XXI. Tutu

23.8K 641 125
                                        


TITLE: Tutu
GENRE: Fluff (It's so fluffy I'm gonna die!)

Dahil big girl na daw si Chanchan. 😋

********

All DJ could hear from the other line was the shuffling of his wife's feet and her labored breath. Sigurado syang kanina pa naglalakad si Kathryn pabalik balik sa isang private waiting area sa airport sa Singapore kung saan nagkaroon sya ng photoshoot for a magazine at kanina pa rin nito pinapagalitan ang sekretarya nya.

'How was I even able to forget that I have a flight kagabi?! Audrey said that the antihistamine she gave me was non-drowsy!' Kath rambles.

'Mahal, chill ka lang.' Pampakalma ni Daniel. 'Aabot ka naman sa talent show ni Chandrina mamaya.' Napahikab si DJ.

Mag a-alas singko na ng madaling araw at halos wala rin syang tulog dahil magdamag nyang pinakikinggan ang reklamo ng asawa. Hindi nya pwedeng hindi pansinin ang pagra-rant nito at paninisi sa sarili dahil for sure, maa-outside the kulambo sya. Mapapaaga ang fasting at penitensya.

'Chill? Love, my rebooked flight is at 6AM. 4 hours from here to dyan, it's a Monday! Hindi biro ang traffic mula NAIA to QC! And the talent show will start at 11!'

'E di dumiretso ka na lang sa school ni ChanChan. Sa Taguig lang naman yun. Konting kembot lang from NAIA.'

'How in the world can you be so chill about it? For God's sake! It's my baby on a talent show for the very first time. Maraming tao manonood!'

'Talent show lang yun Mahal. Hindi naman nun ip-predict ang kung anong magiging ni Chandrina pagtanda nya.' Muling paghihikab nya.

'Nonsense! Palibhasa,hindi mo naranasan mag-perform sa isang talent show nung bata ka pa kaya wala kang pakealam.' Nagngingitngit na sabi ni Kathryn.

'Hindi naman sa wala akong pakealam. Ang sa akin lang, kesa nagiging OA ka dyan, maupo ka muna. Huminga ng malalim.' And he hears Kath drawing a deep breath. 'Now, buga.' And she exhales. 'Now sing with me.. Tong tong tong, paki---'

'Daniel naman e.' She cries as she stomps. 'Seryoso ako.'

'Seryoso din naman ako. Tsaka for the record, kahit wala kaming talent show noon,gumanap naman ako na elf.'

Finally, Kathryn chuckles as she imagines that little Daniel Padilla prancing on the stage in green elf costume.

'How's my baby?'

'Ano pa bang kelangan mong kamustahin? E bago sya matulog, nagfe-facetime na kayo. Tulog pa sya. She's ok.'

'Kinakabahan ako for her.' Kathryn pouts. 'Pano pag di ako umabot? What if di nya ako makita sa audience?'

'Big girl na si Chandrina, Mahal. Hindi na nga sya umiiyak na wala ka dito e.'

'Facetime tayo please? I want to see her.'

'Tulog pa nga kase.' He sits up from the bed to peek on the little bed in one corner of their room where their youngest sleeps soundly. Nakukulitan na si Daniel dahil inaantok na rin talaga sya. 'Buti nga pumayag sya dito sa room natin matulog. Pero ayaw na tumabi sa akin. Big girl na daw kasi sya. Kaya wag mo na i-baby ha?'

********

'Good morning Tatay.' Bati ni Danilo matapos itong bumaba mula sa kanilang kwarto at tinungo ang kanilang dining table para mag-almusal. Suot na nito ang kanyang uniform at naibaba na rin nito ang bag at ilan pang gamit nya sa school.

Si DJ naman ay naka-apron pa at kalalapag pa lamang nya ng isang bandehadong fried rice sa hapag kainan.

'Good morning, brad. Si Pogi, tulog pa?' He greets him back as his eldest settles on one of the chairs.

Team Bernardo- FordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon