Sintunadong Pag-ibig XVIII

1.4K 24 0
                                        

Sintundong pag-ibig
by #phil

Kabanata 18 The gift..

Exited na talaga akung umuwi kaya binilisan kuna ang pag maniho ng sasakyan.
Nag huhuming pa ako sa sasakyan dahil nadala ako sa kanta na piniplay ko sa playlist, maganda ang kanta at swak na swak talaga sa nararamdaman ko ngayon. Habang tinatahak ng sasakyan ang kahabaan ng Jose Fernan bridge o mas kilala na New Mactan bridge ay parang may isang may isang binatelyo tumawid at biglang natumba, siguro nga ay nawalan ng malay dahil malayo pa ang distansya ko mula sa kanya, siguro nasa 4-5 meter ang agwat namin. Buti nalang ay mabilis kung naapakan ang break ng sasakyan.
Ngunit para akung kinabahan na hindi mapakali sa nakita kung isang istudyante ang batang yon, dahil sa suot niyang school uniform.
Bumaba ako ng sasakyan upang malaman ang kalagayan niya. Paglapit ko sa kanya ay biglang napahinto ako dahil parang pamilyar sa akin ang batang ito. At dahil nakasubsub ang mukha niya sa simento at patalikod siyang nakadapa kayat hindi ko talaga makita ang mukha niya, hindi ako talaga sigurado kung tama ba ang iniisip ko, wag naman sana..
Kinapitan ko siya at inilihis ang mukha niya papunta sa akin, para akung nadaganan ng malalaking bato ng nakita at nakilala ko kung sino ang nakahandusay sa simento.

"Chris!!!!!!!!!..." pasigaw kung pagtawag sa pangalan niya.

"Chris, Chris gising anong nangyari sayo.. tulong... tulungan nyo ako..." nilingon ko ang paligid, nag sipag daanan lang ang mga sasakyan, parang hindi nila ako napansin.

"Chris wag kang mag-alala dadalhin kita sa hospital.." at dali dali ko siyang binuhat at kinarga sa aking mga balikat, mabilisan kung tinungo ang aking sasakyan, pinahiga ko siya sa passenger seat, at biglang nagmulat ang mga mata ni Chris.

"Kuya Marlon.." tiningnan ako ni Chris sa aking mga mata. Naawa ako sa sinapit niyang sakit.. napaluha ako..

"Kuya wag kang mag-alala maging okay din ang lahat.."

"Chris, wag kang matulog, kumapit kalang, dadalhin kita sa hospital.." balisa kung sabi sa kanya, ngumiti siya sa akin at humawak sa pisngi ko at bigla niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Wala na akung inaksaya na panahon, pumasok na ako sa sasakyan at pinaandar kuna ito. Nag-iisip ako ng pinakamalapit na hospital, ngunit wala talaga akung maisip na pikamalapit, ang tanging nasa isip kulang ay ang CHUNGUA HOSPITAL na nasa Jones Avenue, malapit sa Fuente circle . Alam kung magaling ang mga doctor doon kaya doon ko kaagad naisipan na dalhin si Chris.

Pagdating ko kaagad sa hospital ay sinalubong ako ng isang CPR Bed o Hospital bed ng mga nurse, basta hindi ko matukoy at nilapag ng dahan dahan si Chris, pumasok kami sa sa loob at hawak hawak pa ang kanyang kamay. Pag dating namin sa may Emergency Room ay hindi ako pinapasok ng nurse, bawal na daw, kaya napatigil nalang ako at minamasdan ang pagpasok kay Chris sa loob ng ER hanggang sa sinarado na ang pinto.
Nakita kung may malapit na upoan sa paligid at umupo ako doon para antayin ang pag labas ng doctor. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi walang ibang na maaring maktulong sa akin ngayon, wala akung contact sa mga kaibigan ni Chris, sa kanyang Lolo at Lola.

Para akung tanga dahil sa mga iniisip kung dapat gawin ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Unang lumabas mula sa ER ang nurse, akala ko kung ano na, kumuha lang pala ng basic information para pastiente, binigay ko kaagad ang information na hinihingi nila about kay Chris. Pagkatapus ay bumalik na ang nurse sa loob.

Kung kanina ay para lang akung tanga, ngayon ay mas naging tanga ako dahil sa pabalik balik kung lakad sa lobby ng ER, ngunit hindi kuna iniisip kung ano man ang sasabihin ng ibang tao sa akin, tanga na kung tanga ang importanti ngayon ay ang kalagayan ng taong mahal ko. Mayamaya ay nakita kung lumabas na ang doctor mula sa ER, lumapit kaagad ako sa kanya.

"Doc ano po ba ang kalagayan ng pasyenti.." tanung ko kaagad sa doctor na may halung pag-alala sa boses ko, luminga linga pa muna ang doctor bago siya sumagot.

Sintunadong pag-ibig..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon