Sintunadong Pag-ibig IX

2.1K 21 0
                                    

Sintunadong pag-ibig...
by:#phil

Kabanata 9 Paglisan...

Chris point if view...

"MGA TAKSIL!!!!!!!!!!!!............" mga salitang nagpabalikwas sa aking pagtulog, "nagulat ako don ahh! Akala totoo na!!!..." hinabol ko ang aking hininga dahil sa panaginip na yon, nakita kung magkatabi kami ni kuya Adam natulog.
Tiningnan ko kaagad ang sarili ko, mabuti nalang may mga saplot pa ako! Napagtanto ko na panaginip lang pala ang lahat ng yon, isang masamang panaginip. Nagising si kuya Adam, bumuka ang kanyang mga mata, "Gising kana pala" sabay unat ni kuya adam ng kamay at tumayo na, habang ako naman ay pumunta na sa banyo para maghilamus, pagkatapus ko doon ay bumalik na ako sa kwarto at nakita kung nag iimpaki na si kuya Adam ng kanyang mga gamit at ganun narin ang ginawa ko.
"Lasing na lasing ka kagabi ahh" bungad ni kuya Adam sa akin habang tinutupi niya ang kanyang mga damit, "talaga kuya? Kaya pala masakit ang aking ulo ngayon, parang masarap uminon ng malamig na tubig" aniya ko sa kanya, habang papalabas na kami ng resort ay hindi na ako sumakay kay kuya adam dahil nag alala ako sa aking panaginip, para hindi mahalata ni kuya Adam ay nagdahilan nalang akong, baka hindi ako makakapit ng maayos dahil nahihilo na talaga ako. Sumang-ayon naman si kuya Adam kaya't hinintay niya nalang akong maka sakay ng taxi bago siya umalis. Alam kung late na ako ng klasi ko ngayon kaya napagdisisiyunan kung umabsent nalang, habang lulan ako ng taxi ay naalala kupa ang panaginip ko. "Diba kabaliktaran ang kahulugan ng panaginip, siguro babala na ito sa akin ngayon" nasabi ko nalang sa aking sarili. Dumating na ako ng bahay, dumaan lang ako sa kusina at hinahanap si lola para ipaalam na nandito na ako, at ang plano kung umabsent, nakita ko naman siya kaagad at dumiritso na ako sa kwarto ko.

Adam's point of view...
Naka balik na ako ng baraks, "napagod ako kagabi uhh..!!!" Gusto kung mag pahinga muna nang biglang ipinagpatawag ako ng comamder namin, agad naman akong pumunta sa opisina para malaman kung ano ang dahilan, pagdating ko doon ay dumiritso na ako sa loob ng opisina. Pagkakita ko sa comamder namin ay nag salute kaagad ako.
"Private Rosee may nagbago sa schedule mo ngayon, kailangan maka alis kana ngayong hapon dahil may emergency, nagkasakit at nag leave ang taong papalitan mo doon kayat hindi pa alam kung kailan ka maka babalik dito sa Cebu. Mag-impaki kana nakahanda na ang lahat na kailangan mo para mamayang hapon."
Nagulat ako sa utos ng aming comander ngunit kailangan kung tumogon dahil parti ito ng aking trabaho, naisipan kung puntahan si chris para makapag paalam na ako sa kanya. Gamit ang aking motor bike ay pumunta ako sa bahay nila Chris, gaya parin ng dati bigo parin ako dahil ang kanyang lola lang ang nadatnan ko at sinabi sa akin na nagpapahinga dahil pagod kagabi. Masama ang loob ko sa panahong ito dahil sa aking agarang pag alis. Naisipan kung gumawa nalang ng sulat para sa ganitong paraan makapag paalam ako kay Chris.

Marlo's point of view...

Nanibago ako sa buhay ko ngayon, siguro hindi pa ako sanay na mag-iisa. Ngayon lamang kasi ako bumukod, ganito pala ang magiging indipindent sa buhay.
Lahat kailangan mong pagtrabahuan, ikaw ang gagawa ng iyong pag kain para lang makakain ka, ikaw ang malalaba para may gagamitin ka, basta lahat na. Ngunit ramdam kong maging masaya ako at sa wakas malaya na ako para ipadama kay Chris ang pagmamahal ko sa kanya. Ngunit sa kabilang banda ay nalulungkot ako dahil nawala yung pamilya ko.
Huminga ako ng malalim at sinimulan ang pagawa ng mga paperworks ko dito sa opisina.
Natigilan ako sa paggawa ko ng may naalala ako, "tama sa labas ako mamaya maghapunan, e dedate ko narin si Chris para malaman niya na bumukod na ako at sa ganon malaman narin niya kung saan ako nakatira" biglang naisip ko at nag text agad ako kay Chris.
Mga bandang hapon na ay may na received akung reply mula kay Chris at okay daw walang problima magkita nalang kami sa isang mall na malapit sa pinag tatrabahuan ko, exited ako sa date namin ngayon at siguradong mawawala ang kalungkutan ko nito.
Pagkatapus ng opisina ko ay dumiritso na ako sa mall kung saan kami magkikita ni Chris at maaga akong dumating dahil 30 minutes lang naman ang byahe papunta rito.
Napag disisyonan ko mag libot libot muna sa mall habang wala pa si Chris, habang nag lilibot ako ay may nahagip ako ng tingin, nakita ko ang asawa ng kapatid kung si kuya Mario, kasama niya ang dalawa nitong anak na malapit sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko, buti nalang lumihis sila ng daan.
Mayamaya ay nag text na sa akin si Chris na nandito na siya sa mall, pinuntahan ko siya kaagad kung saan siya naroon. Nakita ko siyang nakatayo malapit sa isang bench, pinuntahan ko siya kaagad ngumiti ako sa kanya tanda ng nagagalak akung makasama siya. Ganon din ang ginawa niya sa akin, kumain kami sa isang sikat na kainan at umupo sa pang dalawahang mesa, habang masaya kami sa pag uusap ay may biglang may mga batang nasipag takbuhan sa amin na sinisigaw pa ang pangalan ko....

Sintunadong pag-ibig..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon