Snow
6:57 AM
"Dito! Dito! Bilis!" Wika ni Papa habang tumatakbo sa ikalimang bahay mula sa Bahay namin. Agad minanipula ni Papa ang ang lock gamit ang magnetic power niya upang mabuksan ang gate.
"Hayyyysss!" Buntong hininga ko nang makapasok kami sa loob buti nalang walang zombie kaming nadaan.
"Clear!" Sumenyas si Papa sa amin na sumunod habang dahan dahang at maingat na pumasok sa loob si Papa.
Pagkapasok namin ay sobrang kalat sa loob. Chineck ni Papa ang kusina, Cr at kung ano Anong sulok na pwedeng mayroong zombies na nakatago.
"Clear!" Wika ulit ni Papa bilang pagpapahiwatig na walang kahit Anong panganib Dito sa unang palapag ng Bahay.
"Tay Fernando Dito lang kayo, bantayan niyo ang pintuan. Ikaw, Steve alam mo na ang gagawin pag may nangyari, kunin mo agad sina Lola mo at magtago kayo sa anino." Wika ni Papa
"Copy!" Sagot ni Steve at sumaludo pa.
"Wag kang mag alala Matt Ako na Ang bahala Dito." Wika Naman ni Lolo Fernando. Tumago lang si Papa bilang sagot.
Dahan dahan kaming umakyat ni Papa papuntang second floor. Bawat apak ko sa hagdan ay palakas nang palakas ang tibok Ng puso ko Ng Hindi ko maipaliwanag.
"Dugo!" Utal ko nang makarating kami sa second floor. Agad na tinakpan ni Papa ang bibig ko.
"Shhhhh" umaksyon si Papa wag Ako maingay at hinila Ako papunta sa isang ding ding para magtago.
Sumilip ulit kami ni Papa at doon ko mas napagmasdan Ng maayos ang itsura Ng second floor. Ang kalat, mga sirang furniture at mga dugong natuyo mula sa hallway.
Mula Dito sa kinaroroonan namin ni Papa ay tananw mo ang kabuohan Ng second floor Dalawang normal room at Isang master bedroom.
Dahan naglakad si Papa papunta sa unang room na malapit Dito sa hagdan. Binukusan ni muna ni Papa ang pinto, naghintay Ng saglit Bago dahan dahang pumasok. Pagtingin namin ay walang laman at tanging mga gamit lang na nagkalat.
Dumiretso Naman kami ni Papa sa ikalawang kwarto ganoon din ang ginawa ni Papa. Binukusan at naghintay Ng konti Bago pumasok.
Pagmasok namin ay ganoon din ang magulo at Puno ng dugo pero ang kaibahan ay ang nakahandusay na bangkay sa sahig.
"Wahhhmmmmm!" Sigaw ko habang tinatakpan ko ang mga bibig ko gamit ang dalawa Kong kamay.
"Si-si-Si Tita Vanessa!" Wika ko at doon ko lang napagtanto na Bahay pala ito nila Tita Vanessa. Isa nang zombie si Tita Vanessa at may Tama sa ulo.
"Shhhh! Wag kang maingay Snow!" Pabulong na turan ni Papa dahil naguumpisa nang tumulo ang mga kuha ko.
"Tiisin mo, Isang kwarto nalang!" Dagdag pa ni Papa at nagsimula na ulit maglakad papunta sa master bedroom.
Nang Wala ring lumabas nang buksan ni Papa ang pinto ay agad kaming pumasok at doon mas dinurog ang puso ko. Nakahandusay sa sahig ang 12 years old na si Vianne habang nasa kama ang kapatid nitong 10 years old na si Alfred parehong zombies at may Tama sa ulo.
Dahan dahang binukusan ni Papa ang pinto Ng CR para maka sigurong walang panganib ngunit nadatnan Naman niya si Tito Allen na Patay sa loob. May kagat sa leeg Bagamat Hindi pa ito zombie pero may Tama ito ng Nala sa ulo. Mukhang piniling magpakamatay ni Tito Kasi nasa tabi lang niya ang baril.
Bumuhos ang mga kuha ko dahil hindi deserve nila Tito at Tita ang ganitong nangyari at mas lalo na Hindi deserve Ng mga Bata ang ganitong trahedya. Habang nasa kalagitnaan Ako Ng pag-iyak at inaalala ang mga memories ko Kayla Tita bagamat Hindi namin sila kaano-ano ay papaano napalapit na Ang loob ko sa kanila. Bigla ko nalang naalala na may Isa pa.
"Papa may isa pa. Si Leo Papa yung 3 years old na bunso nila!" Wika ko Kay Papa kaya napa Tayo kami at pinagbubuksan ang mga kabinet. Wala Dito sa Master bedroom.
Sununod namin ang pangalawang room Bago bumalik sa unang room na pinasukan namin.
Pagbukas ni Papa sa kabinet ay tumambad ang nakahigang katawan ni Leo sa loob ng closet. Parang nabunutan Ako Ng tinik Ng malaman na buhay at humihinga pa si Leo.
"Leo! Leo! Leo!" Paggising ko habang analog alog siya.
"Toto Matt? Toya Snow?" Bulol na turan niya nang Makita niya kami. Kaagad ko siya binuhat at niyakap Ng mahigpit.
"Oh sino yang Bata?" Wika ni Lola Violeta at agad na lumapit sa akin dahil karga karga ko si Leo.
"Anak Po ito nang mayari nitong bahay." Sagot ko.
"Yung mga magulang?" Tanong ulit ni Lola
Agad Akong napaluha nang maalala ko ulit ang sinapit nila Tita. Hindi na nagtanong pa si Lola at napalitan ng awa ang kaninang nag-aalala niyang Mukha.
"Tay Fernando pakitulongan niyo Po Akong buhatin ang mga bangkay." Wika ni Papa Kay Lolo at pumunta na sila sa hitaas
"Hep hep saan kayo pupunta?" Saway ni Lola sa dalawang Bata dahil tinangka nilang sumunod.
Walang nagawa ang mga Bata kundi ang umupo at kausapin si Leo.
"Leo, this Steve, this is Elyson and this is Lola Violeta" turo ko Isa Isa Kayla Lola.
"Steb, Elis, Wowa Volet" wika niya habang Isa Isang tinuturo sila Lola.
"Wow ang galing galing. Clap clap" wika ko at umaksyong pumapalakpak kaya gumaya din siya.
"Daddy? Mommy?" Nagtataka niyang tanong dahil di niya makita ang mga magulang niya.
"Dadi sabi tago. Dadi ouch ouch" wika niya habang hinahawakan ang leeg. Siguro Bago magturn zombie si Tito ay pinatago niya si Leo kaya siguro Nakita ni Leo ang kagat sa leeg sa Daddy niya.
"Ahh Baby andoon sa far away." Sagot ko at sabay yakap sa kanya.
---
YOU ARE READING
Zombies #1: Journey in a Zombie Apocalypse with my Papa Matthew
RomanceHalina't sundan natin ang kweto ng mag-amang sina Snow at Matthew kung paano sila makaka ligtas sa panganib na dulot ng mga zombies.