Sintunadong Pag-ibig...
by: philKabanata 20 THE REVENGE..
Marlon's point of view...
Maaga akong umalis pagkagising ko, ay mali pala, halos hindi ako nakatulog sa kababantay kay Chris sa hospital, paidlip idlip lang naman.
Mga bandang alas 7:00 ay magkikita kami ni ate Phoebe, kailangan ko kasi ang tulong niya para sa pag-aayos ng mga papilis namin.Nandito na ako sa lugar kung saan kami magkikita ni ate Phoebe, sa jollibee Mandaue lang naman iksaktong alas 7:00 akung dumating kaya nag order nalang muna ako ng breakfast para sa aming dalawa ni ate. Habang nasa harapan ako ng counter ay may biglang yumakap sa akin mula sa likod.
" Marlon, kumusta kana, tagal ng hindi ka nag paparamdam yata.." bosis mula sa aking likuran at kilala ko kung sino ang may ari nito.
"Ate phoebe, kumusta kana.., mabuti naman ako.." ako at niyakap ko siya.. dagliang nawala ang iniisip ko sa mga nangyayari kay Chris, mabuti na nga ito para maka relax naman ang aking isipan..
"Ate ano ba gusto mo coffee, o hot choco.." pag-alok ko kay ate Phoebe dahil hindi pa ako nakapag order ng inomin para sa aming breakfast meal.
"Hot choco lang ang sa akin.."- si ate Phoebe at mayamaya ay inabot na sa amin ang aming order, sabay na kaming pumunta sa mesa, naka pwesto kami sa may harapan nang pintuan para makita namin kung sino man ang papasok.
"Marlon parang hindi kapa ata natutulog ahh, halatang puyat na puyat pa ang mukha mo.." tanung ni ate sa akin at kapansin pansin ang kanyang pag-alala..
"Nasa hospital kasi si Chris ngayon ate, kaya wala pa akung tulog sa kababantay sa kanya.." sagot ko kay ate Phoebe at patuloy parin ako sa pagkain.
"Ha!!!!! Si Chris nahospital, baka sinubrahan mo kaya hindi kinaya ng kanyang katawn, dahan dahan kalang kasi.." gulat na ani ni ate Phoebe sa akin at sa tuno ng kanyang pagsasalita ay may dalang pagka greenminded pa ata.
"Wala ate ikaw talaga, na hospital si Chris dahil na abduct siya at ginahasa, ginamitan at tinurukan pa nga ng drugs kaya ayon naka confined na siya.." paliwanag ko kay ate Phoebe.
"Talaga!! Ay naku pasensya na ha, akala ko kasi kung nag bibiro kalang Mar.."
"Kaya nga ate, nakipagkita ako sayo dahil gusto kung pakasalan si Chris.. "
"What!! Kasal!! Dito sa pinas, naku mahirap yan!! At anu uli pakasalan mo si Chris..!!! " gulat na namang tanung ni ate Phoebe sa akin.
"Opo ate, gusto kung pakasalan si Chris, kaya gusto kung makisuyo sa iyo kung pwedi na tulongan mo akung maglakad ng aming mga papelis, actually kay Chris lang talaga ang pinoproblima ko, at ito lang ang ipagagawa ko sayo dahil wala namang problima ang sa akin.." paliwanag ko kay ate phoebe..
"Okay walang problima yan sa akin, pero bago ang lahat ipapaalam kulang sayo na nakalabas na si Mama sa hospital, hinahanap ka niya.." -ate Phoebe.
"Talaga ate!, nakalimutan kuna pala na nahospital din si Mama, pasinsya na ha ng hindi ko siya nadalaw alam mo namang magkagalit kami ni kuya Mario.. "- ako
"Wag mung alalahanin yan Marlon naiintindihan ko naman yan, ang mahalaga alam muna na okay na si Mama at makakadalaw ka isa sa mga araw na ito, kahit sa anung paraan, akung bahala sa iyo, tutulongan kitang makadalaw kay Mama."- ate Phoebe na kumindat pa ang isang mata.
Pagkatapus namaning magkita ni ate Phoebe ay dumiritso muna ako sa apartment na tinutuloyan ko para mag bihis at mag linis ng katawan, simula pa kasi kagabi ay hindi pa ako nakapag palit ng damit, nangangamoy na ako. Pagdating ko ng bahay ay nagpahinga muna ako sandali sa sofa at nanood ng tv. Kahit pangit ang palabas ay pinag tsagaan kulang para makalimutan ko saglit ang mga nagyayari.
