narinig ko pa talaga na nag-confess siya! Sa harap ko pa talaga!
Para akong batang hindi mapakali sa kama. Pagulong-gulong ako, tatayo, hihiga, uupo. Nakakaramdam na rin ako ng gutom pero hindi pa rin ako kakain! I demand an explanation!
Char. Wala naman akong karapatang magalit at malungkot. Crush lang naman, 'di ba?
Argh! Iisa na lang nga ang crush ko, naagaw pa!
YOU ARE READING
Crush Diaries
Teen FictionOA. Delulu. Assuming. Ilan lang naman 'yan sa mga characteristics ng mga may crush. Aminin mo, ganiyan ka rin! Hindi kumpleto ang high school life mo kung hindi mo naranasan o nararanasan ang ma-broken hearted dahil may ibang gusto si crush, magse...