Chapter 2

2 0 0
                                    

"Benitez, are you with us?"

Agad nalipat ang tingin ko kay Mrs. Graciella nang tawagin niya ako.

"Yes, Ma'am."

Halata namang hindi siya naniniwala sa sagot ko pero nagpatuloy pa rin siya sa pagtuturo.

Muntik na.

Dumungaw uli ako sa bintana pero wala na siya doon.

Sayang.

P.E. kasi nila ngayon at base sa nakikita ko, may 40-meter sprint sila.

Natapos ang klase kaya naghanda na kami sa susunod na subject.

Buong klase, wala sa leksyon ang atensyon ko kundi sa labas ng bintana.

Wala na talaga sila. Tapos na siguro ang klase nila.

Kasabay ng pagtunog ng bell ang paglabas ng teacher namin.

Tatayo na sana ako nang biglang lumapit sa akin si Junel, isang kaklase.

Eto na naman tayo.

"Oh, Clarang aking iniibig, susungkitin ko ang buwan para sa 'yo, lalanguyin ko ang pinakamalalim na dagat at aakyatin ko ang pinakamataas na bundok sa mundo, maabot ko lang ang pag-ibig mo. Kaya, Maria Clara ng buhay ko, tanggapin mo ang rosas na 'to, tanda ng walang hanggang pagmamahal ko sa 'yo," spoken poetry niya na may kasamang hand gestures at may hawak na rosas.

Matagal nang may gusto sa akin si Junel. Ilang beses ko na rin siyang binasted dahil hindi naman p'wedeng pilitin ko ang sarili ko na magustuhan siya. Alam niya 'yon. Hindi ko lang alam kung bakit masyado siyang mapilit.

Pero dahil marunong akong mag-appreciate, tinanggap ko ang rosas niya.

"Salamat, Jun. Pero alam—"

"Ah, shh, shh, shh. Alam ko na ang sasabihin mo, binibini."

"Gano'n naman pala. Bakit mo pa rin ito ginagawa? Alam mo namang may iba akong nagugustuhan, 'di ba?"

"Alam ko, binibini. Pero hayaan mong iparamdam ko sa 'yo ang tunay na pagmamahal."

Hindi na ako nakipagtalo pa at nilagpasan na siya. Kahit naman anong gawin ko ay hindi titigil 'tong si Junel. Magsasawa rin naman siya.

Nilagay ko ang rosas sa bag ko at pinuntahan ang dalawa sa may pintuan na pinapanood pala ako.

"Binibining Clarence, nais mo bang sumama sa amin sa cafeteria?" pang-aasar ni Priam.

"Manahimik ka nga d'yan, Priam Holly Carpio." Saka ko siya inirapan.

"I think it's sweet though. Jun sure knows how to be a gentleman," komento naman ni Vivien.

"Don't spokening dollars to me, Vien. My nose is bleeds," laban ko. 'Sensya na, hanggang d'yan lang ang kaya ng powers ko.

"Ewan ko sa 'yo."

Naglakad na kami dahil mahirap pumila sa canteen.

Hindi nga kami nagkamali dahil mahaba ang pila. Mauubusan na naman kami ng paninda sa lagay na 'to.

Pumwesto na lang kami.

Mabuti na lang at may dalang mansanas at saging si Vivien kaya 'yon na lang muna ang kinain namin habang hinihintay na umiksi ang pila.

"So, may plano ka na ba?" tanong sa akin ni Priam.

"Plano?"

"Oo, bakz. Plano para kay Rohan."

"Wala."

"Tsk. Mahina ka pala, e."

"Hindi 'no!"

"E di kumilos ka na ngayon. Lalo na't malabong may chance ka."

Crush DiariesWhere stories live. Discover now