Sintunadong Pag-ibig XIV

1.4K 20 0
                                        

Kabanata 14 Flashback part 1

Mario's point of view...

Nilagok ko ang huling baso ng brandy samantalang nakasipit sa aking daliri ang sigarilyo.
"Sigi magsaya kayo, dahil hindi magtatagal ay magkahiwalay din kayo"

---15 years before---
"Kuya tara na maligo na tayo" masayang pagyaya sa akin ni Marlon sa Kawasan falls na makikita sa south area of Cebu. Kung nagtaka kayo kung bakit kami nandito ngayon ay dahil summer na at kakatapus lang ng klasi. may mga relatives kasi kami dito sa ang father side kaya every bakasyon ay dito kami pumupunta. Syempre kasama namin dito sila mama at papa pati narin si Phoebe.

Sumunod na akong tumalon kay Marlon na masayang lumalangoy.
"Ayan na ako humanda ka huhulihin kita." Masaya kaming naghabulan hanggang sa napagod kami, hapung hapu kami sa aming habulan habang nakasampa kami sa ibabaw ng balsa. Humiga ng patihaya si Marlon na naka unan ang kanyang mga kamay sa kanyang ulo, habang ako ay naka upo lang sa tabi niya.

" Kuya ang saya ano, ang saya natin! sana araw araw palaging ganito ang takbo ng buhay natin sa bahay, sana hindi na palaging mag aaway sila mama at papa"--si Marlon, habang napabuntong hininga ako sa sinasabi niya.

Hayaan mulang sila Mar, nandito naman si kuya at si ate phoebe na mag-aalaga sa iyo, so wala kang dapat ipangamba" mahina kung tugong sa kanya.

"Kaya nga Kuya napakasaya ko na nandito ka palagi sa tabi ko, ikaw yata ang the best na kuya ang nakilala ko."--si Marlon

"Susss... binubilula mo naman ako ehh, pakurot nga!!! sabay kurot ko sa kanyang pisngi

"Labyo kuya...."
natulala ako sa pagbigkas ni Marlon sa mga katagang yon, parang may kung anong bagay na nagpapaligaya sa aking kaluob-luoban.Siguro ang pagmamahal lang sa kapatid na lalaki ang naramdaman ko, kasi matagal kunang gustong magkaroon ng kapatid na lalaki kaso babae ang sumunod sa akin at yan si Phoebe. Kaya nangarap talaga ako na magkaroon ng kapaitid na lalaki.

"Kuya Mario, Marlon kain na!!!!!!!!!!!" narinig naming sigaw na pag tawag ni phoebe sa amin na noon ay nasa cottage na kasama sina Mama at Papa.

"Kain na raw!!" patapik kung sabi kay Marlon dahil nakapikit ito na nakahiga sa balsa.
Dumilat siya at ako ay nakalusob na sa tubig para lumangoy patungo sa cottage. habang lumalangoy ako patungong cattage ay hindi ko akalaing hindi pala nakasunod sa akin si Marlon. Nilingon ko siya para malaman ang dahilan ng bigla kung nakitangnahihirapn siyang lumangoy.

"may batang nalolonod... may nalolonod.." narinig kung may sumisigaw na tao at ako naman ay lumangoy pabalik, kinakabahan ako sa aking nasaksihan hanggang sa hindi kuna naabutan si Marlon, tuluyan na siyang lumubog sa tubig. Sinisid ko siya ngunit sa malakas ang current ng tubig kaya nahirapan ako. Hanggang sa kasisid ko ay nakita ko siya hinawakan ko ang kanyang kamay upang hilain siya pataas. Ngunit sa kaba ko kanina ay hindi ako nakakuha ng sapat na hangin kaya habang hinihila ko siya sa ilalimng tubig kaya ay naka ramdam ako ng paninikip sa dibdib.

"Kaya ko to, kaya ko to" mga salitang nasabi ko sa isipan ngunit unti unting dumilim ang paligid. Pero sa pag kakaalam ko hinawakan ko ang kamay ni Marlon kahit unti unting nawala ang aking ulirat.
Nagising ako sa isang kwarto at alam ko kung saan ako, ngunit hindi parin ako makapaniwala sa nangyari sa aking nakita bago ako nawalan ng malay. Nagpalingalinga ako ng ulo upang hanapin kung saan si Marlon. Maya maya ay biglang nagbukas ng pinto at iniluwa nito si Phoebe.

"Phoebe nasaan si Marlon?" tanung ko kaagad sa kanya na halatang nagulat dahil hindi siguro inaasahan na gising na ako.

"Ahhh.... ehhhh Kuya gising kana pala, hindi parin gising si Marlon nasa ICU pa" malungkot na sabi ni phoebe sa akin.

Sintunadong pag-ibig..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon