Sintunadong Pag-ibig XIII

1.5K 22 0
                                    

Sintunadong pag-ibig...
by#phil

Kabanata 13; In Public

Chris points of view...

"Hinding hindi ako papatalo sa kanya... alam kuna kung bakit ganoon nalang ang galit niya sa akin" mga salitang romihistro sa isipan ko habang nanatili parin akong nakaupo sa sofa.
Ngunit natatakot ako kung anu ang maaring mangyari dahil hindi ko alam ang tinatakbo sa isip ni kuya Mario. Alam kung ma implowensya siyang tao dahil may pera siya kumpara sa akin na nag aaral palang. Kinuha ko ang cellphone at nag text kay kuya Marlon para ipaalam na hindi ako pumasok at nadito ako sa bahay dahil sumakit ang ulo ko kanina. Namimis kuna talaga si kuya Marlon at gusto ko na parating nasa tabi ko siya para malaman ko kung nasa mabuti siyang kalagayan, dahil narin po sa banta ni kuya Mario.
Nag reply naman kaagad si kuya Marlon na "okay" at mis na mis na niya ako, susunduin niya ako dahil mamaya ay may practice ang choir para sabay na kami.
Nakalimutan ko friday pala ngayon at ngayon ang schedule para sa practice namin.
Di nagtagal ay dumating na si lola kasama si lolo na naka camouflage pa.

"Abay Celia anung nangyari kay Chris, bat nandito na siya sa bahay??" Takang tanong ni lolo kay lola.

"Ewan ko sa apo mong yan Felix! Bat maaga yata ang uwi mo ngayon apo?" Bungad naman ni lola, ng sumonod siya sa pag pasok ni lolo sa bahay. Nakababaliw talaga tong si lola mag eewan tapus mag tanung.

"Masakit kasi kanina ulo ko Lo,La kaya pinauwi ako ng guro namin kanina para makapag pahinga!" Sagot ko naman sa kanila habang lumapit ako para mag mano.

"Bakit namamaga yang talukap ng mga mata mo? Para kang galing sa pag iyak?" Nagulat ako Sa sabi ni lola, buti nalang nakaisip agad ako ng dahilan.

"Masakit talaga la ehh, kaya naiyak ako" sagot ko naman na may halung kasinungalingan, alangan naman sabihin ko na pupunta rito si kuya Mario at kung ano ang pinag usapan namin

"Kung ganon epa check up mo na yan baka maging mindgrain na yan " pagsang ayon ni lolo sa akin sagot na may dala pa talagang abiso.

Tinungo ko ang kusina kung saan si lola naghanda na para sa haponan.

"La dito kakain si kuya Marlon, pwedi po ba?" Tanong ko kay lola.

"Bakit hindi eh manugang na namin yon at iyong kasintahan" aniya sa akin ni lola na parang nangungutya pa. Si lola talaga parang teenager lang kung maka react.

"Dito narin po siya matutulog la, dahil baka gabihin siya." Huling hirit ko kay lola, tumango lang si lola dahil abala na ito sa pagluluto. Pumasok na ako sa kwarto ko para mag bihis dahil maya maya ay darating na si kuya Marlon para sunduin ako.

Marlon's point of view...

Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag na para bang may masamang nangyayari na ewan kuba hindi ko talaga matukoy kung ano talaga ang nararamdaman ko
Naalala ko tuloy si Chris kayat hinahanap ko ang aking cellphone, kinapa ko ang aking bulsa ngunit wala talaga. Hinanap ko narin sa table ko ngunit wala parin. Kinakabahan ako talaga kailangan kung maka tawag sa labs ko pati narin sa bahay baka kung ano na ang nang yari kay mama.
Pabalik balik ako sa pag hahanap hanggang sa naalala ko na naiwanan ko pala sa sasakyan ang cellphone ko, kayat tinungo ko kung saan naka park ang sasakyan ko para kunin ang cellphone at pagdating ko ay tumawag kaagad ako kay ate Phoebe...

Nag ring na ang kabilang linya..

Start coversation.

Ate Phoebe: hello Mar....

Ako: ate kumusta anong balita kay Mama?

Ate Phoebe: stable na ang kanyang vital sign, pero hindi parin siya nagising..

Ako: ganon ba, sigi ate salamat! Balitaan mo nalang ako pag gising na si Mama...

Ngunit hindi kupa natapos ang pag papaalam ko sa kabilang linya ay may naalala akong itatanong.

Sintunadong pag-ibig..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon