Sintunadong pag-ibig...
By: #phil
Kabanata 7 THE PAIN...
Adam's point of view..
Nanatiling magkayakap at naghalikan kami ni Chris sa mga sandaling ito, nagbibigay ito ng mapusok at masayang damdamin, ang saya ko ngayon. Naibsan ang sakit na naramdaman ko sa nasaksihan kanina sa kasal.
Maya-maya pa ay kumalas na kami sa isat isa, tinungo na ang kanilang bahay, kailangan kung sulitin ang mga araw na ito dahil may internnship ako sa manila.
Masaya akong hinawakan ang kamay ni Chris hanggang nasa tapat na kami ng kanilang bahay, nagpa-alam na kami sa isat isa at nag smack lang ako sa kanyang noo. Pumasok na siya sa kanila at ako naman ay dumiritso na sa baraks kung saan ako tumutuloy.Marlon's point of view...
Pagkabasa ng pakabasa ko ng message sa aking cellphone ay lag-lag balikat akung pumunta kay Chris, parang kinakabahan ako, hindi ako mapakali. Kailangan kuna talagang umalis. Nagpaalam ako kay Chris at sa grupo dahil nasa hospital ang mama.
Naiintindihan naman nila lalong lalo na ang labs ko kaya umalis na ako.
Ano ba tong nangyari sa akin, kanina ang sayasaya ko dahil kasama ko si Chris, ngayon bigla nalang bumaliktad ang nararamdaman ko, ang lungkot lungkot kuna ngayon.
Dalidali kung pinaandar ang sasakyan at tinungo ang Mactan Doctors Hospital.
Pagdating ko doon ay tinungo ko kaagad ang information para itanung kung saan ang room ni mama. Nang makita kung dumaan si ate Phoebe tinawag ko siya at nilapitan, halatang galing sa iyak si ate dahil sa pamamaga ng kanyang mga talukap sa mga mata, sinabi niya kaagad kung nasaan si mama, napag alaman kung nasa ER. Pinuntahan ko kaagad ang ER at nakita ko na nandoon na rin ang aking kapatid na lalaki si kuya Mario, habang papalapit ako ay nakita kung naka kuom ang kanyang kamay ng biglang PPPLLLLLLLAAAAAAAKKKKKK....
Nakadama ako ng napakasakit na kamao na dumapo sa aking pisngi dahilan sa ako ay matumba. Pag-angat ko nang tingin ay nakita ko kaagad ang mga matang nanlilisik sa galit na galit kung kuya.
Walang hiya ka....
May mukha kapang ipapakita sa akin..
Matapus mong ipahiya ang pamilya natin..Natigilan ako sa aking narinig, hindi ko lubos maisip kung anong kasalanan ang aking nagawa.
"Simula ngayon ayaw kunang makita na pumupunta ka dito sa hospital," galit na galit na sumbat sa akin ni kuya Mario.
Bigla naman akong inalalayan patayo ni ate Phoebe, " umalis kana lang muna Mar, galit na galit pa si kuya Mario, hintayin muna nating humupa ang galit niya".. usad ni ate Phoebe sa akin..
"Ano ba ang nagawa kung kasalanan ate bakit galit na galit yang si kuya sa akin" tanong ko naman kay ate ko."Nakita ka kasi ng kumari ni mama na may binibigyan ng bracelet sa kasal kanina, napagtanto nitong ikaw ay may karelasyon na lalaki kaya ayon sinabi kay mama, alam mo naman kung ano ang gusto niya diba, kahit alam kung ganyan ka hindi ko parin maiwasan itago kay mama, kinumprunta niya ako At ayaw ko naman mag sinungalin, kaya ayon biglang sumikip ang kanyang dibdib at biglang nawalan ng malay" ang salaysay ni ate phoebe sa akin.
Napaiyak nalang akong tinungo ang aking sasakyan, kaialangan kung makausap ang aking mama, hindi ako dumiritso ng bahay tinawagan ko si Chris kung gising pa siya dahil gusto kung may kausap, dahil alam kung siya lang ang makakatulong sa akin.
Ring lang ng ring ang kanyang cellphone tiningnan ko ang relo ko at nakita kung alas onse na palag ng gabi,"siguro tulog na siya" ang nasabi ko sa isip ko.
Kaya naghanap nalang ako ng isang bar para uminom, pagdating ko sa isang bar nag order kaagad ako ng isang bucket ng Red horse, tinawagan ko rin ang aking mga kaibigan para may kasama ako sa aking pag inum. Hindi naman ako nabigo, dumating kaagad si Edgar at Juden, mga kaibigan ko sila noong highschool, naginuman kami hanggang nalasing..KINABUKASAN............
Adam's point of view...
Maaga akong gumising dahil naging routine kuna ang mag pa pawis kaya naisipan kung dumaan ulit sa kanila ni Chris baka sakali gising narin siya. Pagdating ko sa kanila ay bigo na naman ako.
Dumiritso nalang ako sa plasa at para doon na rin mag buhat ng equipments. Nagpakisig talaga ako ng husto dahil may plano akong ihatid sa paaralan si Chris, ilang sandali pa ay natapus narin akong magpapawis at dumiritso na ako sa baraks. Kaialangan ko talagang gawin ito ngayon dahil malapit na akung umalis, kailangan kulang talaga mag paalam ng maayos sa kanya.
Mga pasado alas nueve na nang maka-alis ako ng baraks, gamit ko parin ang aking motorbike.
Nandito lang ako naka tambay sa gate 1, wala kasi akung duty ngayon. Di nag tagal ay nakita kunang papalapit si Chris ng gate, nagwave kaagad ako ng kamay para ako ay kanyang mapansin. Nakita naman niya ako agad at ngumiti ng pilit, halata sa kanyang mga mata ang lungkot. " maynangyari ba?" Tanung ko naman sa kanya.
