ALMOST ENOUGH #24
Sharyn's POV
"You are making this a big deal, Latisha." Hunter shook his head, a bit hysterical as he handed me the milk box. "The results are not out yet."
"Why are you so negative now?" Tiningnan ko siya nang masama habang sinisiguro na tama ang sukat ng mga ingredients para sa cake na ginagawa ko.
I wanted it to be a surprise for him but he caught up on me. Ang hirap din naman kasing magtago ng sekreto kay Hunter, tapos ang daldal pa ni Kuya, kaya hinayaan ko na lang na tulungan niya ako. Matigas din naman kasi ang ulo niya.
"'Cause it's not out yet. Paano kapag hindi pala ako pumasa sa bar?"
Inirapan ko siya. "Hundriel, you're a bar bet. Hindi ka lang papasa. You will surely top the bar exam."
"I just don't want to disappoint you, and all of them." Bumuga siya ng hangin. "We'll never know."
"I know." I pinched his cheeks, cheering him up. "Kainin mo na lang kaya ang ginawa kong pineapple graham at makipaglaro kay Kuya ng billiard." Tinaboy ko siya. "Ako na ang bahala, please?"
"I'll eat the graham," pag-suko niya saka kinuha ito sa fridge. "But I'll stay here. Gusto mo ba na i-review kita para sa mga subjects mo?"
"Yes, that's better." Tumango ko. "Sa Criminal law na lang. Ang dami ko pang inaaral doon lalo na ang mga penalties."
"Sure. I'll get your things upstairs," paalam niya. Hinalikan muna niya ako bago umakyat sa kwarto ko. Sakto na dumating na rin si Yaya Belinda para tulungan ako.
"Ya, kailangan pa natin gumawa ng pineapple pie ha," paalala ko sa kaniya. "Thank you."
"O, sige. Ako na ang bahala sa iba. Darating na rin ang mommy mo mamaya at tutulong."
"Huh? Ang aga naman nilang uuwi. Akala ko ay next week pa."
"Gusto raw nilang salubungin ang results kasama si Hunter. Excited na nga rin sila," masayang sabi ni Yaya.
"Me too, Ya," sagot ko.
Pagbalik ni Hunter ay dala na niya ang mga libro ko kaya habang nagbabake kami ni Yaya ay tinulungan niya ako na mag-review. Buong araw na ganoon lang ang ginawa namin hanggang sa natapos na rin. May mga ihahanda pa bukas pero sabi nila mommy ay sila na lang ang bahala dahil gusto niya rin ipaghanda si Hunter.
Imbes na si Hunter ang excited ay ako talaga ang hindi makatulog. Dedma lang siya o siguro ay ayaw na rin niya munang isipin pa kaya ginagawa na lang niyang busy ang sarili niya sa ibang bagay gaya ng pagbuo ng Lego. Ayan, impluwensya ng frat buddy niya na si Sync.
Habang busy siya ay nagbabasa naman ako ng notes ko. Madalas na ganito lang kaming dalawa. Kapag busy na ako sa mga gusto kong gawin ay maghahanap na siya ng libangan niya. Gusto ko pa rin na may 'me time' kami kahit na lagi kaming magkasama o nasa iisang kwarto lang kami.
"Hmm..." Bumuga ako ng hangin pagkatapos mabasa ang message sa group chat namin.
"Yes, love? Something's wrong?" tanong niya saka itinigil ang ginagawa.
"Ah, wala. Medyo nainis lang ako."
"Kanino?" Tumayo siya at lumapit sa akin. Umusog ako para makaupo siya sa tabi ko ngunit ang ginawa niya ay binuhat ako kaya nakaupo na ako sa hita niya habang ang likod ko ang nakasandal sa dibdib niya saka ko pinakita sa kaniya ang text.
"Nag-away daw si Jhules at saka si Eve kaya ayon nasa condo ni Skater si Jhules, naglilinis." Pinakita ko sa kaniya ang picture ni Jhules. "Please, don't get jealous. I'm just worried about Jhules."
BINABASA MO ANG
Almost Enough (Could Trilogy #2)
Romance(Could Trilogy #2) We are living proof of a love that is timed perfectly, arriving at just the right moment. So, I wasn't sure why I became his "almost" but not enough. Or was it the other way around? - Latisha Sevilla