Rohan Aurelio
You: alam mo bang nakakatakot ang multo? pero mas nakakatakot ang mawala ka sa piling ko
And send!
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nasa talking stage na kami ni crushiecakes. O sad'yang delusional lang ako? Parang kailan lang no'ng admiring from afar pa lang ako.
Muli kong binasa ang chat ko sa kaniya. Ako 'yong kinikilig, kahit hindi pa niya na-se-seen.
Itinabi ko muna ang phone ko saka nagpatuloy magbasa. Kasalukuyan akong nasa library para sa report namin.
Sinigurado ko namn na naka-silent ang phone ko at naka-vibrate para hindi marinig ng masungit naming librarian. Kaya tumandang dalaga, e.
Bigla ko namang naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko kaya binuksan ko 'yon agad.
Rohan: well, thanks?
Bakit naman ganito ang reply niya? Hindi ba siya kinilig?
Rohan: btw, where are you rn?
WAAAAAAAAAAAAAA! ITO NA BA 'YON?!?!
Pero nga dahil nawala na ako sa mood dahil gano'n lang ang reply niya. Bahala siya.
You: dyan lang sa gedli
Naka-do not disturb na ang cellphone ko. Nakakapikon naman si crushiecakes. Hindi naman siya marunong kiligin.
Nagbasa-basa lang ako para naman may masabi ako sa report, hehe. Baka isumbong ako ni Vivien na pabigat, mahirap na.
"I knew you were here," sabi ng kung sino sa likod ko.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Shet. Paano naman niya ako nahanap dito?!?!
Kunwari unbothered tayo. Dapat hard-to-get ka, Clara!
(A/N: Hard-to-get kay crush? May gano'n ba?)
Umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.
"Is there something wrong?" tanong niya at lumapit sa binabasa ko. Inilayo ko naman iyon.
Nagkunot ang noo niya. Nagtataka siguro sa inaasta ko.
Lumapit uii siya kaya inilayo ko ulit ang libro. Lapit, layo, lapit, layo ang ginawa namin hanggang sa tumayo na ako at lumipat ng p'westo. Bahala siya d'yan.
Narinig ko ang pagtunog ng paa ng silya na ang ibig sabihin ay tumayo siya. Lalapit na sana siya sa akin nang biglang dumating si Fei.
"Han, you're here too?"
May nickname pa nga. Tsaka hindi ba obvious? Nandito naman talaga si crushiecakes.
"Yeah. I was just browsing textbooks for our summative test," sagot naman ni Han.
Nakatalikod na sa akin si Rohan dahil kaharap niya si Fei. Really?! Sa harap ko pa talaga?!
Nakita ko ang paghawak ni Fei sa braso ni Rohan saka hinila niya ito papunta sa kung saan.
Ang sakit sa eyes!
Padabog ko na isinara ang librong binabasa ko saka lumabas ng library.
***
"Kausapin mo nga. May sumpong na naman, e," rinig ko ang boses ng nagchi-chismisan na Priam at Vivien.
Vacant naman ngayon.
YOU ARE READING
Crush Diaries
Teen FictionOA. Delulu. Assuming. Ilan lang naman 'yan sa mga characteristics ng mga may crush. Aminin mo, ganiyan ka rin! Hindi kumpleto ang high school life mo kung hindi mo naranasan o nararanasan ang ma-broken hearted dahil may ibang gusto si crush, magse...