Sintunadong Pag-ibig IV

4.4K 45 2
                                    

SINTUNADONG PAG-IBIG...

Kabanata 4: SI KUYA MARLON

Marlon's point of view...

Hindi na ako pumasok ng opisina ngayon dahil gusto kung paghanda-an mamaya ang date namin ng labs ko, kailangang mas pogi ako at mas nakabibighani sa una palang na makita ako ni Chris..
Napag isipan kung mag papawis, kaya't umalis ako patungong Gym para ganado ako mamaya.
Exited na ako, ano kaya ang dapat kung gawin?, napag isipan kung kumain muna kami sa labas, at pagkatapus ay dalhin ko siya sa site, kung saan nag tatrabaho si ate phoebe, para doon ay pormal kung mahingi ang matamis niyang OO..

Chris point of view

Sumakit ang aking ulo sa pag iisip kung tama ba ang disisyon kung ito, pumasok kasi sa isip ko na gusto ko silang pagsabayin,
Ano ba tung pumasok sa isip ko, instead na mag focus ako sa exam ko ngayon sa accounting ay iba-iba yung pumasok na idiya sa kukuti ko..
Bahala na si Batman mag decide nito ....
Tama, kailangan ko ng sign para malaman ko kung sino ang ka date ko mamaya..
Kung sino ang maagang dumating ngayon sa kanya ako sasama mamaya..
Natapus din ang agahan kung klasi, pumunta na sana ako ng canteen para mag lunch ay biglang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko dito ay numeru lang, at halatang hindi naka rehistro sa phone ko.
Sino naman kaya ito? Ang tanong ko lamang sa aking sarili,dalidali kung binasa ang laman at nagulat ako dahil ang nag text ngayon sa akin ay si kuya Adam..
Aba mukhang si kuya Adam ang unang susundo sa akin ahh, nasabi kung nakangiti pa.
Okay naman si kuya Adam para sa akin, gwapo siya, sweet, at higit sa lahat alam kung safe ako sa kanya, yung tipong tall, dark and handsome, kaso bago lang kami nag kakilala ni kuya Adam , naka simangot lang ako.
Lord kung siya man ang napili nyo sa akin sana maging okay ang lahat, mga litaniya ko habang pumasok ako ng canteen para mag lunch..
Sa wakas dumating narin ang hapon at dalawang subject nalang sa klasi ko ang natira, exited na ako dahil alam kung si kuya Adam ang mauna sa kanila ni kuya Marlon, maya-maya pa ay natapus rin ang aking klasi,patungo na sana ako ng gate ng school ng may biglang nag text sa akin, text message from kuya Adam.

Chris pasinya kana dahil may ipinagawa sa akin sa baraks, maari mo ba akong hintayin, mga 30 minutes, kailangan kulang talagang tapusin ito. Sanay maunawaan mo. Ingat ka diyan...

Mga mensahe na nabasa ko mula kay kuya Adam, okay lang sa akin dahil hindi naman ako nag mamadali...
Nakarating na ako sa gate ng school na may biglang pumarada sa harapan ko na sasakyan, isang Honda Accord, bumukas ang bintana nito, nakita kung si kuya Marlon pala, tama kayo si kuya Marlon nga, ibig sabihin siya ang makakdate ko ngayon, ngumiti siya sa akin at ang ganda ng kanyang looks ngayon, mas lalo pasiyang gumwapo dahil sa kanyang gupit na crewcut,
Halikana pasok na! Sabay tawag sa akin ni kuya Marlon, pumasok ako kaagad sa sasakyan at nag sabi na.
Ang gwapo natin ngayon kuya uhh, nakakainlove naman.
Ngumiti siya at nagsalita din, para ito sa taong mahal ko, para mas lalo pa siyang mahulog sa akin, sabay kindat sa akin..
Bigla nalang akung nakaramdam ng pag-init ng pisngi, at napansin kung tumonog ang cellphone ko,

Chris papunta na ako diyan,on the way na ako..

Patay si kuya Adam nakalimutan ko, nag reply ako kaagad...

Kuya Adam pasinsya na po hindi na kita hinintay may group project pala ako ngayon, kailangan naming matapus dahil bukas na ito e submit..SEND

ahh sigi ganon ba sa susunod nalang, Emticons sadface, reply ni kuya Adam

Sino yang ka text mo? Biglang tanung ni kuya Marlon sa akin.
Ahh wala kuya classmate ko po, ang naisagot ko nalang dahil alam kung ma badtrip ang isang ito pag nalaman niya na si kuya Adam.

Kuya saan tayo pupunta? Tanung ko sa kanya habang minamasdan ko ang daan na papunta kami ng Jones avenue.

Kakain muna tayo may alam akung bagong kainan dito, mayamaya pa ay bigla kaming napahinto sa tapat ng restuarant na may nakasulat na "SUTUKIL" sugba, tula, kilaw.
Alam ko na alam nyo ang kainang ito..

Sintunadong pag-ibig..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon