"Yiee, crush mo, oh, Clara," bulong sa akin ni Priam at tinuro ang likod ko. Nilingon ko 'yon at nakita ko nga si ex-crushiecakes. Nakasuot siya ng formal attire. Ano'ng meron?
Humiwalay agad ako ng tingin na ipinagtaka ni Priam.
"Ano?" tanong ko.
"Wala bang tili d'yan?" may pang-aasar niyang saad.
Hindi nga pala nila alam na na-uncrush ko na siya. May girlfriend na, e.
"Alangan naman tumili ako rito e andami-daming tao," pag-iwas ko sa tanong niya.
"Sa bagay. Look, matchy-matchy sila ni Fei." Tinuro niya ulit ang likod ko. S'yempre lumingon ulit ako. Oo nga, ang ganda ng dress na suot ni Fei. Mukha siyang prinsesa at may tiara pa siya!
Humiwalay ulit ako ng tingin.
"Hindi siya bothered," pangalawang asar ni Priam.
"Bakit ako mabo-bother, e ang perfect nilang tignan?"
"Owsu."
"Kunwari pa 'yan pero deep inside, naiiyak na 'yan siya," this time, ang kararating na si Vivien ang nang-asar.
Inirapan ko lang ang bruha. Oras talaga na malaman ko kung sino ba 'yang secret admirer kineme niya, siya naman ang aasarin ko.
Nakarinig kami ng tili ng mga babae. Si Darren lang pala. May pakindat-kindat at flying kiss pa siyang nalalaman. Napadako ang tingin niya sa akin. Kinindatan niya ako at nag-flying kiss! May pakaway pa!
Kinilabutan ako sa ginawa niya kaya umiwas ako ng tingin.
"Did you know na nakakairita ang Darren na 'yan? Like, super!" naiinis na saad ni Priam habang matalim ang tingin doon sa babaerong lalaki sa likod ko.
"Ano bang ginawa sa 'yo?" tanong ko.
"Binuhusan ba naman ng iced coffee itong uniform ko no'ng nakaraang araw! Fortunately, may libreng shirt sa clinic kaya 'yon na lang ang ginamit ko. I despise that guy!"
"Halata nga."
Nakatanggap kami ng message mula kay Jasmine na magpa-practice na raw kami ng cheerdance sa covered court ng school.
Kinuha na namin ang mga gamit namin at nilayasan ang maingay na cafeteria.
Nagbihis muna kami ng P.E. uniform namin bago dumiretso sa venue kung nasaan ang iba.
"Kahit ano'ng suot mo, talagang bumabagay sa 'yo, Binibining Priam. Pero hindi ako walang kasinungalingan na sabihin na mas maganda ka kapag may suot na wedding gown at lumalakad sa altar papunta sa akin," mala-Juanito raw na banat ni—sino pa ba, e di si Junel kay Priam. Inasar siya ng mga kaklase namin kaya awkward siyang ngumiti.
Nagtungo muna ako sa isang bench para itali ang sintas ko.
"You forgot your line!" sigaw ni Fei? Siya ba 'yon?
Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. Hindi nga ako nagkamali at si Fei nga. Kasama na naman niya si Rohan. Napairap ako sa hangin at bumalik sa mga kasama ko. Torture talaga.
"And 1 and 2 and 3—energy guys! Taas, baba, kanan, kaliwa. . ."
Sinubukan ko na mag-focus sa sayaw pero nadi-distract talaga ako sa boses ni Fei at Rohan na nasa likod ko lang.
"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8!"
"Taas, baba, kanan, kaliwa!"
"Clara!"
Bumalik ang diwa ko nang sigawan ako ni Jasmine.
"Nawala ka na sa pila mo."
"Sorry, Jas."
Inayos ko na ang pagsasayaw ko at hindi na pinagtuonan ng pansin 'yong dalawa.
Matapos ang practice, nag-pahinga muna kami. Hindi pa rin umaalis 'yong dalawa.
"Jas!" tawag ni Fei kay Jasmine na umiinom.
"Yes?"
"Hiramin muna namin 'tong pwesto niyo, is that alright?"
"Sure."
"Thanks!"
Lumapit si Fei kay Rohan at hinila ang kamay nito.
Pumwesto sila sa gitna kaya kitang-kita sila.
May sounds na galing sa phone ni Rohan. Naka-full volume 'yon.
Hinawakan ni Rohan sa bewang si Fei, ang isa nama'y hawak ang kamay niya. 'Yong mala-waltz dance, gano'n ang atake.
Nagsimula na silang magsayaw. Nanonood ang mga kaklase ko, kasama pala ako. Hehe.
Ang perfect nilang tignan. Maganda ang moves nila.
Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa kanila, kung hindi pa dinikit ni Priam ang binili niyang bottled water sa pisngi ko.
"Masyadong obvious," komento niya at umupo sa tabi ko. Hindi ko na siya tinanong at ininom na lang ang binigay niya.
***
Alas quatro na ng hapon. Bukas na ang gate at nagsisilabasan na ang mga tao. Inaayos ko na rin ang mga gamit ko. 'Yong dalawa, nauna nang umuwi dahil pagod daw sila sa practice namin ng cheerdance kanina.
Nahuli ako sa classroom kaya ako na ang nagpatay ng ventilation. Ako na rin ang nag-lock ng pinto.
Paglakad ko sa corridor, nadaanan ko ang bukas na classroom nina Rohan. Sumilip ako rito at nakita ko siya na nag-aayos ng gamit niya. Suot niya pa rin 'yong attire niya.
Napadako ang tingin niya sa akin kaya umiwas ako at naglakad paalis. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang yabag niya.
"Clara!"
Napatigil ako sa paglalakad. Rude naman kung hindi ako titigil.
Ramdam ko ang presensya niya na malapit sa akin. Pinilit ko ang sarili kong harapin siya.
"Hindi mo yata kasama si Fei?" Shucks. Bonaks naman, Clarence!
"She went home early," tipid na sagot niya.
Nakatayo kami nang ilang minuto. Tatawag-tawagin niya ako tapos hindi siya magsasalita?
"Bakit mo pala ako tinawag? Manghihiram ka ba ng book?"
"Hindi. I just wanna ask kung. . . kung p'wede mo akong samahan bukas, bibili ako ng gift for my niece. Her birthday's coming up."
"Bakit ako? Hindi ba magagalit si Fei? Baka magselos 'yon," awkward kong sagot.
"Why would she get jealous?" nagtatakang tanong niya.
"Ha?" Buang ba 'to? "Hindi ba girlfriend mo siya? Dapat sa kaniya ka magpasama."
Mahina siyang napatawa. "She's not my girlfriend. Where did you get that idea?"
"N-Narinig kasi kita na nag-c-confess. Tapos nagsasayaw pa kayo kanina."
"Oh. About the confession, we were just practicing for our roleplay. And the dance, dress rehearsal namin 'yon for a dance competition, our teacher chose us to represent our school, that's all."
Napanganga ako sa sinagot niya. Reyal ba?!?!
YOU ARE READING
Crush Diaries
Teen FictionOA. Delulu. Assuming. Ilan lang naman 'yan sa mga characteristics ng mga may crush. Aminin mo, ganiyan ka rin! Hindi kumpleto ang high school life mo kung hindi mo naranasan o nararanasan ang ma-broken hearted dahil may ibang gusto si crush, magse...