TITLE: Medyo SPG (Part 2)
GENRE: Ano pa nga ba?! Medyo Fluff din naman. 😅
More questions. More answers. More fun.*********
The three Ford kids were playing with their parents on the stage as Vice chatted with the director about the flow of the interview.
'Wag mo masyadong laswaan ang mga tanong Vice! Baka wala ka na nyang maipalabas kasi lahat na-cut na!'
Dinig ng mag-asawa na litanya ng direktor.
'Sorry direk! Nag-eenjoy ako e!' Bungisngis naman ng TV host.
'Magtanong ka naman ng wholesome. Yung tungkol sa mga bata. Sundot- sundutan mo lang ng kahalayan ng konti. Yung di mawiwindang ang mga bagets.' Dagdag ng direktor.
'Nanay, I want that indigo colored slushy thing from Starbucks.' Maya maya ay narinig nilang ungot ng ikalawa nilang anak.
'Me rin.' Chandri who was sitting on Vice's lap raised a hand.
'Tay, narinig mo?' Bulong ni Kath kay DJ. 'Abutan mo na.'
'Ano pa nga ba?' He scoffed as he fished for his wallet. 'Danilo,' Tawag nya sa kanilang panganay pagkatapos. 'Eto ang pera ha. Ikaw na ang bahala. Basta wag mong pagkakapehin yang mga kapatid mo kung ayaw mong magulo ang buong bahay hanggang madaling araw bukas.'
Tumango naman si Danilo habang inaabot ang nakatuping papel mula sa ama.
'Can I keep the change?' Tanong nito.
'Anong gagawin mo sa sukli?'
'I'm planning to buy something before the month ends.'
'Pabili mo na lang sa Nanay mo.' DJ pointed his lips to his wife.
'Hindi pwede.' Danilo deliberately shook his head. 'Sige na Tatay?'
And he did that kind of look he hates seeing especially from Kathryn. Yun yung pinakaayaw nyang makita dahil dun pa lang, yari na sya.
'Oo na. Sige na. Basta wag mo pagkakapehin yang mga kapatid mo.'
'Yey! You're the best Tatay!'
'O sige na. Manang, pakibantayan ho muna ha?' Bilin ni DJ sa mga yaya na kasama ng mga anak. 'Malen, wag paiihiin kung saan saan si DJ Liit ha? Baka manuno!' Dagdag pa nya.
'Ninang Vice, baba na ako.' Chandri said to her godmother/ father. 'I'm coming with Kuya DJ and Kuya Danilo. We'll go to Starbucks.'
'No Chandri. Stay here with Ninang. You don't want to stay with Ninang?'
'No.' Iling ng tatlong taong batang babae.
'Mana sa'yo talaga 'to Daniel.' Natatawang sabi ni Vice habang ibinababa mula sa kandungan ang inaanak. 'Parehas kayong prangka. O, kiss muna Ninang, Chandri.' And Vice offered his cheek to the girl.
'Later.' Sabi naman ni Chandri bago tumakbo sa mga kapatid at yaya na naghihintay sa may exit.
'Ikaw na ikaw talaga Daniel! Hoy Chandrina! Wala kang Christmas gift mula sa akin! Tandaan mo 'yan!' Panloloko ni Vice sa inaanak.
Tumigil sa paglalakad si Chandri, lumingon sa Ninang nito at binelatan ito pagkatapos.
'Ay! Kathryn! Yang bunso nyo! Manang mana kay Daniel! Hindi na ako iginalang!' Nag-iiyak iyakang sumbong ni Vice.
Natawa na lamang si Kathryn bago muling nagsimula ang pagrolyo ng camera.
'So, napaalis na natin ang mga bata.' Vice started. 'Pagbalik nila mamaya, isali natin sila. San ba tayo nagtapos kanina... Dun sa 12!' At napahalakhak na naman sya. 'Seryoso talaga sa twelve, Daniel?'
BINABASA MO ANG
Team Bernardo- Ford
FanfictionA collection of one-shot stories of the beloved family.