Almost #25

173 4 0
                                    

ALMOST ENOUGH #25

Sharyn's POV

I thought that making it public would finally make things better, allowing us to be ourselves even with so many people around—or at least, that's what I believed. Kaso parang hindi naman...

Parang mas naging malayo pa nga kami sa isa't-isa.

Or maybe it was just me, since I hadn't seen Hunter for half a year while he was undergoing military training to earn a higher rank. He also planned to undergo additional training with the Scout Ranger before eventually joining the military court as a lawyer.

Halos mag-iisang taon na rin na hindi kami madalas nagkikita at nag-ce-celebrate ng birthday ng isa't-isa dahil sobrang busy niya. Hindi rin kami makapag-usap nang nasa training siya, tapos ngayong nakalabas na siya ay ako naman ang abala sa mga kaso namin sa firm.

"Atty. Sharyn, wala na po tayong ink," sabi ni Martina, paralegal namin. "Hindi pa po naka-order."

"Maba-bankrupt na ba tayo?" ani ko.

"Well, not exactly," sagot niya. "Ayaw lang pong ipagamit ni Atty. Jhules ang sariling pera para bumili ng supplies, eh medyo hindi po yata maganda ang—"

I cut her off. "Yeah, never mind," sabi ko na lang dahil ayokong marinig na hindi maganda ang lagay ng firm namin lalo na't bago lang kami.

Akala ko nga ay may advantage dahil pareho kaming apat na galing sa kilalang pamilya ngunit syempre ano ba ang laban namin sa Sotto Law Firm? Lalo na't nakakainis talaga si Eve. Mas nakakainis na siya ngayon... ewan ko ba kay Jhules. Bakit si Eve pa?

I sighed. I didn't want to get it into me. Ang dami ko pang kailangang gawin. Tinext ko na lang si Aero na bumili ng ink. He was the one managing our finances. Nag-reply naman siya agad na pagkatapos na lang dahil nasa hearing pa siya. He was the one handling our annulment cases, so far, iyon ang bumubuhay sa firm namin.

Before dropping my phone, I checked if Hunter had seen my messages. Is he purposely ignoring me now? Hindi ko rin alam... kasi wala naman siyang sinasabi sa akin pero narinig ko nga kay Avey na busy rin daw si River, laging umaalis.

What are they doing this time?

Nakakainis... pakiramdam ko naiiwan na naman ako sa ere.

I had already thought about this—akala ko ay okay na eh, pero parang hindi pa rin talaga.

Huminga ako nang malalim. "You're just stressed, Sharyn," bulong ko sa sarili ko. "Don't let it get to you. Mahal ka ni Hunter."

Mahal na mahal ko rin siya. Miss na miss ko na nga eh—pero minsan sapat ba ang pagmamahal lang?

Inabala ko na lang ang sarili ko para hindi ko maisip si Hunter pero wala talagang segundo na hindi ko siya naiisip lalo't nag-aalala na naman ako sa kaniya.

Tinadtad ko siya ng mensahe. Yeah. I was starting to be a nagger again. Bahala siya na mainis dahil pinaghihintay niya ako...

"Shit," I cursed.

"Something's wrong?" Tumingala ako nang marinig ang katok at ang boses ni Jhules. He looks good in his blue suit. Mukhang katatapos lang ng hearing niya. "I won the case and I bought some peaches. You want to eat with me?"

"Peaches?" I muttered. "Yeah, sure." Tumayo ako at sumunod sa kaniya.

"Kumakain ka pa ba nito?" tanong niya habang nasa pantry kami.

"Huh? Yes. Why did you ask?" tanong ko sabay subo.

"Hindi na kasi kita nakikitang kumakain nito. Madalas pineapple na ang kinakain mo," ani niya.

Almost Enough (Could Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon