Pinitik ni Rohan ang daliri niya kaya nagbalik ang diwa ko.
Napakurap pa ako nang ilang beses."You're spacing out," saad niya na natatawa.
Hinawakan ko ang strap ng bag ko. "Uwi na ako."
Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at kumaripas ng takbo palabas sa building.
Sa sobrang pagmamadali ay muntik na akong masagi ng kotse. Napaatras ako at napaupo. 'Yong pwet ko!
"Ouch. . ."
Hinihimas ko ang braso kong nagasgas pala.
"Miss, are you okay?" tanong ng isang lalaki.
Inilahad niya ang kamay niya at tinulungan akong makatayo.
"I'm really sorry. Are you hurt?" tanong niya ulit.
Pinagpag ko ang pang-upo ko dahil mabuhangin. Nagasgas din ang braso ko pero hindi naman malala.
"Ayos lang ako. Sorry din, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko."
"It's my fault, I'm still learning how to drive. I just got my driver's license."
Napadako ang tingin niya sa braso ko na may gasgas. "You're injured. Let me take you to—"
"Hindi, hindi! Okay lang! Okay na okay!"
"Are you sure?"
Tumango-tango ako.
"Alright, then."
"Sige, alis na ako."
Nagpumilit pa siya na ihatid daw ako pero tumanggi ako. Mabuti na lang at may dumaan na jeep kaya doon na ako sumakay.
Ginamot ko agad ang sugat pagka-uwi ko.
"Oh, anak, ano'ng nangyari d'yan?" tanong ni Mama nang pumasok siya sa kwarto ko.
"Wala, Ma. Naaksidente lang," sagot ko.
"Mag-ingat ka kasi minsan. Siguro tinatanaw mo 'yong Rowan, no?" nang-aasar niyang sambit.
Hindi ko na lang sinagot si Mama hanggang makalabas siya.
Bigla ko namang naalala 'yong usapan namin ni crushiecakes kanina. Sige, crush ko na uli siya since wala naman pala siyang girlfriend. Assuming lang talaga ako.
Kinuha ko ang phone ko. May bagong chat pala si Rohan. Crush talaga ako nito.
Rohan: i saw what happened earlier, i wanna approach you but somebody else already did. i just hope you're ok
Concerned ba siya sa akin?! Tanga, Clarence! Obvious naman 'di ba?! What if nahuhulog na rin 'to sa akin dahil sa pambabanat ko sa kaniya?
You: im alrighty!🤪🤪
Agad naman siyang nag-reply.
Rohan: i can see that
Okay, okay. Crush ko na ulit siya.
***
"Hello! Good morning!" bati ko sa mga kaklase ko. Binati naman nila ako pabalik maliban sa dalawang bruha na nagtatakang nakatingin sa akin.
Umupo ako sa pwesto ko na nagha-hum.
"Ano'ng nangyari, teh? Nanalo ka ba sa lotto? Balato naman!" sarkastikong saad ni Priam. "O baka naman nakipag-pic ka sa BINI? Na-meet mo ba si Jonaxx? Owemji! May nakita ka bang pogi?!?!"
Naalala ko tuloy 'yong lalaki kahapon. Sayang lang ang hindi ko nakuha ang pangalan niya. Pero hindi p'wede, loyal ako sa isa.
"Baliw wala naman sa mga sinabi mo ang nangyari. Well, I met an igop pero hindi ko nakuha ang pangalan niya."
Hinampas ako ni Vivien. "You're so tanga naman! Dapat kinuha mo ang name! Ano ba 'yan, Clarence Yves!"
Iba talaga 'to si Vivin, study first daw pero pag-usapang gwapo, nalilimutan ang kasabihan niya.
"Makatanga ka naman! Muntik na nga akong mamatay dahil sa kaniya, e!"
"Wews. Baka tadhana talaga 'yon? Baka hindi ka talaga para sa 3-year crush mo," asar na naman ni Priam.
"Heh. Baka para talaga kayo ni Junel sa isa't-isa." Inirapan niya ako sa sinabi ko.
Hindi raw papasok ang teacher namin sa first period kaya ginamit namin ang oras para mag-practice ng cheerdance.
Sa kalagitnaan ng practice, natanaw ko ang isang pamilyar na lalaki. Pinaliit ko ang mga mata ko para makita siya nang maayos. Nang humarap siya sa akin, confirmed! Siya 'yong lalaki kahapon!
Nang mahagip ako ng paningin niya, umiwas agad ako at tinuon kay Jasmine na nagtuturo sa harap ang atensyon ko.
Pero huli na. Hinanap ko siya at ayon! Nakaupo sa pwesto ko kanina.
Nang matapos ang practice, hindi ako makaalis sa pwesto ko. Nanatili akong nakatayo.
Napansin 'yon ng dalawa kaya lumapit sila sa akin.
"Ano'ng nangyari sa 'yo? Hindi mo ba maramdaman ang mga binti mo?" tanong ni Priam.
Hindi ko siya sinagot. Maglalakad na sana ako paalis nang marinig ko ang boses niya.
"Hey!" sigaw no'ng lalaki. Walang choice kaya hinarap ko na.
"Yes?"
Nagpabalik-balik sa aming dalawa ang tingin ni Vivien at Priam.
Lumapit naman sa akin si Vivien at bumulong. "Who is he?"
"I'm Nathaniel," sagot no'ng guy. Mukhang narinig niya 'yong binulong ni Vivien. "Hindi ko nakuha ang pangalan mo yesterday. What's your name, Miss?"
"Clarence. Clara na lang. Si Vivien nga pala at si Priam," pagpapakilala ko sa dalawa kong kaibigan.
"Nice to meet you both."
Kinikilatis ni Priam si Nathaniel mula ulo hanggang paa. Ako nga ang nahihiya para sa kaniya, e.
"Is there something wrong?" tanong ni Nathaniel kay Priam nang mahuli niyang nakatingin sa kaniya ang bruha. Umiling lang si Priam saka binaling sa akin ni Nathaniel ang atensyon niya.
"Anyways, I have a party this weekend. . ." May kinuha siyang tatlong invitation at inabot sa amin 'yon. ". . .and I wanted the three of you to attend," may ngiti niyang sambit. "Will you be available?" Tumango lang ako. S'yempre kainan na 'to, e. Tatanggi pa ba ako?
"Great! See ya!"
Pagkaalis niya, agad naman akong tinignan ng dalawa na parang may ginawa akong malaking pagkakamali.
"Ano 'yon? Akala ko ba si ehem lang?" mapang-asar na tanong ni Priam.
"Real. Sabi mo pa nga "hindi na ako titingin sa ibang lalaki," panggagatong naman ni Vivien at ginaya pa ang boses ko.
"Wala 'yon. Kahapon ko lang siya nakilala," pag-amin ko.
Laking pasasalamat ko kay Jas dahil mangaasar pa sana ang dalawa kaya lang, tinawag niya na kami para mag-practice ulit.
YOU ARE READING
Crush Diaries
Teen FictionOA. Delulu. Assuming. Ilan lang naman 'yan sa mga characteristics ng mga may crush. Aminin mo, ganiyan ka rin! Hindi kumpleto ang high school life mo kung hindi mo naranasan o nararanasan ang ma-broken hearted dahil may ibang gusto si crush, magse...