Sintunadong pag-ibig..
Kabanata 16: Abduction part 1
Chris points of view...
Naging maganda ang pagsasama namin ni kuya Marlon bilang mag partner, palagi niya ako sinusurprisa at alam nyang gustong gusto ko naman. Meron ding mga panahon ng may tampuhan kami, at lalong lalo na pag nalaman niyang patuloy parin ako sa pagtanggap ng mga sulat mula kay Mark.
"Ano naman yan! yan na ngaba ang sinasabi ko, bakit may sulat kana namang dala?" tanong ni Kuya Marlon sa akin ng mahulog mula sa pag kakaipit sa aking notebook ang isang sulat.
"Oo nga kuya eh, ewan kuba sa kanya, kung tatanungin mo kung kanino galing ang mga to, wala ka namang makuhang sagot
ula sa kanya," -ako, at ipinakita sa kanya ang sulat, hindi kasi ako nag tatago ng lihim sa kay kuya Marlon mula na naging kami."aahhh basta ayaw kunang makita o malaman na patuloy ka parin sa pag tanggap ng mga sulat na yan mula kay Mark." sabi ni kuya Marlon habang nasa loob kami ng sasakyan.
Napansin kung nag kunot noo siya kaya napag alaman ko kaagad na nag seselos si kuya Marlon."Nagseselos ka ano.... oii... nag seselos, hayaan mo hinding hindi ako mawawwala sayo." pakutya ko sa kanya at ngumiti naman si kuya Marlon. ewan kuba parang bata pag nag tatampo tong labs ko, wich is gustong gusto naman dahil ang cute nyang pag masdan.
Di nagtagal ay nandito na kami sa tapat ng UC, Bumaba na ako at nag goodbye smack, at umosad na ako patungo sa loob ng school. Si Kuya Marlon naman ay dumiritso na sa kanyang tinatrabahuan.
Habang naglalakad ako papunta sa Room ng aking first subject ay may biglang humarang sa akin. Pag angat ko ng tingin ay nakita ko kaagad si Mark."Hay naku talaga bakit ba kung sino pa ang gusto mong layuan siya pa ang lumapit sayo" nasabi ko nalang sa isipan ko.
"Chris good morning"- si Mark, at ngumiti pa sa akin, talagang taong to napakamisteryuso, kung saan saan lang kasi sumosulpot,humarap ako sa kanya.
"Mark ano ba hindi kaba titigil sa mga pinag gagawa mo !! kung ayaw mo talagang sabihin kung kanino galing ang mga sulat nayan hindi na kita papansinin." sabi ko sa kanya dahil nairita na talaga ako sa mga ipinag gagawa niya sa akin.
"Pag pasinsyahan muna Chris napag utusan lang, basahin muna kasi ang mga sulat na ibinigay ko sayo para malaman mo kung kanino galing"- si Mark."Susunugin ko nalang kaya, baka may kung ano payon pag binuksan ko edi tigok ako." kinabahan ako sa aking iniisip. Tumawa lang si Mark.
"Promise masusurpresa ka kung sino ang nag padala sayo ng mga sulat." sabi ni Mark sa akin at biglang nag bell na hudyat na mag simula na ang klasi. Pumunta kaagad ako sa room kung saan ang first subject ko. Pag pasok ko sa loob ay nakita ko kaagad si Christine at Ebony na nag uusap, lumapit ako sa kanila at napansin naman nila ako.
Papasok naman ang Prof namin kaya nagsitahimik naman ang lahat."Class we have a gruop activity and every each of you should look your own partner" panimula ni Sir sa amin at nag simula na kaming maghanap ng kapartner namin, nakalimutan ko pala na hindi kuna kailangan na maghanap dahil nandyan naman sila Christine, Ebony at Josie, so kami nalang ang mag partner. Makasama sina Christine at Ebony at kami naman ni Josie.
"So you have with your partner already, and now class for your activity, you should go out ang ask the community about the major problem of our sociaty, the cause and effect"- si Sir,
Ohh my! ano naman ang nakain ng prof naming ito pero okay narin dahil makapag lakwatsa kami ngayon hahaha, (sama ko)"Class wag kayong mag alala, nakausap kuna ang inyong susunod na mga prof about this activity at okay sa kanila at excuse kayo ngayon." pahabol pa sa amin ni Sir bago siya lumabas sa room.
