XIV. Your Kingdom Come

28.2K 688 116
                                    

TITLE: Your Kingdom Come
GENRE: Sooper Fluff!

May nag-bonding.

*********

Nagmamadaling pumasok sa kitchen ng kanilang restaurant si DJ after receiving his wife's phonecall from where she was. Apparently, it was DJ Liit's schedule for check up and Danilo's pictorial for the kids apparel he was endorsing is about to finish.

'Chef Leo, ikaw muna ang in charge dito ha.' Bilin nya sa kanyang head chef. 'Kelangan ko lang umuwi agad. Walang kasama si bunso.'

'Sige ho Boss. Ako na bahala.' Said Leo, doing a little salute.

'Basta if there's a problem, pakitawagan na lang ako sa phone. Pag di mo ko ma-reach, sa bahay. Wag na wag mong aabalahin si Kath ha?' Mahigpit ngunit mabait nyang sabi.

The chef named Leo smiled as Daniel finally waved goodbye.

'Eto nga malapit na o.' DJ said through speaker phone as he drives home. Kinukulit na naman sya ng asawa. 'Bakit ba kasi di mo muna isinama si Chandrina nang hindi ako ang nginangarag mo pauwi?'

'Natutulog sya kanina. Ayaw ko namang gisingin. Tapos na si Danilo sa photoshoot nya. Papunta na kami nina DJ Liit ngayon sa doctor nya.' She said in hush hush voice as she looked at the 5 year old kid who had his head leaning on her chest, arms around her waist. 'Sinusumpong na naman kasi sya. Gusto parating nakadikit sa akin.'

'Naku, naku. Di pwede yan. Dapat pag-uwi nyo, ako naman ang nakadikit sayo.' DJ lightly joked as he honked his horn, signaling the one in charge to open the gates of their mansion. 'Andito na ko bahay. Binilihan ko si Chandrina nung favorite nyang donuts.'

'Sige Babe. Malapit na rin kami sa hospital. Ikaw na muna bahala ha?'

'Ok, bye. I love you.'

'Love you too.'

Kakatapos pa lamang ibaba ni DJ ang kanyang telepono at hindi pa man sya nakakalabas ng kanyang kotse ay muli na namang nag-ring ito.

'Sir Deeji.'

'O Malen.'

'Sir Deeji malayo pa po ba kayo? Si Chandre po kasi.'

'Anong nangyari kay Chandrina?' Nag-aalalang tanong ni DJ.

Ngunit bago pa man nakasagot ang kausap ay isang malakas na tunog ng tila isang nabasag na salamin ang narinig niya.

'Chandre! Bebe! Wag ang teebe!'

Halos takbuhin ni DJ ang kanilang main door para lamang makapasok agad sa kanilang bahay. Halos manlumo sya nang nakitang parang dinaanan ng ipo-ipo ang kanilang living room.

Nagkalat ang mga couch pillows, mga sirang cereal boxes with its contents spilled everywhere, at ang PS4 nilang mag-aama na nasa baba ng TV, parehas na wasak.

DJ had to shake his head just to be sure of what he was seeing.

'Anong nangyari dito?'

'Sir Deeje.' Mangiyak ngiyak na sabi ni Malen.

He turned his head and right there, on the very corner was their youngest, tiny arms on her chest, glaring at him.

'Ano na namang ginawa mo, Chandrina?' Hindi naman sumigaw si DJ. Pero bakas sa tono ng kanyang boses ang disappointment na may halong panghihinayang dahil sa 95 inches na LED TV na nasira.

However, the little girl must've taken it out of context. In an instant, big, fat tears started to pour out from her black, button eyes.

'IWAN AKO NANAY!' The kid wailed.

Team Bernardo- FordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon