Chapter 11

2 0 0
                                    

"Clara, may naghahanap sa 'yo," pag-inform sa akin ni Priam.

Dumako ang tingin ko sa labas at nakita ko si Nathaniel na kumakaway sa akin.

"Sige, salamat."

Tumayo ako saka nilapitan siya. Kunwari na lang hindi ako nag-assume na si Rohan 'yon.

"Wala na kayong klase?" tanong ko.

"Yeah. Maaga nagpalabas si Ma'am. Gusto mo bang sumabay sa akin mag-lunch?" may ngiti niyang tanong pabalik.

Lumingon ako sa likod at nakitang wala na 'yong dalawa. Sa kabilang pinto siguro sila lumabas. Humanda talaga sila sa akin!

Binalik ko ang tingin sa kausap ko. "Sige."

Masyadong maraming tao sa cafeteria kaya sa open field na lang kami magla-lunch. May mga bench naman na nagkalat doon.

Hindi tulad sa cafeteria, kaunti lang ang tao dito. Maaliwalas din ang hangin.

Binuksan agad namin ang lunchbox namin pagka-upo.

"My mom cooked adobo for me." Pinakita niya sa akin ang lunch niya kaya pinakita ko rin ang sa akin.

"Pinakbet ang sa akin."

"That looks tasty. Sino'ng nagluto niyan?"

"Ako. . ."

"Really? You'd make a great wife someday."

Great wife niya. Napangiti ako sa naisip. Tinignan tuloy ako ni Nathaniel na para bang ako na ang pinaka-weird na taong nakilala niya.

Tinuon ko na lang sa pagkain ang atensyon ko. Binahagian ko si Nathaniel ng ulam ko at ganoon din siya. Nahiya pa nga ako dahil baka hindi niya magustuhan ang luto ko.

"Parang gusto na kitang sabayan sa lunch araw-araw," pagbibiro niya.

"Heh. Ang sabihin mo, gusto mo lang matikman ang luto ko araw-araw," pagmamayabang ko naman.

"Hmmmm. . . parang gano'n na nga."

Sabay na rin kaming bumalik sa mga classroom namin.  Nalaman ko rin na classmates pala sila ni Rohan.

"Oh, saan ka naman galing? Hinahanap ka namin kanina pa," bungad sa akin ni Vivien pagka-upo ko.

"Kayo nga 'tong nawala, e. Saka, si Nathaniel na lang 'yong sinabayan ko. Iniwan niyo kasi ako kanina," nagtatampo kong saad.

"Kausap mo kasi si Nathan guy na 'yon."

Andaming excuses ng babaeng 'to talaga.

"Siya nga pala, may nakita na naman akong bouquet sa table ko kanina lang," sabi niya saka pinakita sa akin ang bouquet.

"Galing na naman ba 'to sa secret admirer mo?" may pang-aasar ko na tanong.

"Naiinis na nga ako, e. Ayaw pa niyang magpakilala sa akin! Torpe ba siya?!"

Nag-rant pa siya sa akin tungkol sa secret admirer niya.
Hinayaan ko na lang.

***

Umupo muna ako sa isang bench. Hindi pa naman bukas 'yong gate at hihintayin ko pa 'yong dalawa.


Rohan Aurelio

Rohan: hey

Kaunti na lang talaga at ia-assume ko na crush din ako nito at may chance talaga ako sa kaniya.

You: hi?

Rohan: pwede mo ba akong tulungan dito?

You: san ka ba?

Rohan: sa room

Napangiti ako sa nabasa. Out of all people, sa akin talaga siya humihingi ng tulong?! RAAAAAAAHHHH!

"Kaya naman pala ayaw tayong pansinin, ka-chat pala si bebe niya."

Muntik na ko nang ibato sa mukha ni Priam ang phone ko. Bigla-bigla naman kasing sumusulpot, e!

Umupo silang dalawa ni Vivien sa magkabilang gilid ko.

"So, ansabi?" tanong ni Priam na tinataas-taas pa ang kilay.

"Niyaya ka na ba niyang makipag-date? Hmmm?" asar naman ni Vivien.

"Ang dami niyong hanash." Inayos ko na ang uniform ko saka tumayo. "Hindi muna ako sasabay sa inyo. Bye!"

Iniwan ko na ang dalawa at may pahabol pa nga sila!

"Go, Clara! Ipaglaban mo ang karapatan ng kabataan!"

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa classroom nila Rohan. Nadatnan ko siyang nag-aayos ng mga modules.

"Ang dami naman niyan," ang sabi ko na umagaw sa atensyon niya.

"Sorry kung ikaw pa ang tinawag ko. Wala naman kasing nag-re-reply sa mga kaklase ko, e."

"Okay lang, walang problema."

Binaba ko muna ang bag ko sa isang upuan saka sinimulan siyang i-assist.

Sa loob ng ilang minuto, binalot lang kami ng katahimikan. Tanging tunog lang ng mga papel na bumabagsak at ng upuan na nagagalaw ang maririnig.

Hindi ko na namalayan ang oras. Pagkalabas namin ng classroom nila, wala nang tao. Malapit na rin kasi mag-alas sais.

"Thanks for your help again."

"Wala 'yon."

Tulungan na rin kitang bumuo ng pamilya—hoy! Siraulong Clara!

Pumasok siya sa isang convinience store kaya sinundan ko siya. Bumili siya ng dalawang ice cream at binigay niya sa akin 'yong isa.

"Uh, thanks."

Sabay pa rin kaming naglakad pauwi habang kinakain 'yong ice cream.

"How's your cheerdance?" tanong naman niya pagkatapon niya no'ng popsicle stick.

"Spy ka, no?" biro ko naman. "Ayos naman. Hinahanda na namin 'yong props. Kayo ba?"

"I won't be cooperating."

"Ha? Bakit naman?"

"Well, since Fei and I already represented our school, exempted na kami."

"Sa bagay. Makes sense."

Maya-maya, may biglang humintong sasakyan sa harap namin. Bumaba ang isang lalaking parang bodyguard.

Hinarap ako ni Rohan. "Do you want a ride home?"

"Ah, hindi na. Nakakahiya naman."

"Are you sure? Madilim na, oh."

"Malapit naman na 'yong bahay ko rito."

"Alright, then. Take care."

Pinanood ko siyang sumakay sa kotse niya saka umalis. Anak nga pala siya ni Mayor.

Umuwi ako nang may ngiti sa labi. Satisfied sa araw na 'to.

Crush DiariesWhere stories live. Discover now