Snow
7:00 PM
"Shit! What? Ano ito?" Murang tanong ni Papa nang Makita ang Isang kagimbal gimbal na scenery nang makababa kami.
Ang daming kulongan na mayroong sampo o higit pang mga red core zombies sa loob. Kaya agad namin itong pinatay at kinuha ang mga cores. Naka anim kami na kulongan kaya naka-kalap kami ng 73 red cores. Ilang hakbang pa mula sa ika-anim na kulongan ay narating namin ang panibagong pinto.
"Lola! Ely!" Sigaw ko kaagad nang mabuksan ang pinto at Makita ang daming tao sa loob.
"Apo!" Sigaw ng boses matanda kaya hinanap ko ito at Nakita sina Lola at Ely sa may dulo Ng room kaya agad ko silang nilapitan.
"Okay lang ba kayo, Lola?" Tanong ko kaagad.
"Okay lang Naman Apo mabuti at Hindi kami sinaktan ng mga kumuha samin." Sagot Naman ni Lola.
"Sino kayo? Ligtas ba kami?" Mga tanong Ng mga tao habang nadadaanan ko sila. Bagamat nakapagtaka na puro kababaihan ang mga narito at may mangilan ngilang Bata.
"Huminahon muna Tayo. Ligtas na kayo sa Ngayon dahil napaslang na namin sina Simeon at ang mga tauhan niya." Pagpapaliwanag ni Papa sa kanila at tinanong ni Papa kung alam ba nila kung bakit sila hinuli.
Sabi ni Kathryn na Isang wind awakened ay hinuli daw ang mga kababaihan para gawing mga awakened at upang gawing p*ta ni Simeon. Balak Kasi ni Simeon na magtayo Ng harem at maghari harian. Ang mga Hindi sumang-ayon ay nilalagay nila sa kulongan na nagsisilbing core farm nila Simeon.
"Kung gusto niyong sumama samin ay ikagagalak naming tanggapin kayo." Ani ni Papa nang makalabas kami sa basement.
"Siguro ay mag-papaiwan nalang kami at gagawing base ang mansyon na to." Saad ni Kathryn. Magandang base din itong mansiyon dahil bukod sa malaki itong Bahay mayroon ding mga nakatagong armas at may tanimam sa likod.
Kailangan lang nilang gawan nang bakod ang taniman at i-iconnect didto sa Mansyon for sure ay magiging Isang perfect base na ito. Isa pa ay nasa 25 na kababaihan sila at sampu doon ay awakened at mayroon namang eleven na Bata na lahat ay awakened.
"Heto tanggapin niyo ito. Nakita namin ito sa silid ni Simeon. Gamitin niyo ito paraas lalong lumakas ang pwersa ninyo." Ani ni Papa at binigay ang 200 red cores na malugod nilang tinanggap.
"Maraming maraming salamat sainyo." Ani ni Kathryn pati Yung iba ay nagpasalamat din.
"Oh siya mauna na Po kami." Pagpapaalam ko Naman.
"Sandali, Sir Matthew! Sasama kami!" Sigaw Ng Isang boses kaya napalingon kami doon sa babaeng may hawak na Bata sa kamay niya. Agad itong naglakad papalapit samin.
"Ako si Andrea Dantes at ito Naman ang anak ko na si Andres." Pagpapakilala niya. Sinabi niya rin na parehas silang awakened Ng anak niya. Siya ay may smoke power at si Andres Naman ay thread power.
7:27 PM
"Dito lang kayo malapit saakin dahil Hindi natin alam kung Anong panganib ang naghihitay satin sa dilim" taimtim na saad saamin ni Papa.
Nakahinga Ako dahil natatanaw ko na sa malayo ang Bahay nila Grace. Pasalamat kami at walang kung ano ang sumalubong samin sa dilim. Bagamat maliwanag dahil sa buwan at sa solar powered na street light ay hindi parin kami nakampante at minabuting maging alerto.
"Awooooooooo!" Isang napakalas na ungol ang narinig namin. Ang Isa ay naging dalawa, ang dalawa ay naging tatlo hanggang sa dumami ang mga ungol Ng kung Anong halimaw.
Agad kaming naging alerto Kasi Wala kaming nagkikita at tanging malawak lang na palayan at sa may kalayuan pa ang Bahay nila Grace.
"Papa, doon!" Turo ko sa may kalayuan dahil sa mga kaluskos at pag-galaw Ng mga palay na parang may mga hayop na dumadaan.
Agad na hinawakan ni Papa ang helmet niya at muling naging full body titanium siya kaya gumaya din ako at nag transform muli ang katawan ko ito ice.
Isa Isang nagsilabasan ang mga red core dog zombies na nasa 20 ang bilang at sa likod nito ang Isang orange core dog zombie na mistulang alpha nila.
"Hi-Hindi maaari...." Turan ko kaya napalingon sila saakin.
"Papa iyan Yung asong nasagasaan natin Hindi Ako nagkakamali!" Dagdag ko pa.
"Shit!" Mura ni Papa.
"Ako na Ang bahala!" Sigaw ni Andrea at itinaas niya ang kanyang kamay at mayroong green smoke ang lumabas doon kaya napa atras ang mga aso.
Paliwanag ni Andrea ay may tatlo siyang uri Ng smoke. Ang Volcanic Smoke na nakaka sunog, poison miasma which is highly corrosive and a fog.
Agad kaming napalibutan ng green smoke habang nasa loob kami ng inner circle kung saan walang green smoke.
Mukhang matalino ang mga zombie dog dahil Wala ni Isa ang nagtangka na salubongin ang poison miasma. Kasi everything it touches dies kagaya nalang noong mga palay na natamaan nito.
Naglakad lang kami nang naglakad hanggang sa nakarating kami sa Bahay ni Grace. Agad kaming pumasok at nadatnan sila na nasa Sala na kanina pa naghihintay samin.
"Lola!" Sigaw ni Steve at kaagad na tumakbo papunta Kay Lola Violeta kaya agad silang nagyakapan at nag iyakan.
---
Andrea Dantes
-34
-Awakened
-Smoke PowerAndres Dantes
-10
-Awakened
-Thread PowerKathryn Aragon
-30
-Awakened
-Wind PowerSimeon Estrella - Killed
-36
-Telepathy
-Psionic WeaponsSamson Estrella - Killed
-34
-Sword PowerMonique Lopez - Killed
-28
-Dragonfly
-Fire Spit
YOU ARE READING
Zombies #1: Journey in a Zombie Apocalypse with my Papa Matthew
RomanceHalina't sundan natin ang kweto ng mag-amang sina Snow at Matthew kung paano sila makaka ligtas sa panganib na dulot ng mga zombies.