08

237 8 1
                                    

Snow 

"Patawad Nay at Hindi ko nailigtas si Tay Fernando kanina." Turan ni Papa habang nagdri-drive. Inabot ko ang kamay niya dahil alam Kong sinisisi niya ang Sarili niya kung bakit hindi nakaligtas si Lolo.

"Wag mong, sabihin Yan Anak dahil walang may gusto sa nangyari at nagpapasalamat rin Ako at kahit papano ay nakaligtas kami ng apo ko at pati na rin itong si Elyson." Mahabang wika ni Lola na Hindi parin tumitigil sa pagluha ang nga mata. Gayon din ang dalawang Bata ay Todo sa pag iyak habang si Leo ay natutulog at kalong kalong ko Dito sa harapan.

10:37 AM

Alas dies trenta y siete nang kami ay makarating sa dulo nitong aming municipality. At piniling magpahinga Bago kami abotan Ng dilim sa kalsada. Magandang magpahinga Dito dahil nasa boundary na ito ng municipality at kokonti lang ang kabahayan.

May Nakita kaming two storey house sa may gilid ng kalsada na napapagitnaan Ng palayan at doon piniling magpahinga.

"Tao Po? May tao Po dyan?" Sigaw ko dahil naka lock ang gate. Hindi na hinintay ni Papa na may sumagot at agad na minanipula ang lock Ng gate upang bumukas ito. Agad kaming pumasok at sinarado ang gate. 

TOK! TOK! TOK! 

Katok namin pero walang din sumagot kaya binukusan nalang namin ang pinto dahil Wala namang sumasagot kaya walang tao.

"Itaas niyo ang mga kamay niyo!" Pagkabukas namin ay tumambad saamin ang Isang babaeng may hawak na shotgun.

Agad kaming na estatwa sa kinatatayuan namin at sinunod ang turan niya na at tinaas ang mga kamay.

"Paumanhin pero Wala kaming balak na masama sayo iha" wika ni Lola Violeta.

"Huwag kang maingay tanda!" Sigaw niya.

"Please Miss gusto lang namin sana Dito magpahinga kung ayaw mo ay aalis nalang kami!" Wika Naman ni Papa. Sinipat niya si Papa mula ulo hanggang paa.

"Segi pasok kayo." Hala marupok si Ate. Nag give way kaagad nang Makita si Papa.

"Ako nga pala si Matthew Muller." Pagpapakilala ni Papa at nilahad ang kamay.

"Ako nga pala si Grace Alvarez!" At tinanggap niya Naman ito kaagad.

"Ako pala si Snow Ic..." Tinalikuran niya Ako at hinawakan si Papa sa Braso at hinila papuntang Sala at umupo sila.

"So Ikaw si Snow" turan niya nang makaupo siya. So narinig Naman pala niya.

"Ahh oo hehehe" plastic Akong ngumiti sa kanya.

"And you?" Tanong niya Kay Lola na parang hinuhusgahan sa mga tinginann niya.

"Ako si Violeta." Lagad ni Lola sa kamay niya pero Hindi ito tinanggap.

"Ah ito nga pala ang mga apo ko Si Steve, Si Ely at si Leo" pagpapatuloy nalang ni Lola Violeta.

"So mag Isa ka lang Dito, Grace?" Tanong ni Papa.

"Oo, nagpunta Kasi lahat ng pamilya ko sa ciudad upang magbenta Ng Ani tapos nangyari itong zombie apocalypse kaya di pa sila nakakabalik. Huhuhu" iyak niya na mukhang peke Naman habang napayakap Kay Papa. Agad Kong sinamahan Ng tingin sila Papa ngunit nagkibit balikat lang si Papa dahil di niya alam ano gagawin at sumenyas na hayaan nalang.

"May pagkain kaba dito Grace? Nagugutom na Kasi kami." Tanong ni Papa 

"Ah Oo, wait!" Agad na nag change ang emosyon niya at naglakad papunta sa kusina. Pagkarating niya ay binigyan niya kami ng tig iisang biscuit. 

