Sintunadong Pag-ibig V

3.3K 41 1
                                        

Kabanata 5: SI KUYA ADAM

Adam's point of view...

Susunduin kuna sana si Chris gamit ang aking motorbike sa kanyang paaralan, bigla akung pinatawag ng comamder namin dahil meron daw ipapagawa, kaya ayon nag text nalang ako kay Chris na matatagalan ako, binilisan ko ang pag-gawa sa pinagawa sa akin sa baraks, ihinanda kulang naman ang gagamitin naming baril at e audit ng ibang mga papeles para sa monthly meeting, kaya mabilis akong natapos.
Pagkatapus na pagkatapus ko ay nag text agad ako kung saan na si Chris dahil on the way na ako, nagreply naman siya na hindi na matutuloy, dahil may gagawin pala silang project ng mga kaklasi niya. Dumiritso nalang ako sa isang Mall para makipag kita sa mga kaibigan ko, pagdating ko doon ay pumunta kaagad ako sa lugar na itinuro ng kaibigan ko sa akin at nagkita na kami.
Nag ikot muna kami sa Mall at bumili ng mga kaunting damit, nakakita ako ng isang couple shirt na ang print ay key at ang isa naman ay lock., binili ko kaagad ito at dahil gusto kung ibigay kay Chris ang isang kaparis nito, ewan kuba, ngayon kulang napag tanto na parang may gusto na yata ako sa kanya. Hindi ko alam ang tawag nito, hindi naman ako bakla, basta ang akala ko kaibigan lang ang gusto kung mangyari dati, pero bakit ibang iba na ngayon. Ahh bahala na ika nga nila "follow your instinct " susundin ko nalang.
Nagyaya na sa akin na kumain ang kaibigan ko, naisipan naming kumain sa may Jones avenue, may masarap kasing kainan doon, umalis na kami hanggang marating namin ang isang kainan na may pangalang "SUTUKIL" (suba,tula,kilaw) mayroon din silang specialty, ang turtlesoup at crispy bakasi, ito yung inorder namin, masarap ang pagkaing ito, dahil itoy exotic food, at marami ang nagsasabi na ang turtle soup ay pampagana daw sa sex, ganito ba talaga ito ka ipiktibo? Siguro malay natin sa susunod na mang-yayari.
Nabusog kami ng husto ng kaibigan ko at nag disisyon ng umuwi.
Nakaangkas siyang sumakay sa motorbike ko at una ko siyang ihahatid sa kanilang bahay. Siguro ay nagtaka kayo kung sino ang kasama ko, basta malaman nyo kung sino siya sa buhay ko.
Paghatid ko sa kaibigan ko ay dumiritso na ako ng base, dumaan muna ako sa bahay nila Chris, nadatnan ko na nasa harap ng bahay nila ang isang matandang babae, kung hindi ako nagkakamali ito ay ang lola ni Chris.

Magandang gabi po, nadyan po ba di Chris? Ang una kung bungad sa matanda.

Gandang gabi din ijo, wala pa siya, hindi pa siya dumating.

Ahh ganon ba, may ibibigay lang po sana ako sa kanya, sabay kuha ng naka box..
Iniabot ko sa matandang babae, kinuha ito ng matanda at dumiritso naako papuntang baraks.

Chris point of view...

Habang papauwi kami ni kuya marlon sa base ay may bigla kaming nasalubong na nag motorsiklo, naka helmet ito at hindi makita ang mukha.. bigla kaming napahinto dahil muntik na kaming ma bunggo, buti nalang mabilis na nakapag prino si kuya Marlon, para yatang naghahamon pa ang nakamotor at nag init namanang ulo ni kuya Marlon. Babain na sana ni kuya ang tao dahil gusto niya itong komprontahin, hinarang at hinila ko kaagad si kuya at sinabihan na wag nalang. Umalis nalang ang lalaking naka motor.
Nasa harapan na kami ng aming bahay at nagpaalam na si kuya Marlon, bago kami nag hiwalay ay nagyakapan muna kami sabay halik sa labi na parang smack, kumalas na ako at pumasok na ng bahay.
Pag pasok ko ay nadatnan kupa sila lolo at lola sa sala, nagmano naman ako kaagad sa kanila.

Naghapunan kana ba apo? Tanung ni lola sa akin.

Opo tapus napo la..

May nag punta rito na lalaki kanina, hinahanap ka may e bibigay daw sayo, eto ohh, sabay kuha ng karton at inabot sa akin, kinuha ko naman iyon at sabay akyat sa taas patungo sa aking kwarto.
Pag pasok ko ay umupo muna ako sa gilid ng kama ko at binuksan ang kahon na bigay sa akin, napansin kung maganda ang pag kabalot nito, at may naka dikit pa na greeting card, kinuha ko iyon at binasa.

To: Chris
Thank you very much for being a friend.
Hope you like my gift to you...
From:Adam

Sintunadong pag-ibig..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon