Sintunadong pag-ibig...
by: #philKabanata 11 Surprisa
Marlon's point of view.
Habang busy-bisihan ako sa opisina ay biglang nag ring ang cellphone ko, iniaabot ko ito at tiningnan, pag open ko ng message ay nakita kung galing pala ito kay Chris, biglang nagbago ang mood ko parang biglang nawala ang pagod ko sa pag tatrabaho. Pagbasa ko ay nag papasundo siya sa akin at may miss you pa ang dulo ng kanyang text, kaya ayon exited na akong mag kita na kami..
Tapus na ang work ko at nag time out na ako, kayat dumiritso na ako sa parking lot, tinungo kuna ang sasakyan ko, pinaandar at tiningnan ko muna ang mukha ko sa rare mirror at nagpa cute ng ngiti "wait for me labs" at umusad na akong patungong UC.
Pag dating ko ng UC ay nakita ko kaagad si Chris sa labas ng gate at may kausap na lalaki na sa tingin ko ay isang varsity player dahil sa kanyang suot. Nag-iba kaagad ang timpla ng mood ko ewan kuba parang hindi ako comportable sa taong kinakausap ni Chris nag bosina nalang ako ng tatlong bisis para malaman ni Chris nandito na ako.
Napansin naman niya ito kaagad kaya nagpaalam na siya sa kausap niya at pumunta naman kaagad sa akin, nakasimangot akung pumasok siya sa loob ng sasakyan." nakasimangot ka yata kuya, may problima ba?" Bungad niya sa akin habang inaayos niya ang paglagay ng kanyang seatbelt.
"Wala masakit lang ang ulo ko!" Sagot ko naman at pinapatuloy ang pag mamaniho.
"Na miss kita!" Ani Chris sabay abot sa aking kaliwang kamay na nakahawak sa kambyada.
Ngumiti lang ako sa kanya at pakiramdam ko ay nawala ang simangot ko kanina.
Nakarating na kami sa lugar kung saan ang bahay nila, niyaya naman niya ako sa loob ng kanilang bahay, sumunod naman ako tanda ng respito sa kanya.
Pagpasok namin ay bumungad kaagad sa aking paningin ang lola ni Chris."Nandito ka pala brod Marlon, salamat sa paghatid mo sa apo ko, akala ko hindi siya dito uuwi," ani sa akin ni siter Celia, lomapit naman si Chris sa kanya at nag mano.
"Nagtext kasi siya na mag pasundo sa akin, hindi ko naman siya ma hindian ehh, ang sagot ko naman.
"Na miss kulang siya La kaya nagapsundo ako" dugtong naman sa amin ni chris.
" ohh sya, dito ba siya kakain apo? Para ma dagdagan ko ang luto natin." Tanung sa kanya ni sister Celia, at nag cross finger naman ako para pumayag si Chris na dito ako kakain, gusto ko talaga.
"Tapus na kami La, kumain na kami sa Mandaue sa may pocherohan kaya busog na kami" sabat ni Chris na ikinagulat ko, dahil bakit siya nag sisinungaling. Hinayaan kulang siya, at nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na ako sa apartment na tinutuloyan ko.
Hinatid nman ako ni Chris sa sasakyan ko at nag goodbye kiss sa kanyang noo, smak lang para hindi PDA kung may makakita sa amin.Chris point if view...
Ayan dahil nakita ako ni kuya Marlon na kausap si Mark sa labas ng gate kanina kaya nakasimangot ang mukha niya. Kailangan kupa tuloy pawiin ang selos niya, kahit hindi niya sasabihin at aminin sa akin na nagsiselos siya ay ramdam na ramdam ko yon.
Nagisip ako ng paraan paano ko siya surprisahin ngayon, buti nalang matinik ako sa mga ganito. Dumating na kami sa bahay at niyaya ko siyang pumasok muna, para mas pormal na makita ako ni lola na siya ang kasam ko, mabuti ng ganyan para hindi ako pag dudahan ni lola.
Nag alok na rin si lola na dito ba si kuya Marlon maghapunan at sumagot kaagad ako na tapus na kaming kumain kahit alam kung hindi pa kami naghapunan. Natawa ako sa reaksyon ng mukha ni kuya Marlon, halatang nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko, para na talaga akung tatawa kaya lang pinigilan ko.
Nagpaalam na si kuya Marlon sa amin ni lola na aalis na at hinatid kuna siya sa kanyang sasakyan, nag paalamna siya at nag smack sa aking noo, PDA lang at nakaalis na siya..
Bumalik kaagad ako ng bahay at ngumiti kay lola dahil may i susuyo ako sa kanya.