"Yan lang muna Kasi Wala Akong niluto Kasi Hindi ko alam. Marunong kaba Matthew?" Tanong niya Kay Papa habang kumukurap kurap ang mga mata. Aba malandi itong babaeng to ah.

"Ah Oo, hahaha" sagot ni Papa at mahinang tumawa. 

"Pwede mo ba akong turuan?" Tanong niya kaagad.

"Ah segi ba." Agad niyang hinila papunta sa kusina si Papa.

"Hindi ko gusto ang babaeng Yun." Pabulong na wika ni Lola saakin nang makaalis sila.

"Sinabi mo pa La. Parang sawa kung maka kapit Kay Papa eh Ngayon lang Naman sila nagkita. Eh pano kung may masama pala tayong balak Diba." Wika ko Naman pabalik.

"Toya Snow, mommy? Daddy?" Tanong ni Leo nang lumapit saakin. Mukhang ninahanap nanaman niya ang pamilya niya.

"Ah nasa malayo Baby." Sorry Leo kung kailangan Kong magsinungaling sana maintindihan mo.

"Kayo Steve at Ely behave lang kayo at wag niyong gagamitin ang powers niyo dahil Hindi natin lubos na Kilala so Grace. Naiintindihan niyo ba?" Pagpapaala ko sa kanila. Binilin Kasi ni Papa na huwag Basta Basta gamitin ang kapangyarihan nila Lalo na sa harap Ng Hindi namin Kilala at baka malagay sila sa panganib.

"Opo, Kuya Snow!" Sabay nilang sagot saakin.

11: 58 AM

Tinawag kami nilala Papa dahil kakain na daw. Kaya pumunta na kami sa dining area. Isang simpleng pagkain lang. Kanin at ginisang gulay. Umupo Ako at tinabi si Leo kaliwa ko dahil susubuan ko sya habang habang nasa kanan ko si Lola Violeta at katabi ang mga Bata. Habang nasa kabila Ng lamesa sina Papa at ang malanding si Grace. 

Hindi ko nalang pinansin ang pang-aakit ni Grace Kay Papa at nag focus nalang sa pagkain at pagsubo Kay Leo dahil kailangan naming Kumain Ngayon para makabawi kami ng lakas. At Isa pa kampante Akong Wala siyang epekto Kay Papa Kasi mas maganda Ako sa kanya. Kahit kanina pa sya nagpapansin Kay Papa eh nasaakin parin ang atensyon niya.

Pagkatapos naming Kumain ay naglibot libot Ako sa Bahay. Isa itong simpleng two story house lamang. Habang nag titingin tingin ay napadako Ako sa family picture, Isa itong picture Ng mag-asawa at may katabing limang lalake. 

"Huh? Asaan si Grace Dito?" Pinagtataka Kong tanong. Sinawalang bahala ko nalang at bumalik na sa Sala. 

3: 24 PM 

Nasa loob kami ng silid Ngayon ni Papa. Katabi ito ng master bedroom na siyang tinotuloyan ni Grace habang sila Lola Naman nasa tapat nitong room kasama ang mga Bata.

Kakatapos lang naming maligo ni Papa at sabay na umupo Ng cross leg paharap sa isat Isa. We will try to absorb the remaining crystals na nasaamin. Mayroon pa remaining 70 crystals. 

We decided to absorb 20 each. I felt the power surging inside me. Ramdam ko na mas lalong lumalakas at lumalawak ang scope Ng kapangyarihan ko. And I can't wait to see what more I can do with this Ice Power. For now all I can do is ice generation, ice manipulation, and ice creation and basic water control. 

"Anong ginagawa niyo?" Agad kaming napalingon Kay Grace na agad agad na pumasok sa loob. 

---

Zombies #1: Journey in a Zombie Apocalypse with my Papa MatthewWhere stories live. Discover now