Chapter 13

1 1 0
                                    

"Basta makaka-attend kayo mamayang gabi, ha?" pangungulit ni Nathaniel sa amin. Mamayang gabi na kasi 'yong party niya. Welcome home party daw atsaka advance birthday party na rin at marami rin ang a-attend.

"Yeah, we'll attend," pag-a-assure ni Vivien kay Nathaniel.

"Nga naman, wala ka bang tiwala sa amin?" tanong naman ni Priam. Mas lalo palang nagiging close 'tong mga 'to.

"Sige pala, mauna na ako. Bye, ladies!" paalam niya sa amin.

"May pagkamakulit din pala 'yon."

"Truenesses, may malalang trust issues yata."

Hindi ko sila pinapansin at nakatutok lang ako sa phone ko, sa isang Instagram post.

thanks for the treaaatttt
so yum😋

Post iyon ni Fei na may hawak na ice cream at naka-tag si Rohan. Umabot na rin 'yon ng libo-libong likes at comments.

"Balik na tayo sa. . . room. . . Clara."

Tinago ko agad ang phone ko at ngumiti sa kanila. "Tara na."

***

"Ma, hindi na ako a-attend," pangungumbinsi ko kay Mama na naghahanap ng maisusuot ko mamaya sa party ni Nathaniel. Nakita niya kasi 'yong invitation.

"Ano ka ba?! Dapat pumunta ka! Minsan lang naman 'to!"

May point naman siya. Hindi naman ako madalas ma-imbita sa mga party-party na 'yan. Sina Priam at Vivien lang ang nag-i-invite sa akin tuwing birthday-an, Pasko o kahit na anong pagdiriwang.

Isa pa, nangako na rin pala ako.

"Fine. Pero ako na po ang maghahanap ng damit ko."

Nawalan kasi ako ng ganang um-attend. Ewan ko ba kung bakit gayong gustong-gusto ko naman. S'yempre, kainan 'yon, e.

Pumili lang ako ng casual outfits, white long-sleeve, trousers at white shoes lang ang isusuot ko. Jacket na rin, siguradong giginawin ako mamaya. Sabi ni Nathaniel, mga kaibigan lang din naman niya ang pupunta kaya hindi na kailangang bonggahan. Light make-up lang din ang nilagay ko.

Sinundo ko muna si Priam na hindi naman malayo sa bahay namin. Sabay naming pinuntahan si Vivien na hinihintay kami sa labas ng bahay nila.

Sumakay lang kami sa jeep. Si Priam, wala raw barya kaya pinautang na lang ni Vivien.

Nang makarating kami sa bahay nina Nathaniel, narinig agad namin ang ingay mula sa loob. May nagkakantahan pala.

Pinapasok naman kami ng guard nila nang ipakita namin ang invitation namin.

May nagkakantahan nga at may sumasayaw ng budots. Mukhang nahuli na kami.

"Doon tayo." Tinuro ko ang isang vacant table na may apat na upuan.

Umupo agad kami saka may nag-offer sa amin ng drinks. "P'wede na po kayong kumuha ng foods niyo doon."

"Salamat."

Wala sa amin ang naghapunan kaya sabay-sabay kaming kukuha ng pagkain namin. Tatayo na sana ako nang mahagip ng paningin ko si Rohan. Umupo ulit ako na ipinagtaka ng dalawa.

"K-Kayo na lang ang kumuha muna, mamaya na lang ako," excuse ko.

"Sigurado ka?" pagaalinlangan ni Vivien.

"Oo, hindi naman mauubos ang pagkain dito."

Gutom na gutom na siguro si Priam at hinila na lang niya si Vivien. Kumuha na sila ng pagkain nila.

Pasimple akong tumingin kay Rohan. May kausap siyang dalawang babae at isang lalaki. Hindi na ako magtataka na nandito siya dahil magkaklase sila ni Nathaniel.

Natakpan ang paningin ko sa kaniya dahil biglang sumulpot si Nathaniel sa harap ko.

"I thought hindi ka pumunta. Sina Priam at Vivien lang ang kumukuha ng foods." Umupo siya sa harap ko at nilapag ang hawak niyang platito ng cake.

"Mamaya na lang ako kakain."

Hindi ko na nahagip sina Rohan. Mukhang umalis na rin sila.

"Mabuti nga 'yon so hindi ka makikipagsiksikan doon."

"Siguro nga."

Nag-usap-usap pa kami at napagalaman ko na mag-isa lang siya sa bahay na 'to. Mga kasambahay lang ang kasama niya. 'Yong buong pamilya niya, inaasikaso raw ang mga negosyo nila sa ibang bansa.

"Hindi ka ba nalulungkot?" tanong ko.

"Bakit naman? This is actually fun. Walang pumipigil sa 'kin sa mga gusto kong gawin. I'm free to do whatever I want. Besides, umuuwi naman sila every Christmas."

Nalaman ko rin na siya pala ang nag-arrange nitong party niya.

Natigil ang pag-uusap namin ni Nathaniel nang lapitan kami ni Xanth at Darren. Hindi ko talaga makakalimutan 'yong paninira nila ng interaction namin ni Rohan sa harap ng classroom nila!

"Hey!" bati ni Darren kay Nathaniel.

"Oh, are you enjoying the party?" tanong sa kanila ni Nathaniel.

"Yeah. Pero itong si Xanth, ang KJ! Sabi ko kunin niya 'yong number no'ng isang doll doon, e ayaw niya! Nakakainis ka naman, brad!" reklamo ni Darren sabay hampas sa likod ni Xanth.

Playboy type 'tong si Darren, panigurado.

"She's not that interesting," depensa naman ni Xanth.

"Owsus! Sabihin mo, may nakakuha na ng atensyon mo! Akala mo hindi ko napapansin, ha!" singhal ni Darren. Pinagtatawanan lang sila ni Nathaniel.

Hindi na lang siya pinansin ni Xanth at tinuon na lang ang atensyon sa akin.

"Clarence, right?"

"Ah, oo."

Tinitigan naman ako ni Darren na para bang sinusuri ang mukha ko.

"Ikaw 'yong madalas dumaan sa tapat ng—aray!"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang batukan siya ni Xanth.

Nag-usap-usap pa sila. Usapang lalaki iyon at hindi ako maka-relate kaya in-excuse ko na ang sarili ko para hanapin 'yong dalawa, ang tagal naman kasi nila.

Hinanap ko 'yong dalawang bruha. Kung saan-saan na ako napunta at kung ano-ano na ang nakikita ko.

Naliligaw yata ako?

Kinakabahan na ako at hindi ko sila makita.

Sinubukan ko silang i-chat kaya lang hindi naman sila online.

Bigla namang may nakabangga sa akin at natapon ang hawak niyang inumin.

"Hala! Sorry po!" Malakas ang boses niya na umagaw sa atensyon ng karamihan.

Nabasa na ang damit ko.

"Ayos lang. Ayos lang talaga."

Pinulot niya 'yong mga nabasag na bote at tinulungan ko siya. Ginamit ko na lang ang panyo ko para hindi ako masugat.

Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko kaya tiningala ko iyon.

Si Rohan!

Finally, may kakilala na ako!

Pinatayo niya ako at hinarap sa kaniya.

"What happened?"

"Wala 'to. Aksidente lang."

Napunta ang tingin ko sa likod niya. Kasama niya pala si Fei.

Crush DiariesWhere stories live. Discover now