Sintunadong pag-ibig..
Kabanata 19 Ang Pagbabalik...
Marlon's point of view.."Felix, Brod Marlon, nagkamalay na si Chris.. " masayang ibinabalita sa amin ni Sister Celia, na halata ang kagalakan sa kanyang mukha, nasiyahan ako sa magandang balita na dala ni sister Celia, kaya tumayo kami at mabilisang tinungo ang silid ni chris. Talagang masayang masaya ako, exited na akong yakaping muli ang mahal ko.
pagdating namin sa room ay nakita ko kaagad na inaalalayan siya ng isang nurse, pagkatapus sa mga ginagawang pag check ng nurse sa kanya ay umalis kaagad ito at lumapit kaagad kami sa kanya,
Sabik na sabik akong masilayan ang gising na mukha niya. Ma drama ang tagpo ng mag Lola, niyakap kaagad ni sister Celia si Chris habang nakatayo lang si brod Felix at tinapika ang balikat ni Chris, napaluha ako habang pinagmasdan silang tatlo.
Pagkatapus ng kanilang tagpo ay lumingon sa aking diriksyon si Chris, tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at para bang nangungusap at nag susumamo na lapitan ko at yakapin ko siya ng buang higpit.
Mabagal ang takbo ng mga oras na iyon, ramdam na ramdam ko ang aking bawat hakbang na animoy nag slowmove ang lahat, lumapit ako sa kanya at naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Chris at yumakap din ako ng subrang higpit, higpit na parang ayaw kuna siyang mawala pa sa akin, ayaw kunang mawala siya sa paningin ko.
Nakapatung ang aking mukha sa kanyang balikat, nagsumula ng umagos ang luha sa aking mga mata."Patawarin mo ako mahal ko, hindi kita napag tanggol sa kanila, patawad.." -pahikbi kung sabi kay Chris, naguilty talaga ako sa mga nangyayari sa kanya dahil kung hindi lang sana ako naging pabaya kaninang umaga sana masaya kaming magkasama ngayon.
"Wala kang kasalan brod Marlon, wag mong sisihin ang sarili mo, walang sino man sa atin na ginusto ang mga pangyayaring ito.." aniya ni brod Felix sa akin at hinimas himas ang aking likod para pakalmahin ako. Mas lalo pang yumakap si Chris sa akin at patuloy ang kanyang pagluha, nagyakapan kami hanggang nahimasmasan siya. At nag simula ng magsalita si Chris sa mga nangyayari sa kaya. Idinitalye ni Chris sa amin ang pagpunta nila ng Mall, ang pag lowbatt ng kanyang cellphone kayat hindi ko siya ma contact, ang pagbili niya ng regalo para sa akin, ang pagdukot sa kanya. Hindi raw niya alam kung saan siya dinala, at ang pagtusok sa kanya ng pampalibog na druga sa kanya kaya siya nahalay ng ganon.
Naawa talaga ako sa mahal ko habang sinasalaysay niya ang kanyang pinag-daanan. Hinawakan nya ang aking mga kamay at tumingin siya sa aking mga mata."Kuya matatanggap mo paba ako.." tanung sa akin ni Chris, napaka simpling tanung niya sa akin subalit naramdaman ko ang pagiging siryoso nito.
"Anu bang tanung yan Labs? Hindi mo kailangang itanung sa akin kung matatanggap kita!! Mahal na mahal kita, at kaya kung tanggapin kung sino ka.." mahaba kung paliwanag sa kanya para aluhin ang nararamdaman nyang sakit at pag dududa.
"Nahihiya talaga ako sayo kuya ehh, parang hindi na ako karapatdapat sa pagmamahal mo, dahil sa mga nakaraan ko.." paliwanag sa akin ni Chris at nagsimula na namang mangingiligid ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. Inangat kung muli ang kanyang mukha gamit ang aking mga kamay at tinitingnan muli ang kanyang mga mata.
"Chris, ito ang tandaan mo, kahit anung klasing tao ka, anung meron ka, mamahalin at mamahalin kita ng wagas, hindi mahalaga sa akin kung ano ang nakaraan mo ang mahalaga ay ngayon, ngayon na magkasama tayo.." mahabang salysay ko sa kanya para maintindihan niya kung gaano ko siya ka mahal.
"Salamat kuya.." yumakap uli siya sa akin at sa puntong ito ay ramdam kung nawala na ang lungkot sa kanyang damdamin. Tumingin ako sa relo ko at nakita kung alas tres pa pala ng madaling araw. Kumalas na ako sa kanya, hinawakan ko ang mukha niya ng dalwang kamay ko at inilapat ko ang aking noo sa kanyang noo..
"Magpahinga ka muna Labs, alas tres palang ng madaling araw, para manunbalik ang nawala mung lakas.." paguotos ko sa kanya at hinalikan ko ang kanyang noo. Iginiya ko siya pabalik ng higa sa kama at kinumutan.
