ALMOST ENOUGH #22
Sharyn’s POV
I couldn't get mad at Hunter—not directly as his girlfriend in front of everyone—so I seized the moment as River’s best friend to let my anger out. I might resent him even more if I waited any longer to process my thoughts.
Alam ko naman na hindi dapat basta-basta nagsasalita kapag galit pero sobrang sasabog na ako sa inis—sa pag-aalala. Akala ba ni Hunter ay masayang mag-hintay ng balita kung successful ba ang operation niya o hindi. I couldn’t even wait outside the operating room because we’re keeping ‘us’ a secret.
Kumalma rin naman ako pagkatapos ko sabihin sa kaniya lahat ng gusto kong sabihin. He didn’t say a word and just looked at me until I finished. Napansin ko na gustong-gusto na niya akong lapitan at yakapin but he just couldn’t.
First of all, he’s lying in bed—he was in critical condition, and thank God he has more lives to spare because he’s still breathing. Second, we’re surrounded by police. Third, his frat brothers are all around, and I have no idea which of them knows about our relationship.
I couldn’t risk it after because Hunter might get mad. Well, he doesn’t get mad but just worry. And worrying is worst than getting mad—mas mahirap isipin kung mabubuhay pa ba ang taong mahal mo kaysa sa patayin siya sa utak mo dahil galit ka.
Nalaman ko nga kay River na mas dinagdagan niya ang bodyguard ko at ng pamilya ko. May mga bagong mukha rin akong nakita na nagmamatyag sa labas ng bahay namin kanina. Should I be scared now?
“You know what, hindi ko na talaga alam kung sino ang bad influence sa inyo ni River,” masungit na sabi ko sabay walk-out para naman pumunta sa kabilang kwarto kung nasaan si River. Ayoko na ring makita ang mga kasama niya dahil baka ma-sermunan ko pa.
I just made a scene.
“Kawawa naman si Hunter. Nabaril na nga tapos inaaway mo pa.” Nakalabing turan ni River nang pumasok ako sa kwarto niya.
Umamba ako ng sapak kay River pero hindi ko rin tinuloy. “Ewan ko sa’yo, River. I mean, when will you stop making us worry?”
“Kapag namatay na siya,” si Avey ang sumagot. Inis na inis din siya dito kay River. Pakiramdam ko talaga ay sila na. Syempre, ayoko rin naman pangunahan kaya nasa sa kanila na rin ang desisyon, tulad namin.
“Baka sa susunod na bala siguro,” dagdag ni Avey at nanahimik naman na si River. Baka sapakin pa kasi siya ni Avey. Kung hindi kasi siya nababaril ay nasasaksak naman siya. Hindi ko alam kung ilan ba ang buhay niya. Siguro may agimat sila ni Hunter dahil ang tatapang.
“What is it this time?” tanong ko. “Kay Ceana pa rin ba?”
I couldn’t blame River for not moving on from her sister’s death. Kung sa akin din naman nangyari ay panigurado na matagal o baka gaya niya ay hindi ako maka-move-on. Pero sana naman ay tigilan na niya ang pakikipag-away sa mga miyembro ng umabuso kay Ceana.
I understand that not all of them were tried by the law because of their influence, but Cedric’s gone—the mastermind behind it all—so he should at least move on. Mas pinapalala lang niya ang lahat dahil hindi matapos-tapos ang pag-aaway nila.
Ein answered, “Well, it has always been Ceana.” Huminga siya nang malalim. He was Ceana’s boyfriend. Inis pa rin si River sa kaniya pero kahit ganoon ay dinadalaw niya talaga si River lalo na kapag tungkol kay Ceana.
“More than that, si Hunter ang may kasalanan. Why do you always blame me?” Umakto si River na nasaktan kaya binatukan siya ni Avey. “Seriously, it wasn’t the gang who shot Hunter.”
BINABASA MO ANG
Almost Enough (Could Trilogy #2)
Romance(Could Trilogy #2) We are living proof of a love that is timed perfectly, arriving at just the right moment. So, I wasn't sure why I became his "almost" but not enough. Or was it the other way around? - Latisha Sevilla