V. Disciplinary Action

26.3K 579 250
                                    

TITLE: Disciplinary Action
GENRE: Fluff (Bernardo-Ford kids involved. Yay!)

Danilo asked a question...

**********

'Nanay, what's disgrasyada?' The 7-year old boy asked his mom as they sat in front of the TV after their dinner.

'San mo narinig 'yan?' Kathryn asked quite alarmed, hoping that their eldest heard it from the afternoon TV soaps their helpers are watching during their idle time.

'I heard it from JunMar's yaya kanina. She said that you're a disgrasyada. I know what babaero means but I don't know disgrasyada.'

'Babaero?'

'She said Tatay is a babaero. But of course I said it's not true. Tatay's only girl is you. And ChanChan.'

Kathryn smiled amidst the initial panic which she felt upon the bringing up of the issue.

'Tapos na kaming maghugas ng mga plato!' DJ jovially said as he came out of the kitchen, their second and third kid in both of his arms.

Hagikgik lamang ng hagikgik si Chandri habang papalapit sila sa kinaroroonan ng kanyang ina at ng kanyang kuya.

'Know what Nanay, let's just forget it. I know, it's bad. Hindi ko na lang papansinin yung yaya ni JunMar.'

'Anong bad 'yan?' Tanong naman ni Daniel as he, Chandri and DJ Liit settled beside them.

'Bad? Joker is bad.' Sabi ni DJ Liit na 'tila namana yata kay Daniel ang pagkahilig sa Justice League. 'Mr. Penguin is bad too. And Riddler.'

'Away ka nila school, Kuya? Punta ako bukas dun, away ko din sila.' Bibong bibo naman ang magtatatlong taon na si Chandri na nagpatawa sa buong pamilya.

********

Ipinagtataka pa rin ni DJ ang pagiging tahimik ni Kathryn matapos nitong mapatulog ang mga bata. Himbing na himbing na si Chandri sa kanilang higaan habang nakatabi dito si Kathryn at pinagmamasdan ito.

'Ano bang sinabi ni Danilo kanina?' Mabait na tanong ni DJ sa asawa. Lumapit sya kay Kathryn at naupo ito sa sahig saka hinagap ang kamay nito.

'Danilo asked me what disgrasyada means.' Malungkot na sagot nito.

'San naman nya narinig 'yon? Sinabi na kay Malen na wag manonood ng mga teleserye pag andyan ang mg---...'

'He heard it from JunMar's yaya.'

'Ang pangit naman ng pangalan nung bata. Pft.. JunMar.' DJ snorted.

'DJ.'

'E ano ba naman kung narinig yon ni Danilo dun sa yaya nung bata?'

'Ako daw kasi yung disgrasyada.'

DJ's facial expression changed instantly upon hearing it. For never in his entire life would he think that someone will call his wife such.

'Chismosa yung yaya. Sure na.' He said, trying to lighten up her mood.

Bumuntong hininga na lamang si Kathryn.

'Halika nga dito.' Marahang hinila ni DJ si Kathryn pababa sa sahig at iniupo ito sa kandungan nya. 'Hindi naman yun totoo diba?' Malambing na sabi ni Daniel. 'Ibang iba ang ibig sabihin ng salitang yon sa kung ano mang nangyari noon. Hindi kita iniwanan. Pinakasalan kita. At pinakasalan kita kasi mahal kita.'

'Wala naman yun sa akin kahit anong itawag sa akin e. Ang ikinatatakot ko lang, baka kung anong maging epekto kay Danilo.'

'Ako na lang ang kakausap kay Danilo bukas. Sanay na sanay ako sa mga ganyan nung bata pa ako.' Ngumiti ito at hinalikan ang balikat ni Kathryn. 'Matulog na tayo ha?'

Team Bernardo- FordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon