"That was amazing, Mercury!" sigaw ng emcee.
Hingal na hingal kaming napa-upo sa isang gilid matapos i-perform ang cheerdance namin.
"Ang galing niyo guys!" sigaw ni Jasmine.
"Finally, natapos din."
"Ang sakit ng paa ko."
"Nagka-sprain ka yata."
"Sino'ng sasama? Bibili kami ng wotah."
"Pabili ako!"
"Mukha ba akong tindero?"
Pinunas-punasan ko ang mukha ko na basang-basa ng pawis.
"Wala na akong energy," reklamo ni Priam at umupo sa tabi ko. Inabutan naman ako ni Vivien ng bottled water.
"Tingin niyo mananalo tayo?" tanong ni Kael.
"Maayos naman ang performance natin. Hindi lang ako sigurado kasi hindi naman tayo binigyan ng criteria for judging."
Nag-usap-usap pa sila tungkol sa performance namin kanina. Hindi pa tapos dahil may mag-pe-perform pa na section.
Nagpaalam muna ako sa kanila dahil bibili ako sa canteen ng makakain. Nalimutan ko na magpabili kanina.
"Fishball nga po. Ten pesos. Eto po."
Pinainit ko sa tindera ang binili ko. Nagmuni-muni ako hanggang sa mahagilap ko si Fei na pumasok din. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Malay ko kung bakit ko 'yon ginawa.
"Thanks," rinig kong sabi niya sa tindera.
Kinuha ko na agad ang binili ko at akmang aalis na sana.
"Clarence!"
Siyempre titigil ako at haharapin siya. "Hello."
"Your performance was great! You made the dance look effortless. I would think na kaya ko rin 'yon when in fact, I can't!"
Napangiti ako sa sinabi niya. "Thanks."
Bigla namang tumunog ang phone niya. "I gotta go. Atat na atat si Rohan. My gosh!"
Parang tinusok ng karayom ang dibdib ko nang marinig 'yong sinabi niya. Hindi ko na lang 'yon pinansin. Now playing: Jealous by Nick Jonas.
Bumalik agad ako sa classroom nang madatnan na wala na ang mga kasama ko sa pwesto namin kanina.
Nagpapahinga sila sa room namin.
"Polluted na ang hangin dahil sa boys!"
"Ang baho naman no'n!"
"Mas mabaho ka!"
"Aba—tarantado ka ba?!"
"Mama mo blue!"
Napatakip na lang ako sa tainga ko sa sobrang kaingayan nila.
Ibinaba ko muna ang binili ko sa mesa ko saka nagtali ng buhok.
"Hey," bati ni Jas sa akin.
"Hi. Kapagod naman."
"True. Hindi tuloy natin napanood 'yong ibang section." Nagbuntong-hininga siya.
"Ayaw ko rin namang panoorin," pag-amin ko.
Bigla naman niyang hinawakan ang balikat ko. "Clara, kapag nanalo tayo, huwag kang magagalit sa bebe mo, ha?" Tumawa pa siya ng malakas. Sinigawan tuloy siya ni Gavin.
Binalikan ko ang pwesto ko para magpahinga. "Sino'ng pangahas ang nanguha ng fishball ko?!" sigaw ko na nagpatigil sa lahat.
"'Yong balls daw ni Clara, sino'ng kumuha?!"
YOU ARE READING
Crush Diaries
Teen FictionOA. Delulu. Assuming. Ilan lang naman 'yan sa mga characteristics ng mga may crush. Aminin mo, ganiyan ka rin! Hindi kumpleto ang high school life mo kung hindi mo naranasan o nararanasan ang ma-broken hearted dahil may ibang gusto si crush, magse...